Chapter 16
Matapos mag laba ay napaaga kaming kumain ng pananghalian kahit puro prutas lang ang pagsasaluhan.
Ilang araw ay naka adjust narin ang mga sikmura namin, mag mula rin na magkasama kaming walo ay tila nakilala ko na ang isa't isa. Maliban nga dun sa isang kasamahan namin na matapos ang isang gabi ay di na kinayang mamalagi.
Syempre si Andi ang mas lubos kong kilala rito, walang ibang babaeng puro bulong at siko ang binibigay sakin.
Si Rence, di ko maramdaman na isa siyang guro maliban na lamang kung magsasalita ito ng Ingles. Well, di maiiwasan na lumabas ang pagka inosente ng lalaking to. Mas nagtatagal mas naging cute ang dating niya sakin. Pero joke lang yun! Hmmmm
Kung meron mang kakumpetensiya si Andi siguro si Warren na yon. Puro kagaguhan ang alam, di ka mabuburyo pag kadaldalan mo tong lalaking to. Di rin mahirap pakisamahan.
Isunod nalang din natin si Drake ang kaibigan ni Warren. Di rin siya mahirap pakisamahan, bukod sa madiskarte, makikita mo rito na marunong mag isip at may pangarap. Ewan, ang hilig rin kasing magkwento kaya ganun.
Huli sa apat na lalaki ay si Allen, sila ni Mich yung una naming sinusundan ni Andi. Akala ko masungit pero mabait rin pala, kailangan mo lang kilalanin. Medyo madrama rin, kaya palaging ginagabayan.
Si Mich, siya yung naging leader namin nung panahong naliligaw pa kami. Akala rin namin masungit dahil mata lang yung minsang ginagamit, hanggang tingin lang. Maaasahan din at madiskarte, siguro sa apat na babae na nandito siya yung makitaan mo ng tapang at lakas ng loob.
Panghuli ay si Jessy, nung una mahirap siyang kausapin pero nagtagal mabait din naman sadyang tahimik lang. Sa katunayan may pagkakapareho kami, di magkukuwento kung di mo tatanungin. Si Andi yung palaging nanggugulo nung una kaya medyo nasanay narin ito samin.
Alas dos na yata ng hapon ng pansin kong natutulog ang mga kasamang babae pati si Warren. Napagod yata kakalaba, naglaba rin naman ako kanina pero parang di yata ako tinablan ng pagod.
Nakasandal sa malaking bato na ginawang silongan namin dahil sa nakatakip na dahon ng niyog.
"When you want to go home?" biglaang sulpot ni Rence mula sa gilid kaya nagulat ako.
Tanaw ko lang din sa di kalayuan sina Allen at Drake na may sariling mundo. Ba't di nalang nila sinama tong si Rence.
"Ha? Kung kailan niyo gusto syempre. Ikaw ba?"tanong ko rito tsaka dumistansya ng mapansin kong may balak itong tumabi sakin.
Sa ilang araw namin dito, di pa naman kami nakapag usap ng ganto ka close no! Tsaka palaging may kasama pag nag- uusap.
"We need to go home as early as possible"
Liningon ko ito at may namumuong ideya sa isip.
Ba't kaya siya nagmamadali? Siguro miss niya na yung family niya? O baka jowa? Pwede ring asawa o kaya anak. Mukhang bata pa naman si Sir, paniguradong nag alala na yong pamilya niya.
"Why are u staring Erin" nagulat pa ako ng matauhan sa nangyari.
Natatawa parin ang lalaking nagtatanong.
"Ha? Buti po kinaya niyong di makita yung asawa't anak niyo? Di gaya nung isang kasama natin dito. Mag iisang linggo na rin, miss niyo na sila?"
Hinihintay ko siyang sumagot ng ilang sandali pay agad itong humagalpak ng tawa.
Anak ng! Mukha ba kong nagjoke?