Chapter 20
Dahil sa binatawang sinabi ni Rence ay agad kaming napalingon dito.
"I mean dahon ng camote, right?"
Di ko mapigilan matawa sa pinagsasabi nito, kahit nasa gitna na kami ng pagmamadali di parin mawawala yung nakasanayang pag eenglish.
Matapos nakuha ang tatlong pomelo ay ibinigay ito samin.
"Naalala ko may talbos ng camote dun sa tabi ng ilog"
Patuloy na pagsasalita ni Warren habang nakasunod naman kami ni Andi sa likod.
Nakadaan na kami sa matatayog na kawayan, tanaw ang mga kasamahan sa gilid ng ilog.
Ilang sandali pa ay inunahan ako ni Andi tsaka huminto sa paglalakad.
Humarap ito sakin na tela kinakabahan.
"Cath, di kaya yung pinuntahan natin kaninang madaling araw yun yung tinutukoy ni Warren?"
Medyo di ko pa gets yung gusto nitong sabihin ng bigla itong magsalita uli.
"Cath, mukhang don nga, nako anong gagawin natin?"
Nagmamadali nitong sambit tsaka inunahan akong umalis.
Rinig ko nalang dito ay yung pagtawag niya kina Warren at Rence na nasa pwesto na namin.
May iba't ibang pinanggagawa ang mga kasama, habang si Mich naman ay binabantayan lang si Allen na kasalukuyan paring nakahiga.
Nilagay ko na lamang ang hawak na pomelo sa nakasanayang hapag na gawa sa dahon.
"Ano ba andrea? Doon nga banda" inis na wika ni Warren.
Sinundan ko ang tinutukoy nito, mukhang doon nga sa kung saan naglabas ng sama ng sikmura si Andi.
"Ang kulit mo!"
"May iba pa naman siguro, wag na yung camote!"
Napailing nalang ako sa ginawang paraan ni Andi, pano ba namin mapigilang wag pumunta don si Warren.
"Edi ano nalang, malunggay!"
"Ang tanga mo don! Sige maghanap ka ako na sa camote" wika ni Warren na mukhang ready ng umalis at tahakin ang tabi ng ilog na di kalayuan.
"Wag na kasiiiiii!" Panghinto ni Andi at pinipigilan pa nito ang kaliwang kamay na makaalis.
"Ang kulit mo! Gusto mo lang yata masolo ako no? No? no?" pang aasar ng lalaki.
"Yuck di no!"
"Sus, oo na nga tayo lang pupunta"
Natawa nalang ako sa natunghayang asaran.
Napahinto si Andi pero mukhang hindi pa ito nakontento dahil hawak hawak pa nito ang isang kamay ni warren.
"Ako na nga lang kukuha"
Sulpot ni Drake na mukhang may alam sa pangyayari.
Wala akong pagdadalawang isip na sumunod sa nais tahakin nito.
"Drake! San ka pupunta?" Pakunwari kong tanong dito.
"Ba't ka sumunod?" Lingon niya sakin.
Nagpatuloy lang ako sa pag sunod at mukhang mas malapit ito sa inaasahan ni Andi.
Dali dali itong lumapit sa nakalatag na talbos ng kamote at nagsimulang kumuha.
Hinanap ko yung gawi na pinuntahan namin ni Andi kaninang madaling araw, medyo may kalayuan ito at nasa tagong parte.
"Ito pakihawak" agad na sambit ng kasama.
Hinawakan ko nalang ang iilang talbos ng kamote at napalingon sa gawi ng mga kasama.
May iilang tinatanaw kami mula sa tinatayuan.
"Di na tayo dapat magtagal dito" biglaan kong sabi.
Nakakapanghinang tingnan na meron ng nagkakasakit dahil sa sitwasyon namin. Wala rin kaming sapat na mga kagamitan sa mga gantong bagay.
"Tama na siguro to no?"
Tanong ni Drake na ngayon ay nakatayo na at mukhang tapos na kumuha ng iilang dahon.
Natigilan ako sandali ng makabuo ng desisyon sa isip. Nilingon ko ang kasama.
"Kakayanin kaya ni Allen kung uuwi na tayo bukas?"