Chapter 44

Nakaramdam na kami ng pagod nung wala kaming niisang maalala sa dinaanan namin.

Tanging yung maaliwalas lang na dapit, pagkatapos nun wala na.

Hindi naman kami umabot ng isang araw sa kakatakbo nung may nangyari sa San Lorenzo.

Di rin pwedeng gayahin namin yung ganoong istilo, wala naman na kaming masyadong lakas para don.

"Pahinga muna tayo, okay lang ba? Magpapalit lang ng damit" Tanong ni Allen na agad naman naming sinang ayunan.

Doon ko lang napansin na lahat pala kami ay halos naubos na ng pawis.

Mabuti na nga lang at light blue loose shirt ang soot ko ngayon, nagawa ko pa itong pantulog nung nakaraang araw. Hindi masyadong mainit sa pakiramdam.

Maging ang mga kasama eh halos nasuot na ang lahat ng damit, sino ba naman kasing mag aakalang yung 3 days eh maging 1 week.

Ang swerte nga nung boys, kung walang masusuot wala namang issue kung mag topless. Unlike saming mga girls.

Nagpahinga muna kami sa gilid, napagdesisyonang magbihis ang lahat bago pa magkasakit.

Kung tutuusin hindi naman masakit sa mata ang kabuuan ng gubat, walang sinag ng araw pero sa tagal namin sa paglalakad eh pagpapawisan ka talaga.

Wala ni isang umimik matapos nakapahinga, hindi rin kami gaano ka lapit ng mga kasama. Kailangan muna mawala ang iilang pawis bago magpatuloy.

"May tao" napalingon ang lahat kay Jessy nung magsalita ito.

Patuloy parin ang iilan sa pagpunas ng pawis kahit nakabihis na ang mga ito.

"Jessy ah! Nice joke Hahahha" sagot ni Warren na wala pang balak takpan ang pang itaas.

Hindi ako umimik pero sinubukan kong makaramdam.

"Meron nga kasi, try niyong pakinggan" ulit nito na mukhang seryoso nga sa sinasabi.

Kahit anong pilit kong gawin wala talaga akong naririnig.

Linibot ko ng tingin ang mga kasama na mukhang natinag sa sinabi ni Jessy. Siguro tama nga sya, di naman gawain nito ang magsinungaling.

"Matagal ko na yatang hindi nalinis tong tenga ko. Wala talaga akong naririnig"

"Dugyot ah"

Di ko nalang pinansin yung pinagsasabi ng dalawang maingay. Para akong kinakabahan kung bukod sa kasama eh meron pang ibang tao dito.

"Di kaya hindi tao?" Mahina kong wika sa mga kasama.

"Hindi niyo talaga narinig? Palapit ng palapit oh"

May kung anong pakiramdam ang bumalot sakin, nung magsalita uli si Jessy. Kita mo dito na hindi rin kumportable.

"Baka mga rebelde na naman?"

Agad kaming nagdikit ng mga kasama, para tuloy kaming may hinihintay sa lagay nato. Tila natakot sa maaring mangyari.

"She's right" nakuha ang atensyon ng lahat at tiningnan si Rence na nasa tabi nitong si Andi.

"Naririnig ko rin"

"Meron nga"

"Shhhh"

Napapikit nalang ako at hinintay kung anong mangyayari.

Wala ni isang nagsalita pero rinig ko dito ang lalim ng kaba. Nakapikit parin ako at tuluyan ng lumakas ang ingay ng mga hakbang.

Pilit kong binuksan ang mata at nais alamin kung anong nangyayari. Ilang sandali pay mas sumikip ang pagkakaupo namin. Pahiwatig na meron ng nangyayari dito.

"Magandang Hapon mga ma'am at sir"