Chapter 25
Tumahimik nalang kami ni Andi tsaka hinintay makabalik ang kasama.
Pansin ko ang ilangan sa aming tatlo, siguradong naramdaman rin ito ni Andi dahil hindi na ito gaanong nagsasalita.
"Grabe Erin di ka naman mataba pero ang bigat mo"
Biglaang sulpot ni Drake at hinimas himas pa ang likod nito.
"Ikaw lang naman pumilit sakin"
Malamnay kong sagot rito na tila nahihiya dahil totoo rin naman.
"Sus! Binibiro lang, balik ka na ulit"
Nakangiti nitong sabi at ginulo pa ang buhok ko.
"Maya na kasi landian"
"Andi"
Napatakip na lamang ang babae sa ingay ng kanyang bunganga. Habang si Drake ay nag iinat pa ng mga buto, parang may digmaang pupuntahan.
Hindi ko namalayan ang agarang pag lapit ni Rence sa pwesto namin ni Drake.
"I'll carry you"
Napalunok ako nung mapansing sa akin ito nakatingin.
"Ha?"
"Hindi na bro, mabigat pa naman yan, ako na"
Hindi ito sumagot pero iniwan ang mga dala nito sa lupa at tumalikod sakin.
"Don't waste your time"
Kinabahan ako sa malamig na boses nito kaya agad rin akong napatango.
Nakakahiya!
"Yumuko ka bro"
"Okay"
Tiningnan ko si Andi na bigla ring tumango.
Dahan dahan kong inangat ang kanang braso at inilagay ang kamay sa balikat.
Nagdadalawang isip pa ako dahil nakakailang na magdikit ang balat namin.
Nang makita kong kinuha ni Drake ang mga prutas na naiwan sa gilid ay dali dali akong umangkas sa likod nito.
Hindi ito umimik pero nagawa pang yumuko at abutin yung mga dalang prutas kanina.
"Cacao mo" abot rin ni Andi ng prutas.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad na tila wala lang kay Rence.
Wala itong sabi sabing nahihirapan sya o mabigat ba ako.
Liningon ko ang dalawang kasama na nakasunod samin.
"Bro, dahan dahan naman"
Wika ni Drake nung muntikan akong nabangga ng iilang sanga.
Ilang minuto ng ilangan ay tanaw ko na ang pwesto.
Makikitang naghihintay ito sa pagdating namin.
"You go first" sambit ni Drake at binigyan distansya sina Drake at Andi.
Nang makadaan ang dalawa ay nakapermente parin ang pwesto namin ni Rence.
"Ma may hinihintay ka ba?" Naiilang kong tanong na nasa likuran nito.
Ilang sandali pa ay ibinago ni Rence ang direksyon na mukhang babalik sa gubat.
"Hoy! Hoy san kayo pupunta?"
"Anong nangyari?"
Rinig kong sigaw nina Andi na mukhang nakarating na ng pwesto.
"Rence!" Di ko mapigilang sambitin ang pangalan nito.
Pilit kong nilingon ang mga kasama, naghihintay na merong lalapit samin pero wala.
Nagpatuloy parin ito sa paglalakad.
"Dito nalang ako" Nahihiya kong sabi nung mapansing di nagsalita si Rence.
Lakad parin ng lakad at walang balak sumagot.
"Rence! Dito nalang ako"
Ulit kong sabi pero di parin tumigil. At dahil hindi ko na gusto ang pangyayari ay tinanggal ko ang dalawang kamay na nakapalibot sa leeg nito.
Wala na sa akin kung mahulog ako basta nais ko lang bumalik sa mga kasama.
Masama man ang ganun pero nagkaroon ako ng di kaaya kaayang persepsyon kay Rence.
Dahil narin siguro sa nagawa niyang pakikitungo kanina, siguro nga di ko pa sya tuluyang kilala.
Pinagpatuloy ko ang pag ilag mula sa pagpasan nito at kalaunan ay huminto rin.
Dali dali akong tumalon kahit nanginginig na ang kaliwang paa sa sakit.