Chapter 43

"Bakit bro?" Rinig naming wika ni Drake sa likod.

"I'll follow"

Agad akong napalingon nung mapansing sobrang layo ng boses ni Rence.  Naabotan ko pa itong dumaan sa iilang puno ng saging.

"San sya pupunta?" Agad kong tanong kay Drake na nakatingin rin dun sa isang gawi.

"Bakit daw?" Tanong sakin ni Andi.

Napasapo ng noo itong lalaking wala ni isang sagot na sinabi.

"Wag niyo kasing tingnan" wika nito at pinilit kaming ipaharap sa daanan.

Doon ko lang na gets na baka  umihi lang sandali ang kasama.

Shemmsss! Nakakahiya!

"Hala! Ang layo na nila! HOY!!!!! Sandali" Dali daling takbo ni Andi.

Tanaw ko dito na huminto ang mga kasama, mukhang ngayon lang kami napansin.

Hindi paman nakaabot ang babae, agad rin itong bumalik sa gawi namin dahilan para matawa kami.

Para tuloy tanga!

"You're still here?" Sulpot ng lalaki sa likod namin.

"Ano ba!!!!!!!" Sigaw ni Andi na ngayon ay nakahinto na sa gitna.

"Mag antay ka nalang diyan" natatawang sagot mula sa kabila.

"What's with her?"

Nagsimula na kaming maglakad ng napansin ni Rence ang babae.

Naghihintay parin si Andi sa gitna, habang yung ilang kasama eh mukhang nagpapahinga muna.

"Hinintay ka!" Natatawang sagot ni Drake.

"Oh? So, you told them?"

"Bro, sobrang obvious naman, nakatingin pa nga sila sayo!"

Napatakip ako ng bibig, pinipigilang matawa sa maging reaksyon ni Rence.

"Bilisan niyo naman!"

Naabotan pa naming naiinis si Andi, sino ba naman kasing nagsabing tumakbo sya ng hindi kami kasama.

"Tara na guys"

Agad nalang kaming inunahan ni Drake sa paglalakad.

Di sinasadyang napatingin kay Rence na nasa likod lang. Umiwas ito ng tingin kaya napangiti ako ng palihim.

Siguro nahihiya to! Ba't naman sya mahihiya? Parang hindi sanay samin ha!

Sumunod nalang din ako kay Andi ng umuna ito sakin sa paglalakad.

Tanaw ko parin mula rito na naghihintay na ang mga kasama, panandaliang nakaupo sa damuhan.

"Erin"

Lingon ko agad sa likod ng marinig ang boses.

Permente parin ang paglalakad, nakahanay lang kaming apat. Pero mas malayo yung dalawang nangunguna samin.

"Ah, you saw something? I told Drake already about my pers- - -" 

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at mas itinoon ang tingin sa paglalakad.

"Wala no, joke niya lang yun!"

Sagot ko habang nakatalikod. Iilang hakbang nalang malapit na ang pwesto ng mga kasama.

"Thanks God"

Napahinto ako ng marinig ang sagot nito.

Agad ko syang nilingon.

"Bakit?"

"Ah? Nothing, just wanna know" sagot nito na mukhang hindi na kumportable.

"Let's go?" Ulit niyang tanong sakin, pilit tumitingin sa mata para makaramdam ako ng ilang.

Teka....

"Aha! Nahihiya ka ba?"

"Hahah ano? Tama?"

Sunod sunod kong tanong, kita ko kung paano nag iba ang kurte ng kilay nito, maging ang pag litaw ng panibagong hitsura ng mga mata.

Nahihiya nga!  HAHAHHAHA cute!

"Wala akong nakita"

"HOY!!!! ANO YAN!!"

Paniguradong si warren na naman yan!

Agad napaiwas ng tingin si Rence.

"Ah, we can go,  they're waiting!"

Wika nito sakin tsaka umunang maglakad.

Para tuloy itong may iniiwasan dahil mas binilisan nito ang paglalakad.

Ang cute!