Chapter 35

"Salamat" wika ko rito at dumistanya agad.

Alam kong may iba samin na iba na yung iniisip. Sino ba naman kasing nagsabing magholding hands kami sa ilog?

Di ko na ito tiningnan muli dahil nakisabay na ito sa kasamang mga lalaki.

"Ehem ehem"

"Ehemmm"

Si Andi yan! Masyadong over yung pagkakaubo kaya di ko pinansin.

"Mapapatameme ka nalang talaga"

Pakanta nitong wika na lumapit sakin. Tiningnan ko ang babae na kulang nalang ay dalhin ako sa korte para hatolan ng kung ano anong kasalanan.

Nagkunwari lang akong napadaosdos para mabasa ang pantaas.

"Luh di talaga namamansin!"

"Wag na magtanong, wala yun".

Sambit ko rito habang nagpatuloy sa pagligo.

"Pano ba kasi? Anong nangyari?" Ulit nitong tanong sakin, ayaw talaga paawat.

Liningon ko ng bahagya sina Mich at Jessy na may sariling mundo sa tabi. Habang yung apat na lalaki ay nagkasiyahan.

"Tinulungan niya lang ako, ganun lang yun"

"Weee??"  Hindi kuntentong sagot ni Andi.

Sabi ko na nga ba kahit anong gawin kong paliwanag di parin maniniwala.

Nagkibit balikat nalang ako at binalewala yung pa iba- ibang tingin nitong babae sakin.

"Uy girls, dito kayo!"

Napalingon kami sa ginawang sigaw ni Warren. Gusto kong matawa sa shorts nito dahil di maiwasang lumitaw yung tinatagong alaga. Dala na siguro ng pagtampisaw kaya basa agad yung soot.

"Parang tanga talaga nito" rinig kong bulong ni Andi.

Dali dali rin kaming sumunod nung agad lumapit sina Mich at Jessy.

Huling araw na namin dito kaya mas nilubos namin ang ilang oras sa pagligo.

"So after nito ano na?" Tanong ni Drake habang nakalubog ang buong katawan nito sa tubig tangig leeg lang yung nakikita.

"Edi magbihis?" Sarkastikong sagot ni Andi kaya napailing na lamang kami.

"Ewan ko sayo" sagot ni Drake na natawa nalang tsaka umahon.

"Ang maldita talaga!"

"Uy rinig ko yun ha!"

"Luh? Anong sinabi ko? Ang layo layo ko sayo!"

"Basta! Narinig ko!"

Ayan na naman sila, walang katapusang bangayan.

Lumapit na lamang ako sa gawi ni Drake na nakaupo sa malaking bato.

"Aminin!!" Umalingawngaw na boses ni Warren, silang dalawa lang namn yung mahilig mag ingay ni Andi dito buti hindi nairita yung mga nilalang sa gubat.

"Ampangit mo!"

Natawa kami sa napanood, bigla nalang umahon yung babae tsaka umupo rin sa malaking bato, salungat samin.

Sunod sunod ring nagpahinga ang mga kasama maliban kay Rence na nakasandal sa isang bato.

"Bro! Dun ka sa kabila by pair to!" Tukoy ni Warren sa isang gawi na katabi lang namin.

"Anong by pair? Alis ka nga! Feeling close!"

Nakikinig lang kami sa ingay nila Andi.

"By pair" bulong ng katabi ko, agad ko itong nilingon na diretso lang ang tingin sa mga kasama. Di ko nalang din pinansin total wala naman akong sasabihin.

"Oh ba't tatlo kayo diyan? Akala ko ba BY PAIR?" wika ni Drake sa gawi nila Jessy, Mich at Allen na tila may nabuong plano sa isipan.

"No, it's okay" sagot ni Rence.

Wala rin namang masama sa sinabi nito pero nakaramdam ako ng lungkot na tila walang may gustong tumabi rito.

Di ko maiwasang tumingin sa lalaki, pilit iniiwasan ang ideya na nag iisa lang ito.

Naipwesto ko na ang dalawang kamay sa likod, akmang aalis sa pagkakaupo ng maunahan ako ng boses ng babae.