Chapter 38

Araw ng Sabado

Hindi ko alam kung ano yung nag udyok sakin para mapadilat ng maaga, ramdam ang lamig ng kalikasan.

Rinig na rinig ang tubig mula sa ilog. Siguro nasa alas singko palang ng umaga kung titingnan ang kulay ng langit.

"Good Morning" rinig kong bati ng katabi na agad ko namang inilingon.

Nakatingin lang ng diretso si Rence sa itaas, tila minamasdang maigi ang larawang nakikita rito.

"Good Morning" mahina kong sagot na tamang tama lang para mapatango ito.

Hindi na ito nagsalita pa, as always.

Dumaan ang ilang minuto pero mukhang wala ni isang balak bumangon.

Ayaw yata nito umalis o sobrang aga lang?

"Tang*na naman nito, yumakap pa sakin"

Agad na wika ng katabi kong si Drake, pansin kong may isang kamay pa na nakayakap sa gawing kaliwa nito.

Si Warren to panigurado.

Napabangon ako para tingnan ang hitsura ng mga kasama. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Drake habang kapwa nakapikit ang mga mata nito.

"Why are u smiling Erin?"

Boses ng kung sinong foreigner sa kaliwa na agad kong ikinalingon.

"Huh? Wala, tong si Drake lang"

Wala itong reaksyon na tumingin sakin, mukhang di na gets yung ibig kong sabihin.

Napabangon ito tsaka ginaya yung pagkakaupo ko.

"Hayyss! Badtrip" Inis na wika ng katabi. Nagising yata ito sa higpit ng yakap ni Warren.

Nang makitang kanina pa namin ito tinitingnan ay agad rin itong bumangon. Nagkunwari nalang akong tumingin dun sa gawi nila Mich na mahimbing paring natutulog.

"Aga niyo naman" bungad nitong sabi samin tsaka ginulo ang sariling buhok.

"Just minutes ago, are you fine?"

"Di ako masyadong nakatulog" sagot nito tsaka napahawak sa noo, tila masama ang gising. Agad nalang din itong tumayo at tinahak ang ilog.

Kaming tatlo pa ang naunang nagising pero naiwan lang kami ni  Rence dito sa higaan, dinamdam ang malamig na hangin. Nag umpisa naring lumiwanag ang langit hindi gaya kanina. 

"Are you excited Erin?" 

Medyo nagulat pa ako sa agarang pagsalita ng lalaki, di ko namalayang may kasama pala ako.

"Excited saan?" Lingon ko rito na agad ring napatingin. 

Hindi ko alam pero nasanay na ako sa distansyang ipinakita nito sakin, kung dati hanggang tanaw ko lang ito mula sa malayo. Pinalibutan ng mga estudyante at halos di mo maabot. Sobrang hirap pang kausapin dahil napakaseryosong tingnan, tila di mo magawang magbiro.

"Lol, you're staring" wika nito tsaka agad natawa.

Napadilat ng bahagya ang sariling mata. Ano bang sinabi ko? 

"Ha? Hindi no! ikaw lang matagal sumagot dyan" sagot ko rito at itinoon ang tingin sa ilog na nasa harap ko lang.

Naaninag ko mula rito ang kasing liit ng botel na si Drake. Mukhang di ramdam ang lamig dahil naghilamos agad ito. Excited yatang umalis.

"Who's your closest guy here?''

Liningon ko agad ang katabi na hindi pa pala tapos maki pag usap sakin. Nakatingin lang ito sa harap, mukhang minamasdan din ang ginagawa ni Drake.

"Kayong lahat, siyempre. Ikaw ba?"

"same, but it would be Allen if I will choose one. What about you?'' Balik nitong tanong sakin. 

Medyo napalunok ako ng wala sa oras nung agad itong tumingin sakin.

"Nasagot ko na yata yan? Kayong apat siyempre"

"But I answered Allen, be specific too"