Chapter 32
Hindi ko alam kung pano ako nakatulog ng mahimbing, siguro dahil narin sa natamo kung pilay sa paa.
Maganda ang bungad ng umaga, kulay asul parin ang langit. Pero di ko maalala kung anong petsa na ba?
Araw yata ng Biyernes.
Nakahiga parin ako habang mulat na mulat na nakatitig sa ganda ng langit.
Rinig ko ang agos ng tubig sa ilog, ang huni ng ibon at maging ang pag galaw ng mga puno.
Nakakatuwang kaya kong sabihin ang pagkaiba ng mga ito hindi gaya dati na sa kung saang teleserye ko lang nakikita.
Bahagya kong itinaas ang kaliwang paa nang maramdam ang bigat nito. Mukhang natanggal na ang iilang dahon na naka balot dito.
"Gising ka na pala"
Agad nakuha ng atensyon ang narinig na boses, walang pagdadalawang isip na bumangon.
"Allen???" Gulat kong bati dito.
Nakangiti lamang ito mula sa pagkakahiga ng ilang sandali pa ay mukhang may balak bumangon.
"Sandali!! Dahan dahan ka lang" wika ko rito.
"Agay!"
Nakalimutan ko yatang may pilay ako sa paa nung makitang nahihirapang bumangon si Allen.
"Anong nangyari Erin?"
"Ha? Anong nangyari?"
"What's wrong?"
"Bakit? Napano?"
Hinimas himas ko nalang ang kaliwang paa habang tinakpan ang bunganga ng isang kamay.
Nagising ko pa tuloy yung mga katabi.
"Sorry, nagulat lang ako nung magsalita si Allen, naigalaw ko lang yung paa kaya ganun" nahihiya kong sagot rito at di na tiningnan yung naging reasyon nila.
"Tulog na kayo ulit" wika ko rito at dali daling humiga sa pwesto.
"Kala ko naman ano na!"
Hindi ko na alam kung anong pinag gagawa ng mga kasama matapos kong mahiga at sinusubukang matulog ulit.
Nag uumpisa ng mag ingay, kahit anong pilit kong makatulog ay gising na gising na talaga ang diwa ko.
Nakapikit parin ang mga mata na kala moy meron akong iniiwasang makita.
Narinig ko na lamang ang kanya kanyang ingay ng mga paa. Pahiwatig na handa ng simulan ng mga kasama ang panibagong araw.
"Drake! Gisingin mo na yang si Erin ng makapag plano na tayo"
Boses ni Mich ang kumuha sa aking atensyon. Agad kong minulat ang mga mata.
"Didn't know you're awake" bungad ni Rence nung dumilat ako.
Nakaupo na ito at mukhang nagpapahinga lang sandali.
Wala akong choice kundi ang bumangon mula sa pagkakadapa. Nilibot ko ng tingin ang paligid, medyo hindi na ito gaanong maaga gaya kanina.
Nasa higaan parin ang mga ito maliban kay Jessy na nagmamadaling bumalik ng pwesto. Mukhang nanggaling sa ilog.
"Sa natatandaan ko friday na ngayon, wala ba kayong plano para makalaya dito?" Seryosong wika ni Mich dahilan para maupo ako ng maayos.
"We stayed here for almost a week, maybe it's time for us to go home" di ko mapigilang mapatingin sa katabi.
Seryoso ang mukha nito, as always. Kung ako nga namimiss na sila Mama pano pa kaya siya na may sarili ng pamilya.
Nakaramdam ako ng pagsiko mula sa kanan, pero hindi paman ako makalingon ay nagtagpo ang tingin namin ni Rence. Agad nalang akong tumingin sa kung sinong nilalang ang inilapit ang siko sakin.
"And before you judge, I'm not saying this for my own benefit. I don't have a child or a wife. I'm saying this as your Kuya, i know blames and judgments are on me when we get there."