Chapter 24
"Kaya ko naman Drake, mauna na kayo"
Kahit salungat ang sagot ay ginawa ko parin. Nakaramdam ako ng hiya nung makitang may kanya kanyang dala sina Rence, Andi at Drake habang ako ay dalawang prutas lang ng Cacao.
"Pano tong isang Guyabano?" Tanong ni Andi ng makitang naiwan ito sa gilid.
"Just leave that here, unless someone's hands are free"
Napalunok ako nang marinig ang sagot ni Rence.
Nagdadalawang isip pa akong magsalita pero di ko mapigilan.
"Ako na"
"Okay, let's go" walang ganang sagot ng lalaki tsaka tumalikod.
Hindi pa man ako nakagalaw ay umuna ng umalis si Rence.
Liningon ako nina Drake at Andi, mukhang ramdam din nila ang tensyon sa binitawang salita ni Rence.
"Cath? Ako nalang magdala niyan"
"Nako wag na, ako na"
Matapos kumapit sa ilang sanga sa gilid ay yumuko ako at kinuha ang nasabing prutas.
Inunahan ko silang maglakad kahit isang paa lang ang may lakas.
Hind ko alam pero hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.
Ni minsan di ko naranasan ang gantong trato. Kahit malayo ako kila Papa, parating may nag aalala sakin. Sa simpleng sugat, lagnat o anong sakit parang pinoproblema nang lahat ng mga kasama ko sa bahay.
Nagpatuloy lang ako sa paghakbang ng ilang sandali pa ay inunahan ako ni Drake.
"Bakit?" Tanong ko dito na nangingibabaw ang seryosong tindig.
Hindi ito nagsalita at agad ring tumalikod.
Parang tanga.
"Masaya to, wag ka lang masyadong magpabigat"
Nagulat ako sa suhestiyon ng lalaking nasa harap.
"Ayoko nga!"
"Sige na Cath, baka kung ano pang masabi ni Rence kung matagalan tayo"
Pakikiusap ni Andi sakin habang napalibutan ang paa nito ng mga prutas na kaninang dala ni Drake.
"Pano tong dala ko?"
"Basta"
Tanaw ko sa malayuan ang maliit na presensya ni Rence tila naghihintay.
Agad agad rin akong sumunod kahit medyo nahihiya ako sa gagawin.
Nagsimula na kaming umalis habang pilit kong dinadala ang dalawang cacao na inipwesto ko sa leeg ni Drake. Si Andi na ang nagdala ng isang prutas kahit marami na itong bitbit.
"Para mo naman akong sasakalin niyan"
"Ay sorry"
Nahihirapan akong gumalaw at tanging kamay lang ang may lakas sa oras na to.
"Nakikiliti na ako ha" rinig ko ang mahinang tawa ni Drake.
"Hoy bilisan niyo naman, maya na landian ha"
Kumunot ang sariling noo sa sinabi ni Andi.
Hindi nalang ako umimik dahil baka nabibigatan na tong lalaki sakin.
Nang makaabot na kami sa tinatayuan ni Rence ay agad akong kinabahan.
Tumingin lang ito sa kalagayan namin ni Drake.
May dala itong tatlong guyabano, isang cacao at kakaibang klase ng saging.
Hindi ko nalang sya tiningnan dahil baka kung ano pang masabi.
"Saglit lang Erin ha? Baba ka muna"
Hindi paman ako nakasagot ay agad ng yumuko si Drake senyales na pwede na akong dumistanya sa kanya.
Agad niyang iniwan sa lupa ang mga prutas tsaka dali dali daling pumunta ng gilid.
"Naiihi ako!"
Natawa ako sa naging hitsura nito, pansin ko rin ang pag iling ni Andi.
Pero nung mag tama ang tingin namin ni Rence ay nawala ang kurbang ngiti sa mga labi.