Chapter 41
"Mukhang sila yata yun"
Napasunod kami sa tinutukoy ni Allen, hindi gaya kanina na sobrang sikip ng dinaanan namin.
"Sila nga"
"I told you, they're safe"
Sunod lang kami ng sunod dahil di ko masyadong tanaw ang tinitingnan ng mga to.
Ikaw ba naman nasa gitna at matatangkad yung sinusundan mo di mo talaga makikita.
"Natagalan yata kayo?"
Bungad na tanong ni Drake.
Nilibot ko ang tingin, nakakatakot kung iisipin dahil tila wala kang ideya kung saan ang lagusan dito.
"Pahinga muna tayo!"
Agad na bitaw ni Andi sakin tsaka daling pumunta sa gilid.
"Oo medyo mabigat pa naman tong bagahe ko" sunod naman ni Mich at piniling sumandal sa may puno.
"Sabi naman sayo ako magdala niyan"
Agad na wika ni Allen at lumapit sa pinsan.
"Wag na no, proproblemahin pa kita kung magkakasakit ka na naman"
Pansin ko ang paglayo ni Jessy, kaya nasundan ko ito ng tingin tumabi lang pala ito sa mga kasama.
"I can help too, you should have told me earlier"
Di ko maiwasang di mapatingin sa lalaking nakatayo dalawang hakbang ang layo mula sakin.
Ba't ganto siya ngayon? Masyadong caring.
"Wala kayong balak umupo?"
Suhestiyon ni Drake na di ko namalayang nakalapit na sa gawi ko.
"Akin na" mahinang wika nito at kinuha yung dala dala kong prutas.
Di ko nalang ito tiningnan at nangunang naglakad sa tabi ni Warren.
Tsaka ko lang napansin na nakasunod din si Rence sakin kaya di maiwasang magkatabi kami sa pag upo.
Nakahanay lang kami sa isang gilid.
"Masyado kang halata"
Naiwas ko pa ng tuluyan ang mukha nong agad may ibinulong si Drake sakin.
"Ha?" Tumango ito.
Anong pinagsasabi ng lalaking to?
"Something wrong?" tila may nagpahinto sakin nung marinig ulit ang ganung boses.
Nilingon ko ito dahil baka hindi naman pala ako yung kausap.
Naninigurado lang.
"Oo, naman" sagot ko kay Rence tsaka ibinaling ang tingin sa harap.
Siguro ilang minuto lang nang maisipang kailangan na naming bumalik sa paglalakad.
Sa ngayon magkaiba na ang pagkasunod sunod namin sa paglalakad, nangunguna si Mich na sinundan ni Allen at Warren. Sinundan naman naming tatlo ni Andi at Jessy, habang nasa likod sina Drake at Rence.
Masasabi kong medyo matagal na yung nilakad namin, iisipin mo palang na wala kayong kasiguradohan kung saan hihinto, di mo maiwasang mapagod sa bawat segundo.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakbay habang inaasa namin sa tatlong nangunguna ang direksyon.
"Mukhang malapit na tayo" Wika ni Jessy na nasa tabi ko.
Napalingon kaming lahat sa babaeng naabotan naming nagpalinga linga.
"Yun oh! Kita niyo yung medyo maaliwalas na parte?" Agad gumilid si Allen nung may itinuro ang babaeng nasa likod nito.
"Anlayo pa Jessy, jusko!"
"Mukhang tama ka, kaya lang masyado pang malayo"
"She's right"
"Tara na, bilisan na natin"
"Di ko maalala"
"Dali na!!!!"
Nagkahalo halo na yung reaksyon ng mga kasama nung makita ang tinuturo nitong si Jessy na katabi ko.
Grabe talaga ang mata ng babaeng to, sobrang layo pa kasi maiisip mo tuloy kung may dala dala itong binoculars.
Ilang minuto ng paglalakad, naaninag na namin ang maaliwalas na paligid. Di maiwasang mapatakip ng mata dahil naninibago sa nakikita.
Matatayog na puno na mukhang merong nagmamay ari ang nakapalibot samin. Makikita mong inalagaan ang mga ito, mapapansin mo agad ang bawat sanga sa nipis nitong mga dahon.