Chapter 36

"Jessy dun ka" turo ni Mich sa gawi ni Rence

"Okay na ako dito oh!" Tanggi ni Jessy tsaka mas dumikit sa gitna nila ni Warren.

"Ikaw nalang dun Mich nahiya ka pa!" Wika ni Warren di ko mapigilang mapatingin sa reaksyon ni Rence na tila naghihintay sa desisyon ng babae.

"Ba't naman ako mahihiya. Ito na nga oh!"

Walang pagdadalawang isip na tayo ng babae tsaka tinahak ang gawi ni Rence, agad itong inulan ng tukso ng mga kasama maliban samin ni Andi.

Napatingin ito sakin na mukhang kanina pa binabantayan ang kilos ko nag kibit- balikat nalang ako tsaka nilingon yung dalawa.

Hindi ko alam pero ngayon ko lang napagtantong bagay pala sila.

"Hala hala! Kinikilig! Uy Mich ikaw ha!" Panunukso ni Warren na tinawanan lang ni Mich.

"May maibabalita na ako kay Tita " natatawang sabi ni Allen.

Gusto kong matawa pero sobrang peke naman kung susubukan ko pa, simpleng ngiti lang yung naipakita ko.

Napalingon ako sa katabi na kanina pa pala nakatingin sakin.

"Bakit?" Tanong ko kay Drake na mukhang nagulat sa paglingon ko.

"Ha?"

"Hakdog!"

"Luh ang sungit mo na naman?" Gulat na tanong nito sakin kaya napaupo ako ng maayos tsaka ibinaling ang tingin sa harap.

Di ko mawari ang pinag usapan ng mga kasama pero mukhang nagkasiyahan ang mga ito.

"Wala nagulat lang ako, D-drake" walang gana kong sagot.

Di nalang din ito sumagot pa, buti naman.

Nagpatuloy lang kami sa pagtampisaw ng araw na iyon hanggang sa maabutan na kami ng dapit hapon.

Naiba yung pakikitungo ng lahat mas naging kumportable at maalam sa isa't isa.

Wala rin naman naging iba dun sa nagawang By Pair kuno pero mas naging maingay ang mga kasama ng dahil dito.

Di ko naisip na mas maging kumportable pa ang lahat kung nagawa namin ang magkasiyahan ng ilang oras lamang.

Umalis si Drake na katabi ko pati si Warren sa kani kanilang pwesto tsaka nag siunahang maglaro sa gitna namin.

Para talagang mga bata!

"Hoy! Ano ba yan! Abot rito oh!"

Reklamo ni Andi natawa nalang kami dahil mukhang plano ng dalawang lalaki ang mang inis.

Sulyap ko sa gilid ang pag uusap ni Rence at Mich.

Ano kayang pinag usapan ng dalawang to? Di ko naman sila masyadong napapansin na magkausap sa pamamalagi namin dito. Siguro tuwing may mga desisyon lang na kailangang gawin.

Ngayon ko mas naisip na pwede silang ipangtapat, kapwa seryoso. Siguro kung maging mas magkalapit sila yung karaniwang pinag uusapan ng mga ito ay tungkol sa problema ng gobyerno.

Ang hirap siguro nun kung iisipin.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng dito ang punta sakin. Alam ko ang iniisip ng mga matang ito, tanging pantaas lang ang kita ko kay Andi dahil dumaan pa ito sa tubig.

"Para ka namang may papatayin"

Bungad  na wika sakin tsaka dali daling umahon at tumabi sa inuupuang bato.

"Ano sadya mo?" Tanong ko sa babaeng mukhang bored dahil wala na ang kasamang palagi niyang katunggali sa kaingayan.

"Sakit ba?" Natatawa nitong tanong tsaka tumingin sa harap.

Kahit ayaw kong tingnan di ko maiwasang mapasulyap sa dalawang taong tila ngayon lang nabigyan ng oras na makilala ang isa't isa.