Chapter 33

"Wag matigas ang ulo Allen"

Nangingibabaw ang boses ni Mich nung palapit ang mga ito sa gawi namin.

Mukhang binalikan nila ang mga naiwang gamit kahapon dun sa kabilang banda kung saan kami nagpahinga.

"Drake tulungan mo Jessy" wika ko rito na hindi nag aksayang tumingin sa lalaki.

Dala dala ni Jessy ang iilang damit namin na kinuha pa sa sampayan.

Sa ganitong sitwasyon, para lang kaming magkapatid na may kanya kanyang pinag gagawa.

"Kaya na niya na yan"

Liningon ko ng tuluyan ang lalaki, hindi rin ito tumingin sakin.

Nakuha ng atensyon ang agarang pag ubo ng babae sa harap. May nais itong ipahiwatig, pero mukhang gusto lang nito mang inis kaya napailing nalang ako.

Ilang oras matapos unti unti humupa ang sinag ng Araw. Nagising ako sa pagkakaidlip, naiharang ko pa ang bisig sa sariling mga mata dahil sa dala ng liwanag.

"Gising ka na pala"

Dahan dahan kong sinundan ang pinanggalingan ng boses.

Nang makitang si Drake ito ay dali dali akong napabangon.

Tatlo nalang kami nandito, kaya pala sobrang himbing ng pagkakaidlip ko.

"Mich, asan yung iba?"

Napatingin ito sakin matapos inayos ang sariling mga gamit.

"Nasa ilog naliligo, ikaw nalang ang hinintay" sagot nito na tuluyang nagpagising sakin.

"Hala bakit di niyo ko ginising?"

"Ba't kayo nagpaiwan?" Kunot noo kong tanong.

Para akong nainis na di ko alam.

Tiningnan ko si Drake na mukhang walang balak sumagot.

"Ewan ko diyan kay Drake, sabi ko aayusin ko muna ang mga gamit bago magdilim, tsaka ako susunod. Ayaw niya daw sumama"

"Bakit? Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa lalaki.

Nagkibit balikat lang ito tsaka napahiga.

Ang sarap hampasin, ayaw talagang sumagot!.

"Oh siya! Sasama ka ba?"

Aya ni Mich sakin, mukhang tapos na itong mag ayos ng mga gamit.

Tumango lang ako tsaka kumuha ng iilang damit.

Kapwa naming nilingon si Drake na kunwari natutulog dahil sa nakapikit nitong mga mata.

"Tara na Drake, para ka lang tanga dyan!"

"Di bagay sayo magtulog tulugan!"

Agad rin dumilat ang mga mata nito tsaka dali daling bumangon.

"Kayo lang naman hinintay ko!" Sagot nito samin tsaka umunang umalis.

Loko yun ah!

"Tara na nga Mich!" Sinundan lang namin yung lalaking madaming drama.

Hindi kami masyadong napadpad sa gawi dito maliban na lamang kung may naglabas ng sikmura.

Mula sa malayo ay tanaw na namin ang ingay ng mga kasama. Mukhang nag eenjoy ang mga ito sa pagtatampisaw.

Naexcite ako bigla, parang di kami tumira dito ng isang linggo.

"Ang tagal niyo naman!" Bungad na sigaw ni Warren dahilan para makuha namin ang atensyon ng lahat.

Nakatayo si Warren sa malapad na bato habang nakaupo rin dito si Jessy. Pilit binabasa ni Andi ang dalawang kasama na mukhang nasayahan sa ginagawa niya.

Ilang espasyo ang pagitan ay seryosong nag uusap ang dalawang lalaki. Pang itaas lamang ang makikita ko kay Rence dahil nakalubog na ang katawan nito sa tubig habang nakasandal sa malaking bato. Si Allen naman ay nakaupo lang, niyakap ang sariling tuhod na tila iniiwasan mabasa ng tubig.

"Buti naman at nakinig ang pasyente" rinig kong bulong ni Mich, napailing nalang ako dahil sa tawag nito sa pinsang lalaki.