Chapter 28

Hindi namin namalayan na hapon na pala nung matapos kaming kumain.

Maraming nangyari sa araw na to pero sinusubukan parin naming labanan kahit hinang hina na kami.

"Hindi tayo naligo today" wika ni Andi habang tinapon namin yung mga pinagkainan namin kanina.

"Sobrang bantot na nga natin, buti nasanay na tayo sa amoy"

Muli kong tinapon yung huling balat ng pomelo.

Lumapit rin si Andi para makahawak ako sa braso nito at simulang maglakad pabalik.

"Mukhang alam ko na kung bakit wala sa mood si Rence hmmm"

"Sige nga" sagot ko rito ramdam ang ilang mumunting sakit sa paa.

Isang daanan lang ang layo mula sa pwesto. Hindi rin ito gaanong maluwag kaya nahihirapan kami ni Andi.

"Nagseselos"

Napahinto ako sa narinig.

"Grabe ka, si Rence?"

Umuna si Andi habang naka hawak parin ako sa braso nito na nasa likuran.

"Oo nga!"

"Ba't naman yun magseselos? Baka nga may galit sakin"

Kita kong napailing nalang si Andi at nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik sa pwesto.

Nagsimula ng magtago ang sinag ng araw, pahiwatig na ilang oras nalang ay magdilim na ang paligid.

"Allen? Musta na pakiramdam mo?"

Nakuha ng aming atensyon ang pagtanong ni Mich sa pinsan na nakahiga lang.

Minulat nito ang mga mata at mukhang may balak bumangon.

Ilang sandali pa ay sumandal ito sa puno na nasa likurang pwesto.

"Medyo okay na, pero may headache parin" sagot namn nito bakas ang panghihina ng mata.

"May gusto ka ba?"

Tumango lang ito kaya di namin maiwasan magtinginan lahat.

"Sige ano yun bro?" Tanong ni Drake na malapit sa gawi nila Mich at Jessy.

"Gusto ko ng umuwi, napapagod na ako"

Mas lalo akong kinabahan dahil baka may ibang ibig sabihin ang naging sagot nito.

"Kailan mo gusto umuwi?"

"Makakaya mo ba bro?"

Nag sabay magsalita si Warren at Andi.

Tumango lang si Allen at mukhang hindi pa nga lubusang magaling dahil namumutla parin.

Matapos ang ilang oras ay bumalik kami sa dating pwesto. Mas sanay kaming matulog sa gilid ng ilog, kesa dun sa kaninang pinahingaan namin.

Dito rin mas kumportableng gumawa ng ilaw sa gabi dahil naibabaon lang sa lupa. Baka dun may kung anong gagapang na di namin mababantayan.

"So san ka tatabi niyan?"

Tanong ni Andi habang patuloy na nilagyan ni Jessy ang kaliwang paa ng mga dahon.

"Pwede ka namang tumabi sakin Erin"

"Okay na siguro tong itali"

Napaisip ako sa suhestiyon ni Jessy, pero ayokong matulog na nasa gilid.

Itinaas pa nito ang paa at mukhang tapos ng lagyan ng mga dahon na ibinigay ni Rence kanina.

"Sus ayaw mo lang matulog ako sa tabi niyo ni Warren" pagbibiro ko rito.

"Hoy hindi ko sinabi yan ha!"

Kapwa kami natawa ni Jessy nung makitang naiilang si Andi sa pinag usapan.

"Warren!!!" Tawag ko sa lalaking busy nakipag usap sa mga kasama.

Nasa gawing ilog kami, nakaupo sa malalaking bato.

"Hoy! Anong gagawin mo Cath?"

Hindi na mahitsura ang reaksyon ng kaibigan.

"Warren!!"

Sabay na tawag namin ni Jessy dahilan para magtakip ng tenga tung isa.

"Oo na, pupunta na!"