Chapter 39
"Maghilamos na kayo diyan, maya na titigan"
Hindi pa man ako nakasagot nung marinig ang boses ni Drake. Papunta ito sa gawi namin na walang soot pan itaas, di talaga tinatablan ng lamig dahil maging ang shorts nito ay basa na rin.
"Hoy! Ang aga mo naman?'' nangingibabaw ang boses ng babae, mukhang maganda ang gising ni Andi.
"Ako talaga napansin mo ha? oh baka naman itong abs ko" sagot ni Drake na nagawa pang magflex ng katawan nito sa harap namin.
Ang kapal!!
"Kababuyan!!" wika ng kung sinong lalaki sa higaan, hindi pa na kuntento at binato ang iilang damit sa kaibigan.
Natawa nalang ang mga ito at dali daling bumalik sa pwesto.
"Aga niyo masyado!"
"Uuwi na Mich, magbihis kana!" natatawang wika nitong katabi ko.
Napailing nalang ako sa energy na pinakita nitong si Drake, akala ko ba wala ito sa mood kanina.
"Tingin tingin mo diyan?"
Inirapan ko nalang ito tsaka di sumagot.
"Ang sungit!"
"Tse"
Pansin kong papunta ng ilog sina Mich at Jessy kaya dali dali akong tumayo at balak sumabay sa kanila.
Siguro isang oras lang ang lumipas ay ready na ang lahat umalis. Minamasdan ko muna ang ilog at nilibot ng tingin ang kabuuan.
Naligaw man kami ng mahigit isang linggo, sobrang swerte parin namin na dito kami napadpad.
Dito ko naranasan ang hirap at simpleng pamumuhay. Matutunan mong magpahalaga ng kung ano ano, hindi lang dito, pati narin yung mga bagay na kinasanayan ko.
Napangiti ako sa ideyang sobrang swerte ko dahil naranasan ko ang mga to.
"Mamimiss kita"
Liningon ko ang pinanggalingan ng boses, di ko maiwasang tumingin sa ibang kasama na panigurado kanina pa nagmuni muni.
Mas malapit sakin si Drake na ngayon ko nalang ulit nakitang magseryoso na nakatitig sa kawalan di gaya nung kakulitan niya kanina.
Ano kayang iniisip ng lalaking to? Gaya rin kaya nung sakin?
Napalingon ito agad pero di na ako nagulat kaya napakibit balikat nalang ako.
"Di mo ko mamimiss?"
"Ano???"
Natatawa kong sabi, ako ba talaga tinatanong nito?
"Wala, tinatanong ko yung ilog antagal sumagot"
Dali dali itong yumuko tsaka inabot yung iilang prutas na dadalhin namin pabalik.
Ako yata tinutukoy nun?
Matapos namin maglinis ng iilang kalat ay napagdesisyunan na naming umalis sa ilog.
"Para ka namang iiwan kung makakapit"
Wika ko kay Andi nung makadaan kami sa matatayog na kawayan.
Nangungunang maglakad sina Warren at Drake, sinundan ito nina Mich at Jessy. Tila maingat kami sa paglalakad dahil kahit may ideya na kami sa direksyon di parin kami sobrang sigurado sa bawat sulok ng gubat.
"Diretso lang" wika ni Mich na kanina pa palinga linga sa kabuuan.
"Diba may malaking bato tayong nadaan dati?"
"Oo, yung dali dali ko kayong hinabol. Apat palang kayo nun!"
Napahinto kami dahil lumingon pa si Warren samin.
"Tama! Pero di tayo nagpatuloy dun diba?" Sagot naman ni Allen na nasa likuran lang.
Sa gantong sitwasyon mukhang kailangan pa naming alahanin kung pano kami napunta ng ilog.
"How about the place when we first met?"
"Meron pa pala yun"
Kanya kanya kaming alala kung ano yung lugar na una at huli naming napuntahan.
"Ano ba natandaan mo dun papunta sa ilog?"
Tanong ko sa katabi na mahigpit parin kung makakapit sakin.
"Wala akong matandaan, maliban lang dun sa gawing may talbos ng kamote"
Walang reaksyon nitong sabi pero natawa ako ng maalala kung anong nangyari.