Chapter 34
"Napatagal yata kayo?"
Bungad na tanong ni Allen, mukhang bumalik na ang sigla nito hindi gaya nung nakaraang araw.
Kapwa namin itinabi ang dala dalang mga gamit sa gawi ng pasyente este ni Allen para hindi ito mabasa.
"Dito ka lang ba? Dun kami kila Warren" wika ni Mich na ready ng umalis.
Napasulyap ako kay Rence na nakasandal parin sa gilid tila nakikinig.
"May choice ba naman ako? Ayaw mo nga ako maligo" nakabusangot na sagot ni Allen.
"Baka kasi kung mapano ka, to naman"
"Di ko naman siguro hahayaan mangyari yun"
Tanging tingin lang yung naisagot ni Mich dito tila nag iisip sa mga nagyayari.
"Don't worry, i'll just stay here too"
Napatingin ako kay Rence na papunta sa gawi ko, mukhang naghahanap ng pwesto sa likod.
Wala itong imik na dumaan sakin.
Nagpatuloy lang yung pag uusap ng dalawa kaya di ko alam kung anong desisyon.
"How's your ankle?"
Napatalikod ako ng marinig ang boses ng lalaki, nakasandal na ito sa malaking bato at kita na rin ang kabuuan.
Agad akong napayuko sa tinutukoy, kung titingnan makikita mo parin yung pagkakaiba ng kaliwa kong paa pero mas madali ko na syang maigalaw.
"Okay naman na, salamat" wika ko rito.
Tumango tango lang ito sakin, mukhang wala ng balak magtanong ulit.
Well, ano pa bang iniexpect ko.
Nagkunwari nalang akong lumingon sa nagsasayahang mga kasama. Di parin nagtigil ang ingay nina Andi.
"Bro, tara na!"
Sigaw ni Allen kaya napatingin ako sa gawi nito na wala ng saplot pang itaas.
"Sure!" Sagot naman nitong lalaki sa harap ko.
Para lang yata akong tanga na nakatayo dun kahit di naman na kami nag uusap.
"Sige" wika ko rito tsaka tumalikod.
Dahan dahan kong ibinaba ang mga paa sa tubig, nanggaling pa yata ito sa kung saang bundok kaya ramdam mo ang lamig.
Walang halong kemikal kaya mas malinis.
Hindi paman ako nakahakbang ay may kamay na naghihintay sakin.
Hindi na ako nagulat kay Rence pero nakakapanibago dahil hindi ako sanay sa hitsura nito.
Pilit ko na ngang iniiwasang tingnan kanina pa.
"Allen!! Sinasabi ko sayo ha!"
"Oo na nga!"
Nakuha ng aking atensyon ang nakasunod na Mich dun sa pinsang mukhang ngayon lang yata nakaligo sa ilog.
Sabagay, ilang araw din yun nagtiis dahil sa lagnat.
"Ah, salamat" muntikan ko pa yatang nakalimutang andito pala si Prince Charming.
Kaya ko naman kasing lumakad may pa escort escort pa, hayyss.
"Okay na Rence" nahihiya kong bawi ng kamay dahil baka ano pang sabihin ng mga kasama lalo na ni Andi kung ano ano pa namang iniisip nun.
"It's our last day, so let me do it"
Agad niyang kinuha yung kaliwang kamay tsaka nagpatuloy sa paghakbang papunta sa gawi ng mga kasama.
Para akong nanlamig, hindi dahil sa tubig kundi dahil sa sinabi nito.
Ngayon ko lang din napansin na mas magkadikit pala ang paghawak ng kamay kesa pagpasan niya sakin nung nakaraang araw.
Gusto kong kumalma...
Pero di ko magawa...
"It's our last day, so let me do it"
"It's our last day, so let me do it"
"It's our last day, so let me do it"
Kahit magkatabi, rinig na rinig ko parin ang huling sinabi nito.
Ano ba Catherin?? Mahiya ka naman! Chill ka lang.