Chapter 21

Araw ng Huwebes ilang araw nalang napapalapit na yung Graduation. Nakakapanghinayang na di parin namin magawang makalaya.

Para kaming nabigo na nakapalibot sa nakasanayan naming pwesto.

Si Allen na nakahiga parin ramdam ang lamig dala ng lagnat. Katabi nito si Mich na nakasubsub ang baba sa nagkadikit na tuhod. Sa kaliwa naman ay ako at si Andi.

Naka upo sa katam - tamang sukat ng bato sina Drake, Warren at Rence. Hinihintay naming makalapit si Jessy na may dalang kulay berdeng tubig.

Dalawang tumbler at isang mineral bottle ang natatanging nadala namin.

Doon ko lang naramdaman ang walang ganang pakiramdam sa lahat.

Gusto ko ng umuwi, makaupo sa malambot na sofa, makakain ng kahit ano, makagala kahit saan.

Di ko tuloy maisip na hindi ko naranasan lahat ng iyon kung di dahil kina Mama.

Habang dito, kailangan pa naming maghanap ng kahit anong makikitang prutas. Kung saan saan naglalabas ng sama ng sikmura. Walang sapat na ilaw sa gabi.

Walang malinis na tubig pang inom.

Nakakamiss lang.

Napabuntong hininga ako tsaka nilingon ang kabuuan, parang lahat yata kami eh may sari sariling mundo maliban kina Mich at Jessy na patuloy paring inasikaso ang may lagnat.

Napatingin ako dun sa tatlong lalaki sa harap, ilang hakbang ang layo namin mula sa nakasanayang higaan.

Napatingin ako kay Rence na napasulyap rin ng ilang segundo at umiwas ng tingin.

Problema nito?

Ngayon ko lang din nakita si Warren na tila may malalim na iniisip.

Tumayo ang isang katabi at tinahak ang pwesto kung san kami napaupo.

"Mukhang malabo yata kung padalos dalos tayong uuwi na hindi pa magaling si Allen" biglaang sabi ni Drake na nakatoon ang tingin sa kaibigan.

"Kung saan saan ka na naman sumusulpot drake ha" wika ng katabi kong si Andi na mukhang bumalik ang kakulitan.

Lumingon ang tinatanong na lalaki.

"Oh bakit?"

"Wala naman, napapansin ko lang"

Tiningnan ko ito ng may mapagtanong na tingin.

Nagpatuloy lang ito sa tabi na mukhang walang maisip gawin.

Maging ako man ay nawalan din ng ideya kung pano malagpasan ang panibagong araw.

Matapos nag aksaya ng ilang oras sa pakikipagtitigan sa hangin ay naisipan naming kumain.

Hinog na saging na pinapaikot ikot sa nagbabagang apoy na gawa nina Warren.

"Ito na yata ang pinakatinipid na barbeque na natikman ko" sambit ni Andi tsaka nilantakan ang mainit na saging.

"Pasalamat ka masarap akong magluto"

"Pasalamat ka wala akong panlasa ngayon".

Napailing ako agad ng magsimula ng sumagot ang katunggali nito.

May magkakagulo naman panigurado.

"Sorry" rinig kong sambit ng pormal na lalaki at ibinalik ang atensyon sa kinain.

Agad ko nalang kinapa ang natapakan na paa at nang makitang madumi ito ay iniwan ko sandali ang hawak na pagkain, tinahak ang ilog at naglinis.

Binaling ko ang tingin sa mga kasama, nag abot ang tingin namin ni Rence na katabi ni warren, umiwas agad ito at muling tumingin sa mga kasama.

Anong problema nun?

Bumalik din ako sa pwesto pagkatapos at nagpatuloy kumain.

"Ano bro? Musta pakiramdam mo?"

Hindi sumagot si Allen at tanging tango ang sagot nito kahit di namin alam kung anong gustong sabihin.

"He won't feel any better here, mas okay if uuwi na tayo bukas"