Chapter 22
Makaraan ang ilang oras ay hindi mapakali ang lahat dahil sa kalagayan ni Allen. Nais nitong mahiga malayo sa sinag ng araw.
Kanya kanya kaming hanap kung saan mas kumportable ang kasama. Nakakaawang tingnan na kahit sa simpleng paghiga lang ay pinoproblema pa.
"Dito oh"
Umalingawngaw ang boses ni Warren sa malayuan, nasa kabilang dapit ito kumakaway na tila nasihayan sa pwesto.
Mukhang sapat na iyon para maipagpatuloy ni Allen ang pagpapahinga. Natabunan ang pwesto ng malaking puno, madahon ang paligid na mukhang hindi nagagalaw ng kahit sino.
Kanya kanya kaming alalay na makatawid sa ilog, dala dala ang gamit na kailanganin ni Allen.
"You can put that here"
Nabigla ako sa biglang pagsulpot ni Rence mula sa likuran habang yakap yakap ang mga lantang dahon ng niyog.
Tinutokoy nito ang hawak kong mga damit na ginawang pambalot ni Allen.
"Hindi na, magaan lang naman"
"Okay then"
Sagot nito tsaka umunang maglakad sakin, palapit sa mga kasama.
Tila meron akong napapansin sa lalaking iyon.
Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa mga kasama at nilagay ang mga gamit sa tabi ni Allen nung makitang maayos na ito.
"Ano okay naba dito?" Tanong ni Mich sa pinsan na bakas parin ang panghihina.
Tumango lang ito tsaka sumandal sa puno na napalibutan namin.
"Pinagpawisan ka"
"Mich, namumutla rin"
"Allen, ano? May masakit ba?"
"Kailangan niya na talaga ng gamot"
Halo halo na ang aking narinig habang si Allen ay hindi nag dadalawang isip na mahiga kahit di na nito namamalayan ang pwesto.
"Nilalamig sya" rinig kong wika ni Jessy tsaka inilapit ang mga magkahalong damit namin.
Napaupo narin lang ako habang minamasdan ang nilalamig na kasama.
Ramdam ko ang lungkot nung wala ni isang umimik.
Ilang sandali pa ay narinig namin ang mahinang hikbi ni Mich na pilit tinatago.
"Mich"
Biglaang alalay ni Andi at hinimas himas ang balikat ng kasama.
"Kasalanan ko yata kung bakit siya nagkaganto" panimula nitong wika na hindi sinang ayunan ng karamihan.
"Nako hindi no at alam mo yan"
"Walang may gusto nito Mich, gagaling din si Allen"
"Kung siguro pinigilan ko sya na wag sumama sa entrance exam hindi niya mararanasan ang ganito".
Dahil sa emosyon ni Mich ay hindi namin mapigilan ang lumapit sa gawi nito na katabi lamang ang natutulog na si Allen.
Kahit wala kaming ganang magpatuloy sa gagawin ay pinilit naming maghanap ng makakain.
"I'll go with you"
Napahinto si Andi na nangunguna samin ni Drake, kapwa rin kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Tumingin lang si Rence tsaka inunahan kaming tatlo.
Pansin ko rin ang agarang pagkibit balikat ni Andi at nagpatuloy sa paglalakad.
Naiwan lang sa pwesto sina Warren, Jessy, Allen at Mich.
Hindi na kami naghanap sa dating gawi dahil mukhang naubos na namin lahat ng prutas dun.
"Cacao?"
Boses ni Andi habang dinadampot ni Rence ang kulay maroon na prutas.
"Ibigay mo ang iba kay Erin" wika ni Drake na nasa likuran ko lamang.
Pero tila hindi ito narinig ni Rence.
"Drake, kindly hold these"
"Ako na" lapit ko sa lalaking may hawak na dalawang cacao.
Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo tsaka ibinigay ang nasabing prutas.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
May kung ano akong naramdaman na hindi dapat. Tila yata may nagawa akong kasalanan kay Rence na di ko namalayan. Nakakapanibago ang ganung pakikitungo.
"Aray!"