Chapter 40
Siguro ilang layo palang ang ilog sa kinatatayuan namin.
"Sa gawing papasok pa yata yung malaking bato, nasa gitna naman yung walang masyadong puno. Naalala niyo?" Tanong ni Mich samin.
"Yeah, we stayed there for hours, the meeting place"
Pinipigilan ko ang pagngiti nung makita ang reaksyon nina Drake at Warren. Tila wala itong masagot sa biglaang pag english ng kasama.
"Yeah! I agree!" Sagot ni Warren
"Me too" habol naman ni Drake
Di namin mapigilang matawa sa pinagsasabi ng dalawang to.
"Ewan ko sa inyo" sagot ng katabi ko na mabuti naman at bumitaw na sa pagkapit sakin at umupo sa gilid.
"Papansin talaga" mahinang wika ni Warren pero nadatnan ko ang kurba ng pagbigkas nito.
"Shhh, sige na kailangan na natin magdesisyon baka maabotan tayo ng dilim"
Agad kong inabot yung kamay ng babaeng nakaupo sa gilid. Wala itong choice kundi tumayo at bumalik sa pwesto.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, para kaming iniwasan ng kung sinong may ari ng kulungan dahil sobrang hirap makalabas.
Sunod lang kami ng sunod dun sa mga lalaki, oo nanguna na yung apat sa paglalakad habang kasabayan na namin si Jessy na nakasunod sa nag iisang si Mich.
"Ngayon nalang yata ako nakapaglakad ng ganto"
"Ramdam ko narin yung pamamanhid Cath"
"Sana talaga makakauwi na tayo!"
Di ko mawari na ganto pala katagal maglakbay pabalik, wala kaming alam kung anong naghihintay samin sa daan. Kung maliligtas ba kami o mapapahamak.
Minsan nahihirapan pa kaming makatawid sa mga nagkabuhol buhol na sanga.
Walang gustong magpaiwan sa likod kaya sobra kung dumikit tong dalawa sakin.
"Allen, nasa bag mo yata yung towel ko hinto ka muna kukunin ko"
Napahinto rin kami nung agad na traffic ang dinadaanan.
"Let me hold the pomelo"
"Thanks rence"
Dali daling may hinalungkat si Mich sa bag ni Warren at agad ring inilabas ang kulay blue na towel.
"Tingnan mo yung mga yun sana maligaw" tukoy ni Andi dun sa dalawang lalaki na nagpatuloy parin sa paglalakad.
"Uy wag naman!" wika naman nitong babae sa kaliwa ko.
"Tawagin mo kaya, nahiya ka pa" suhestiyon ko sa kaibigan na mukhang nag alala pero kunwari naiinis.
"Ayoko nga!"
"Sige na, kayo lang ni warren malakas bunganga dito" natatawa kong sabi.
"Ay grabe sya!"
Ilang segundo lang nung matapos si Mich kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Asan na yung dalawa?"
"Di yata tayo napansin"
Sunod lang kami ng sunod sa tatlong nangunguna.
San na kaya napadpad yung dalawang yun?
Matatayog na puno ang bumabalot samin, wala pa kaming masyadong nakikitang sinag ng araw, kung meron man di iyon sapat.
"Bilisan kaya natin?"
Suhestiyon ni Andi sa gitna ng paglalakad.
"Ba't naman kasi ang bilis maglakad ng dalawang yun?" Di mapigilang inis ni Mich.
"Both of them are safe Mich, don't overthink okay?"
Lingon ni Rence sa babaeng sinusundan namin.
Di ko maiwasang mapalunok, tila nanlalambing ang mga boses nito.
Kita mula sa gawi namin na tumango lang ang babae tsaka nagpatuloy kami sa paglalakad.
Di man lang nagawang tumingin dito.