Chapter 30
Tela yata humaba ng ilang segundo ang naging sagot nitong si Drake kaya dali dali akong dumilat.
Ganun parin ang hitsura nito, parang may kung anong hinanap sa baul, sa sobrang lalim.
"Hoy! Hoy! Ano yan? Catherine? Drake?"
Napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ang boses ni Andi.
"Agay!"
Doon ko lang naisip ang naging hitsura namin ni Drake. Tila nasa ending ng Disney na kulang nalang hahalikan ng prinsepe.
Matapos kong maigalaw ang buong katawan ay nakaramdam ako ng sakit sa paa.
"Ano ba yan Cath, mag ingat ka nga!"
Doon ko lang ulit naalalang ginagamot pa pala ang mga ito.
"Oo na nga!"
"Ewan ko sayo! San ka ba tatabi?" Tanong ni Andi na mukhang highblood. Ano na naman na kwento ni Warren dito.
Nakatayo parin ang dalawa, lalo pa tuloy kaming naging langgam dahil sa pwesto namin.
"Ah? Dating gawi?" Sagot ko rito.
"Ayokong katabi si Drake nakakaumay"
"Lalo naman ako no?" Sagot nitong si Drake kay Warren.
Napatingin ako sa lalaking sumagot, na dali dali ring umiwas.
"I'll sleep beside you"
"Perfect!"
Nagulat ako ng mapansing nasa tabi ko na si Rence.
"Erin, baka may balak kang magpatulog" wika ni Warren, nang makuha ang sinabi nito ay dahan dahan akong lumapit sa gawi ni Drake para mabigyan ko ng espasyo yung dalawa.
"Ba't di ka dun sa gilid?" Tanong ko sa lalaking masungit.
"For a change"
"Pfffft"
Kumunot ang sariling noo ng marinig na pinipigilan ni Drake ang pagtawa.
"Seryoso ka dito?" Agad ko ring tanong, binalewala ang reaksyon ng lalaki sa kabila.
"Ofcourse"
Sagot niya sakin habang nakatoon ang atensyon sa langit.
Napasunod rin ako dahil mukhang nag enjoy ang katabi sa nakita.
"Ang kulit mo!" Nangibabaw ang boses ni Andi kaya agad kaming napalingon.
"Andi, late na!" Wika ni Mich sa kabila.
Napailing nalang ako nung tumayo yung babae tsaka nag peace sign sa amin.
Parang Tanga!
"Ayan, wag ka kasing manggulo"
"Anong ako? Ikaw lang di sumasagot dyan"
"Sabing matutulog na!!"
"Aga pa!"
Kahit bulong na lamang ang mga ito ay rinig ko parin ang bangayan nina Andi at Warren.
"Kaibigan mo ba talaga yun?"
Natatawang tanong ng lalaki sa kanan kaya pinanliitan ko ito ng mata.
"Sungit!" Di ko na lamang ito pinansin.
Nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa mga bituin.
Mukhang tapos na yata ang bangayan ng dalawa kaya medyo tahimik na.
Di ko mabilang ang mumunting liwanag sa langit.
Naalala ko tuloy yung bintana sa bahay, ginagawa ko lamang ang ganito kung may dinaramdam ako lalo na kina Mama at Papa.
Musta na kaya sila?
Nag alala rin kaya sila sakin?
Hinahanap rin kaya nila ako?
Tila bumalik yung mga alaala nung bata pa ako.
May mumunting pait ang naramdaman ko ngayon, pero gaya rin ng dati. Alam kong marami pang pagkakataon na darating, gaya ng bituin babalik rin ito pagkatapos ng umaga.
Napabuntong hininga ako ng kaonti.
Ilang araw nalang makakauwi na kami, magiging okay narin ang lahat.
Ilang sandali pay naramdaman ko na lamang na may humawi ng mumunting buhok sa mukha.
Liningon ko kung saan nanggaling yun.
"Sorry! Are you fine?"
Bungad na tanong ni Rence. Nagtagal pa ako ng ilang segundo, tila naninibago sa naging pakikitungo ng lalaki.