Chapter 37
"Wag ka ngang maingay" suway ko sa katabi na gustong makichismis sa dalawang kasama.
"Itong dalawang to naman, feel ko may something rin" Tukoy nya sa gawi nila Jessy at Allen na tawang tawa sa dalawang lalaki na naglalaro sa tubig.
Napakunot nalang rin ako ng masulyapan ang kapilyohan nina Drake at Warren.
"Sus ayaw mo lang mapunta sa inyo ni Warren ang topic" natatawa kong sabi dahil agad nagbago ang mukha nito.
Sabi ko na nga ba, sobra kung mang inis pero isang sambit ko lang sa pangalan ni Warren natameme na.
"Oh! Totoo naman ah! May nakita ka ring katapat sa kaingayan mo"
Tuloy na pang inis ko sa kanya dahil agad nalang nagbago ang awra nito.
Sus para talagang di ko sya kilala, ganyan na ganyan sya pag may natipohang lalaki.
"Oh! Ako na naman nakita mo?"
Sigaw ni Warren sa gawi namin dahilan para mapunta samin ang atensyon.
"Assuming mo!" Sagot ng katabi dahilan para mapakunot yung mukha nung lalaki.
Parehong pareho talaga.
Matapos ang isang oras mahigit ay napagdesisyonan naming bumalik na sa pwesto.
Kasabayan ko si Andi na mukhang may ka LQ sa mga kasama.
Nanguna kaming maglakad sa makipot na daan sa gilid.
"Be careful girls"
Rinig naming sambit ng kung sinong lalaki sa likod, di namin ito magawang matingnan dahil alam naman namin kung saan ito nanggaling.
Nagtagpo ng kusa ang mga mata namin ni Andi na may kanya kanyang iniisip sa oras nato.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad at tinahak ang pwesto.
Matapos magpahinga ay di namin namalayan na agad ng sumapit ang gabi.
Halos basa pa ang sariling mga buhok pero natabunan na agad ito ng init sa ginawang ilaw ng mga lalaki.
Tila tumagal ang oras at nakapwesto na kami sa nakasanayang higaan.
"Bro balik ka na dun ang likot mo pa namang katabi"
Boses ni Drake habang pinagitnaan nila ni Allen ang wala sa mood na si Warren.
Lahat kami napatingin sa lalaki dahil mukhang seryoso ito sa pinoproblema.
"Ilang oras lang naman, di niyo agad mapapansin yun" sagot nito samin na seryoso lang yung tingin sa harap.
"Hayaan niyo na yan nagpapansin lang" wika ni Andi na katabi ko lamang.
Agad napalingon ang tinutukoy na lalaki sa gawi namin.
Nako naman! Mukhang may awayan pa palang magaganap.
"Ikaw lang may problema diyan"
"Anong ako? Di ko nga alam kung anong pinuputok ng buchi mo"
"Edi wag ka nang magsalita! Okay na nga diba ang layo layo na natin!"
"Edi manahimik!"
Wika ni Andi tsaka dali daling humiga patagilid.
Agad nagtama yung tingin namin ni Rence nung di maintindihan ang drama ng babae sa gitna.
Ilang segundo lang ang lumipas ay bumangon ito at mas piniling mahiga sa dulo.
Napatahimik kaming lahat, nilingon ko ang gawi ni Warren na nakahiga na sa gitna ng dalawang lalaki.
Nagkibit balikat nalang rin kami sa nangyari.
Mga batang 'to talaga, ano kayang pinag awayan ng mga to?
Sa tagal naming namalagi rito ngayon lang namin nakitang ganito sila ka seryoso magbangayan.
May nangyari kaya?