Chapter 27
"You want me to carry you Erin?" Agad na tanong ni Rence kaya medyo nahiya ako.
Tiningnan ko siya na di ko mawari ang reaksyon.
Ano bang isasagot ko rito?
"Baka nabigatan ka na pre ha? Pwede ring ako nalang"
Wika ni Drake na mas nagpagulo sakin.
Mukhang may punto rin ang sinabi nitong isa, tsaka naiilang ako pag pasan pasan ako ng taong mukhang may galit sakin.
"Si Drake nalang Rence"
Ngumiti ako ng pilit, tumango nalang din ito bilang pag sang ayon.
"Okay" sagot niya at tumalikod.
Agad na lumapit si Drake na nakangisi, kaya pinag taasan ko ito ng kilay dahil wala namang nakakatawa.
"Sungit ah, napipilitan lang?" Tanong nito sakin.
"Anong ginawa ko?" Depensa ko naman.
Nabaling ang tingin ko sa harap nung makitang nahihirapang magbitbit ng dadalhin si Rence.
"Rence?" Tawag ko rito na siya namang ikinalingon.
"Ako nalang magdala ng halaman"
Hindi to sumagot pero mukhang ibibigay sakin ang magkahalong kulay nang dahon.
Tiningnan ko si Drake tsaka pinilit tumalikod dahil nakaharap pa ito sakin.
"Here"
Abot niya sakin tsaka umunang umalis.
Nang mapansing naghihintay na si Drake ay agad rin akong bumalik sa pwesto at nagsimula ng maglakad pabalik.
Di na namin lubos na nakausap yung isa dahil parang wala itong ganang sumabay samin, umuna na nga.
"Galit kaya sakin si Rence?" Bigla kong sambit sa hangin habang pasan pasan ni Drake.
"Nagsama naman kayo kanina, ba't di mo pa tinanong?" Sagot naman nitong isa.
Tanaw ko na dito ang liwanag ng ilog, pahiwatig na malapit na kami sa pwesto.
"Gusto ka yata nun"
Nabigla ako sa naging sagot ni Drake.
"Sino?"
Ulit kong tanong kahit alam ko naman kung sino yung tinutukoy.
Patuloy lang kami sa paglalakad
"Sino pa ba? Edi si Rence"
Natawa ako ng mapait nung seryoso nga ito sa kanyang sagot.
"Grabe ka mag joke ha? Si Rence talaga? Eh kulang na nga lang ipagtabuyan ako kanina"
Di ito sumagot dahil naka- abot na kami sa nagtatayugang mga kawayan.
"Manhid ka lang siguro"
"Luh? Buti sana kung ikaw maniniwala pa ako"
Biro ko rito na siya namang ikahinto.
"Hoy! Ang tagal niyo namang nakabalik" umalingaw ngaw ang boses ni Andi mula sa pwesto.
"Tara na Drake!" Biglaan kong sabi nung wala itong balak gumalaw.
"Inunahan pa kayo nitong si Rence"
Liningon ko ang kabuuang pwesto, inihanda na nila Jessy at Warren ang mga prutas.
"Ibaba mo na ako"
"Ito na nga oh yuyuko na! Basta di kita crush ha"
Dali dali akong tumalon mula sa likod ni Drake, ramdam parin ang iilang sakit sa paa.
Lumingon ako sa harap na sya namang lingon nitong si Drake.
Kumunot agad ang sarili kong noo nung mukhang meron pa itong sasabihin.
"Anong tingin yan?"
"Ang assuming mo pala" natatawa nitong sabi tsaka naglakad at lumapit sa gawi nila Jessy.
Anak ng!
"Hoy! Biro ko lang yun!"
Di na ako nito pinansin pero patuloy parin ang pagngisi.
Nakakahiya tuloy!