Chapter 23

"Uy ingat"

Agad akong napahawak sa kaliwang braso ni Drake nung biglang natapilok ang kaliwang paa.

Nahulog ng di sinasadya ang hawak na mga prutas.

"Anong nangyari?"

"Watch your steps Erin"

Permente parin yung posisyon ko kanina dahil di ko alam pano igalaw ang kaliwang paa.

"Ano? Nasugatan ba? Mahapdi?" Mahinang tanong ni Drake habang nakayuko ako at natatabunan ng buhok ang mukha.

"Saglit lang Drake, di ko magalaw"

"Ano Cath? Gusto mo hawakan ko? San ba banda dito?" Di ko alam kung anong balak ni Andi pero ramdam ko ang kamay nitong ginagalaw ang inangat na paa.

"Aray! Nako ihinto mo"

"Saglit lang to"

Nadamay pa yata si Drake sa kakapisil ko sa kanya dahil sa iilang hapdi na naramdaman.

"Oh tapos na"

Inayos ko ang nakayukong pwesto at hinawi ang nakaharang na buhok tsaka ako nagsalita.

"Dito nalang ako mag antay, sasandal lang ako saglit"

Wika ko sa kanila at pinilit si Drake na sumunod sa nais kong gawin.

Para akong tangang tumatalon - talon gamit ang isang  paa at huminto sa di malaman laman na puno.

"Dito nalang" sabi ko sa lalaking napipilitang sumang ayon sa gagawin.

"We have to go then"

"Sure ka Cath?"

"Ikaw lang mag isa?"

"Ha?"

Kahit bakas ang takot ay di ko ito pinapahalata. Ang lugar ay di masyadong napupuntahan ng tao, magkahalo ang puno, maging ang sanga at halaman ay kailangan pang alisin sa pagkakabuhol buhol.

"Okay lang, bilisan niyo nalang medyo nakakatakot rin dito" paliwanag ko habang liningon lingon ang paligid.

"Samahan nalang kita"

"Natakot rin ako Cath, di pwedeng tayo lang"

"You can't stay here Drake, marami pa tayong dadalhin"

"Pano si Erin?"

Tanaw ko ang tatlong kasama mula sa pagakakaupo na busy kakaisip sa gagawin. Mukhang nakaperwesyo pa tuloy ako.

"Hindi na, susubukan ko nalang maglakad"

"Better then"

Rinig kong sabi ni Rence tsaka umunang maglakad habang naiwan pa akong nakaupo.

Nagdadalawang isip pa si Andi kung susunod siya dun sa umunang lalaki o samahan pa akong tumayo.

"Tara na Cath" aya nito sakin habang yakap yakap ang dalang cacao kanina.

"Sundan mo na dun si Rence baka maiwan pa tayo" suhestiyon ni Drake.

Tinulungan lang ako nitong makatayo habang nakagapos ang isang braso sa kaliwa.

Para akong bata na pinipilit tumalon habang ginagabayan ng kuya.

Nagpatuloy lang kami sa pagtalon este paglakad.

"May iba sa Rence na yun, napapansin mo rin ba?"

"Hayaan mo na, baka may problema lang"

Sandaling kwentohan habang naglalakad, tanaw ko rin sa di kalayuan ang dalawa na mukhang may nakitang prutas.

"Sabihan mo lang ako kung nahihirapan ka"

"Okay lang no! Paa lang to"

Pangungumbinse ko rito.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad para maabotan yung dalawa.

"Guyabano? Pano ba kainin yan?"

Hindi sumagot si Rence at ibinigay lang ang prutas kay Andi.

Marami rami narin kaming nakuha kaya medyo nahiya akong humingi ng tulong kay Drake.

Nakakita pa kami ng tatlong pomelo at saging na pwede ng ibenta dahil sa magandang pagtubo nito.

"Is this a sugar cane right?"

Nagkibit balikat lang si Andi na tinatanong ng katabi.

"Di ko alam, pano ba kainin to Drake?"

"Baka maliit na kawayan lang yan" depensa ko naman dito.

"Let's just try, hold this Andi" sumang ayon lang ang kaibigan sa naging desisyon ni Rence.