Chapter 29
"Ano ba yun?" Bungad na tanong ni Warren habang pinipigilan naming tumawa ni Jessy.
"Ha? Ano, pinatawag ka nitong si Andi"
"Oo ang tagal mo raw"
Biro naming dalawa dahilan para makaramdam ako ng pagsiko ni Andi sa gilid.
Namiss ko yata yung siko- siko namin dati.
"Ano ba yun Andrea?"
Hindi ko alam pero kinilig kami sa narinig.
Agad din itong lumapit sa amin at mukhang may balak pang maki - upo.
"Binibiro ka lang ng mga to, sinunod mo naman" sagot nitong babae na nasa gilid ko lamang.
"Eh anong problema kung nandito ako?"
Nakikinig lang ako sa pag uusap ng dalawa na kala mo talaga may pinaghuhugotang relasyon.
Kapwa nagsalubong ang tinginan namin ni Jessy, mukhang nabasa niya agad ang takbo ng aking isip.
Umuna itong tumayo, inilahad ang dalawang kamay kaya naitapak ko ang kanang paa at tinanggap ang mga kamay nito.
"Dahan dahan ka lang para di sya mahulog"
Tukoy nito sa mga dahon na nakabalot sa paa.
"Hoy san kayo pupunta?"
Wika ni Andi na mukhang di namalayan ang nagawa naming pagtayo.
"Warren, ikaw na bahala kay Andi" natatawa kong sabi na sya namang ikinatagpo ng dalawang kilay.
"Teka, sama na ako"
"Kakaupo ko lang iiwan mo ko?"
"Sino ba kasing nag utos sa yo?"
Nagsimula na kaming maglakad pero rinig ko parin ang bangayan ng dalawa.
"Dito ka sa braso kumapit Erin"
Umuna na kaming bumalik sa pwesto, dinatnan namin ang mga kasama na mukhang handa ng matulog.
"Siguro kung hindi mag bago yung desisyon ni Allen" wika ni Mich.
Di namin naabotan kung anong pinag usapan nila ni Drake habang nasa gitna si Allen na mukhang nakikinig naman.
"San ka banda?"
Napalingon ako sa nagtatanong na si Jessy. Nginitian ko lang ito at dahan dahang umupo sa gitna ng dalawang lalaki.
Medyo may kaluwagan ang pwesto dahil andon parin sa ilog sina Warren at Andi.
"Thank You Jess"
Nginitian niya lang ako tsaka naglakad palapit sa tabi ni Mich.
Dahan dahan kong ginalaw yung kaliwang paa na nilagyan nila Jessy ng dahon kanina.
Nung makitang di ko pa maabot yung bag na ginawa kong unan ay pinilit kong umusog sa likod.
"Are you fine?"
Lumingon ako sa kaliwa kung saan nanggaling ang boses.
"Yes, thank you nga pala dito" ngiti kong sagot kay Rence habang itinaas ko ng bahagya ang isang paa.
"It's fine" sagot nito tsaka tumango, di man lang ako nginitian.
Ilang segundo at mukhang tapos na nga ang naging usapan namin ni Rence.
Minabuti kong humiga na lamang, di inisip kung saan matutulog yung dalawang nag date.
"Tulog ka na?"
Mula sa ganda ng bituin ay may kung anong sinong panira ang bumungad sa magandang atraksyon.
Si Drake.
Di ako sumagot at mas piniling pumikit.
"Ang daya, nagtatanong pa ako"
"Wag na, baka isipin mo na naman assuming ako"
Sagot ko rito, naka permente paring nakapikit ang mga mata.
"Ah talaga?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Pano kung totoo?"