Chapter 31

Nakaramdam ako ng hiya matapos marinig ang paliwanag ni Rence. Hindi ko namalayan na agad akong napayuko sa mga nalaman.

Ba't di niya sinabi agad? Akala ko pa naman may anak itong naghihintay na makauwi sya. Kaya ba agad nalang ito napahalakhak nung una kong matanong ang ganoong bagay?

Hayyss nakakahiya!

Nagpatuloy lang ang mga ito sa napag usapan habang ako ay nababalot na sa kahihiyan.

"Ikaw Erin, agree ka ba sa sinabi ni Jessy?"

Agad akong napalingon sa nagsasalitang si Mich.

Hindi ko alam ang isasagot dahil di naman ako nakinig.

"Actually, Jessy has a point we already knew the direction but - - - "

"Oo tama, tsaka sa atin parin nakasalalay kung hanggang kailan tayo makaka abot ng San Lorenzo "

Nag abot ang mga ideya ni Rence at Warren dahilan para di ako makasagot.

Tumahimik din ang mga ito nung mapagtantong hindi sila ang tinatanong.

Napalingon ako sa gawi nina Mich na mukhang inaantay yung sagot ko.

"Ah, para sakin agree ako sa mga napag usapan, may kanya kanya tayong punto, pero ang inaalala ko lang, baka maabotan tayo ng gabi at wala tayong makitang ilog kung kailangan natin ng maiinom" Agad na wika ko dito.

Nagtagpo ng kusa ang mga mata namin, may dala itong pagkadismaya na mukhang kagagawan ng naging sagot ko.

"Pero mas madali para satin na makabalik don, may ideya na tayo sa pasikot sikot sa gubat. Kailangan lang natin magtiis ng panandalian" Agad ko ring bawi matapos mandismaya kanina.

Napangiti ako ng pilit.

Tumango tango ang mga kasama at nagpatuloy sa pag uusap.

"Anyare sayo kanina?"

Agad na tanong ni Andi habang inayos namin yung ibang gamit na kung saan saan nakalagay.

"Bakit? Ano bang meron?" Kunwaring tanong ko dito na walang ano mang ideya.

"Ewan ko sayo, ang tagal mo kayang nakasagot nabilang ko yata yung hininga ko tsaka mo pa naisipang magsalita"

"Kadiri naman nung hininga Andi!"

Tong babaeng to talaga mas tumatagal mas naimpluwensiyahan ni Warren, kung ano anong sinasabi.

"Kailangan niyo ba ng tulong?"

Rinig naming wika ni Drake na mukhang kakarating lang matapos kumuha ng iilang prutas para bukas.

"Wag na drake matatapos narin kami" sagot ko rito na  mukhang di yata narinig.

Nakiupo lang ito sa nakasanayang higaan, dinampot yung mga nahugasang tumbler.

"Grabe ka bro, ilang minuto ka lang nahiwalay kay Erin miss mo na agad?"

Kumunot bigla yung noo tsaka ko tiningnan ng masama si Warren.

Kakarating lang ng mga ito, nasa likod nito si Rence, kapwa ito may dalang prutas na hindi na bago sa mata.

"Ang sama mo!" Bungad kong bati sa kanya.

Una ng tinahak ni Rence yung  nakasanayan naming lapag. Walang balak makinig as always.

"Luhhh!! Defensive" umalis na ito sa harap tsaka sumunod dun sa lalaki.

Haysss!

"Ba't mo pa kasi pinansin yung mga yun!"

"Aba syempre baka ano pang iisipin ng iba" sagot ko kay Drake na ibang gamit naman ang hinawakan.

Ano bang balak nito?

"Hmmm" sambit ng babae sa harap na mukhang may balak na masama.

"Oh baka ano pang iisipin ng isa" nagtaas babang kilay na wika ni Andi.

Di nalang ako sumagot dahil wala akong ideya kung sino ang tinutukoy nito.

Wala nga ba?