Chapter 42
Napagdesisyonan muna naming kumain bago magpatuloy sa paglalakad.
Inilatag ang iilang prutas sa isang tela na di ko mawari kung sino ang nagmamay ari pero mukhang sa mga lalaki ito.
"Dito ka Erin oh" wika ni Drake na nilingon ko naman.
"Iba talaga pag prinsesa" pailing iling na sambit ni Warren na kasalukuyan paring nakatayo.
"Pinagsasabi mo ha?" Tanong ko sa kanya ng makaupo sa tinutukoy ni Drake.
Nagsimula narin kaming kumain dahil ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon.
"Hati hati muna tayo guys okay?" Tumango lang kami bilang sagot nung magsalita si Mich
"Yes Mama"
"Baliw"
Natawa ang lahat sa kakulitan nitong si Warren, mukhang bumalik na ang saya nito. Kailangan lang palang mapagod kakalakbay para bumalik sa dati.
May nabuong kuryusidad sa isipan kaya dali dali kong nasiko ang katabi na takam na takam ng kumain.
"Ano?" Tanong ni Andi na hindi nakatingin sakin.
Gutom nga talaga!
Agad akong lumapit sa tenga nito at may ibinulong.
"Ano bang naging LQ niyo?"
Matapos marinig ang sinabi ay napaiwas ito sakin.
"Grabe ka, ayaw mo kumain ha? Chika muna?"
"Gaga, curious lang!"
Pinanliitan lang ako ng tingin pero yung kamay nito ay nakadampot na ng prutas sa harap.
"Bakit daw?" Bulong naman nitong lalaki sa tabi.
"Wag na nga lang" sagot ko kay Andi na walang balak sumagot sakin.
Kumain nalang din ako bago pa magkaubusan.
"Hoy bakit nga?" Ulit na tanong ni Drake sakin.
"Anong bakit? Di ko nga alam diba?" Mahina kong sagot habang ngumunguya nitong lanzones na mukhang pinulot lang sa gilid.
"Sure ka? Ano ba binulong mo?"
"Uy grabe kayo ha, anong bulongan yan?"
Agad akong napadistansya kay drake ng magsalita si Warren.
"Wala!" Sabay naming sagot dahilan para mas ngumiti yung ibang kasama.
Nagkunwari nalang ako na walang napansin sa naging reaksyon nila at mas piniling kumain. Ano naman kayang iniisip ng mga ito?
Dahan dahan kong nilibot ng tingin ang mga kasama, habang dumadampot pa ng tatlong lanzones.
May sariling mundo sina Warren at Drake, magkausap naman sa harap ang magpinsan, si Rence na di ko mabasa ang reaksyon pero nakatoon ang tingin sa prutas, habang magkatabi kami nina Andi at Jessy.
Matapos ang iilang minuto, bumalik na kami sa paglalakbay bago pa kami maabotan ng dilim.
Nangungunang naglakad ang magpinsan, sinundan naman ni Jessy at Warren, nakasunod kaming dalawa ni Andi at nasa likod sina Rence at Drake.
Tumatagal mas bumalik yung kabuuang itsura ng gubat, wala na namang masyadong sinag ng araw.
Pero ang napapansin ko rito hindi na sya gaanong kasikip na parang walang gustong magpadaan.
Nakahiwalay narin ang matataas na damo na nagbibigay daanan samin.
"Pakiramdam ko ang lapit na natin" wika ni Andi na mukhang ganoon rin ang napapansin.
"Mararamdaman mo talaga yan, lalo pa't malapit lang ako sayo" sagot ni Warren na agad natawa.
Ang corney masyado. Nako!
Di nako nagtaka kung nanlisik na naman ang mata nitong katabi ko. Ba't ba kasi nakasunod kami dito kay Warren?
"Joke only"
"HA - HA nakakatawa" sarkastikong sagot nitong katabi ko.
Naramdaman ko nalang na may naka akbay sakin.
Nang makitang nakangisi itong si Drake sa likod, sumingit pa talaga ha!
"Tanggalin mo nga yan Drake ang bigat!" Inis na wika ni Andi na mas nagpatawa sa dalawang lalaki.
"Bro, wag mo ngang ginagalit yang si Andrea" kunwaring tanggol nitong si Warren.
Ewan ko sa dalawang to! Ang kukilit!