Chapter 26
Nang makababa ay agad ko siyang tiningnan. Wala kang makitang reaksyon dito, gaya ng gawain niya dati.
Dali dali kong dinampot ang mga nahulog na cacao.
Naaawa na ako sa mga prutas nato dahil nadamay pa sa mga pangyayari ngayong araw.
Wala akong sabi sabi na tumalikod at di nagdadalawang isip maglakad pabalik sa mga kasama.
Bakas ang sakit sa isang paa, pero pinagpatuloy ang paglalakad.
"Erin"
Rinig kong tawag ni Drake sa malapitan.
Di ko siya pinansin at mas nangingibaw ang desisyon na uuwi.
"I know you hear me"
Agad akong napahinto nung nag bago ang tono ng kanyang boses.
Di ko alam kung bakit ako huminto pero hinintay ko syang magpatuloy sa pagsasalita.
Rinig ko ang palapit na hakbang, ilang segundo ay tumambad sa harap ang matangkad na si Drake.
Hindi ko sya nagawang tingnan sa mata at diretso lang ang tingin sa harap.
"I just, I mean nakalimutan kong maghanap ng dahon or something to put on your ankle"
Agad akong napatingin, ibang iba ito sa Rence na kasama ko kanina.
"You just have to be careful next time"
Di ako sumagot dahil gulat parin ako sa biglaang pag bago ng kanyang pakikitungo.
"Okay lang"
Nahihiya kong sagot tsaka tumango.
Di ko alam ang gagawin, kung hihintay ko pa ba syang yayain akong mag piggy back ride o mauna nang umalis?
Nagkasundo ang kahihiyan sa mga oras na'to kaya inunahan ko siyang maglakad pabalik.
Di na ako nag aya at sinusubukang ituwid ang kaliwang paa.
"Erin"
Ilang sandali pa ay bigla kong naramdaman ang malamig na kamay ni Rence na nakahawak sa kanang pulsohan.
Dali dali akong lumingon dahil nakakapanibago.
Nagtama ang mga mata namin na hindi sadya at agad niya ring binitawan.
"Just wait for a minute, may kukunin lang ako"
Wika nito habang may itinuturo sa likod.
Tumango lang ako bilang sagot.
Agad ko syang sinundan ng tingin na may kung anong kinuhang halaman.
Nagtagal pa ito ng ilang segundo, agad rin bumalik dala dala ang magkaibang kulay ng dahon.
"Para san yan?"
"For ankle sprain"
Agad akong tumango kahit di pamilyar sakin ang dala dalang halaman.
"Erin? Rence! Erin?"
Hindi paman kami naka alis ay tanaw namin sa malayuan ang kasing liit ng botel na si Drake.
Tumatakbo ito palapit samin kaya medyo nabuhayan ako.
"Drake!!"
Masigla kong bungad sa kanya, buti naman may kasabayan na agad kami.
Nakakailang kasi kasama tong si Rence.
"Ba't kayo bumalik?" Tanong nito samin na sa isang lalaki lang nakatingin.
"We forgot something. Nothing else" Sagot ni Rence
"What about you? Why are you here?" Pahabol na tanong nito.
Tiningnan ko si Drake at hinintay ang sagot.
Mukhang wala itong maisip idahilan kaya nagsimula na akong humakbang para makaalis.
"I forgot something too"