Chapter 19
"Sorry, nagising ka pa namin"
Pagpaumanhin ni Drake dito tsaka umunang bumalik sa pwesto.
Naiwan parin ako sa gulat ng magsalita si Rence. At dahil sa iilang segundong para akong tangang nabigla sa kanyang tanong ay kung ano ano nalang ang naisagot ko rito.
"Sige balik nako. Tulog ka ulit"
Pagmamadali ko at bumalik sa higaan, nais ko mang bumalik dun sa gitna nina Warren at Andi pero wala itong espasyo.
"Okay ka lang?"
Agarang tanong ng lalaking nakaupo sa higaan, kaharap ko lamang. Nakatagilid lang akong nakahiga rito tila iniiwasan ang direksyon nina Andi.
"Ha? Oo naman"
Nakita ko nalang ito na napakibit balikat at itinoon ang tingin sa kawalan. Wala yatang balak matulog.
Ilang minuto pa ay di ko namalayan ang mga pangyayari, nagising na lamang ako sa ingay ng mga hakbang sa paligid. Unang bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Drake.
Maaliwalas na ang langit, tanaw ko ang palapit na Mich at Jessy. Bumangon ako at nilingon ang mga katabi, tanging si Andi nalang ang nakadapa sa kaliwa habang sina Allen at Drake naman ang sa kanan.
San kaya yung dalawang lalaki?
Napatulala pa ako ng ilang segundo bago naisipang tumayo at tahakin ang kaharap na ilog. Binasa ang mukha sa malamig na likido. Rinig ko mula dito ang ingay ng mga kasama.
Di maiwasang mapatingin, pinipilit ginising ni Warren si Drake tila nakangiting may tinutukso.
Inis na inis naman ang lalaking nakahiga, at napilitang bumangon kusot kusot ang mga mata.
Parang mga bata.
Doon ko nalang din napansin na kumpleto na ang mga kasama, san kaya nanggaling tong dalawang lalaki.
Bumalik narin naman ako sa pwesto at tanging si Allen nalang ang natutulog.
Himala yata.
"Uy erin"
Tawag ni Warren ng nakitang nakaupo na ako sa pwesto.
"Bakit?"
"Wala naman" nakangiti nitong sagot parang tanga.
Liningon ko ang dalawang taong katabi nito sa kaliwa, mukhang ngayon lang din nagising si Andi habang si Rence ay tahimik lang nakakinig.
"Bro okay ka lang? Nilalamig ka yata"
Dahil sa narinig ay agad kong nilingon ang mga katabi sa kanan. Tumayo si Mich at binigyan ng distansya ni Jessy para matingnan ang pinsan.
"Allen" tawag nito at kinapa kapa ang noo pati ang leeg.
"Nilalagnat ka!"
Medyo natakot kami kaya dali dali kaming napalapit rito.
"Okay lang ako, nilalamig lang"
"Ha? Di ka naman ganyan parati, anong nararamdaman mo?"
Di na nito sinagot ang pinsan at nagpatuloy lang matulog, isa isa nalang din kaming nagbigay ng iilang damit para may pantakip ito.
Para kaming na alarma kaya nawala ang antok sa sistema.
"He needs a hot water to drink"
"Kami na maghanap ng makakain"
"Pano makainom ng mainit na tubig?"
"Lagyan pa ng ibang damit"
"Tara na!"
Ilang sandali ay nahablot na ako ng basta basta ni Andi.
Kami yata yung maghahanap ng makakain, nakasunod lang kami kina Warren at Rence.
"Yung prutas na pwedeng maluto"
Sunod parin kami ng sunod, tila limitado ang makakain banda rito. Naubos na yata dahil sa pamamalagi namin ng iilang araw.
"May pomelo dun oh"
Tiningnan namin ang tinutukoy ni Andi.
"Di naman yan naluluto"
"Duhh at least prutas"
Binigyan ni Warren si Andi na may mapang inis na tingin.
"Kunin mo na kasi malapit lang naman"
"Ito na nga oh, kukunin na"
Napipilitang sunod ni Warren. Kahit kailan talaga di matatapos ang bangayan ng dalawang to.
"We need some veges" wika naman ni Rence na di mapigilang mapa english.
"Kumakain ba yun ng talbos ng kamote?" Tanong ni Warren habang busy kakasungkit ng pomelo.
"You mean Sweet Potato or the Leaves?"