Chapter 15
Ilang gabi ang lumipas nang masanayan na namin ang pasikot sikot dito.
Maagang gumising at maghanap ng makakain. Pang buong araw na ang pagkain na makukuha, kung susuwertehen ay pang dalawahang araw naman.
"Cath, ang baho baho na natin" naiinis na sumbong ni Andi habang kasama namin sina Jessy at Mich na naglalaba ng ilang damit.
"Kami rin naman, nako okang lang yan" wika ni Jessy na busy kakakusot ng damit nito kahit wala rin namang gamit pang sabon.
"Mas nag aalala ako kung patuloy tayong magtagal dito, anong petsa naba? Sayang naman may Graduation pa"
Dahil sa narinig mula kay Mich ay nanumbalik ang sitwasyon na meron ako sa bahay.
Tila wala na akong takot kung makakauwi kami o hindi. Naisip ko pa lang na kahit babalik ako dun hindi parin ako yung maging dahilan para bumalik kami sa dati.
"Girls! May labahan pa ako rito baka naman" sigaw ni warren sa di kalayuan tinawanan lang ito ng mga kasama.
"Mukha mo! Maglaba ka!" Sagot ni Andi dito na kahit kami ay natawa rin.
"Sige na andi, dalawa lang naman eh" pagpupumilit nito.
"Ayoko nga ano ka sinuswerte!"
Dahil sa pag ayaw ng babae ay napilitan nalang itong sumama samin.
"Sus pero kung yung si Rence mag utos papayag ka no?"
Liningon ko ang naiwang kasamahan.
Apat na araw na yata kami rito siguro pwede nang makauwi.
Dahil sa naisip agad akong lumapit sa gawi nito.
"Hoy san ka pupunta" habol na tawag ni warren.
"Maglaba ka!" sagot ko sa kanya at patuloy na naglakad.
Malayuan pa lang ay pansin kong ako ang pinag uusapan nina Allen, Drake at Rence.
Oo ang kapal ko na na naman.
"Oh? Ba't ka umalis don?" Bungad ni Allen pero di ko siya sinagot at mas piniling tumabi rito.
"Hey! What's going on? I mean what-- bakit ka nandito?" Nahihirapang tanong ni Rence natawa nalang din kami, ang cute lang.
"May space pa naman dito Erin" aya ni Drake pero di ko nalang ito pinansin at tiningnan lang yung nag aasarang Andi at Warren habang tawa tawa naman yung dalawang babae.
"Ilang araw na tayo dito, baka may paraan para pwede ng umuwi?" Biglaan kong sabi.
"That's what I've been thinking too these past days. I mean if di tayo hahanap ng ways di tayo makakalabas."
"Pero may risk rin kasi pag padalos dalos tayo. If hinanap na nila tayo for sure unang araw palang may nakadaan na dito kahit isa man lang. Pero kung tayo lang din ang hinintay na makalabas mukhang tama ngang simulan na natin bumalik" liningon ko ang gawi ni drake na katabi lang nitong si Allen.
Nagulat pa ako ng mapansing kanina pa ito nakatingin kaya iniba ko ang atensyon sa mga naglalaba.
"Nag alala na nga ako sayang naman if di tayo aabot ng Graduation, ilang taon nating pinaghirapan tapos di pala tayo matungtung ng stage" wika ng katabi kaya di ko maiwasang mapasandal sa balikat nito.
"Makakaabot din tayo, may ilang araw pa naman"
Binilang ko sa isip kung anong araw naba kami.
Friday nung naligaw then 4 days na kaming nandito.
Tuesday na? 25 nung friday so 29 kami ngayon.
April 5 na ang graduation , next wednesday??