Chapter 17

Pang limang gabi na namin sa ilog, buti nga di nagpaparamdam yung ulan dahil di ko maisip kung anong kalagayan namin pag nagka ganun.

"Ano ba Warren, ibalik mo na damit ko!" nangingibabaw na boses ni Andi habang nag aayos na kami para matulog.

"Hay nako! Magsi tigil na kayo baka marinig pa kayo ng kung sino sa ilog" agad na paalala ni Mich kaya dali daling tumabi ang mga ito sakin.

"Ibalik mo na kasi, nilalamig ako" patuloy ng dalawa kahit nakahiga na ang mga kasama.

"Ang damot mo naman Andrea!"

"Tse! May mga damit ka naman ah?"

"Nasa sampayan nga kasi to naman!"

Napapikit nalang ako at agad bumangon dahil sa ingay ng mga ito, pinag gitnaan pa naman ako.

Tong dalawang to talaga!

San naman ako pupwesto nito?

"Edi yakapin nalang kita"

Agad akong napahinto sa narinig, maging ang mga kasamahan namin ay nakuha ang atensyon ng mga ito.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, para kaming nadaanan ng kung anong remote at napindot ang pause dahil sa walang ni isang kumibo.

"Wooooo ano daw?"

"Ayyieeeeee yan na nga ba sinasabi ko eh"

Napangiti ako ng marinig ang tukso ng mga kasama.

"Oh, sayo nalang!"

Nahihiyang sabi ni Andi tsaka hinayaan ang damit na hawak ni Warren.

Napailing nalang ako sa natuklasan.

Agad itong tumagilid at tinalikuran  ang nakasagotang kasama.

Habang nakaupo parin si Warren tila nakokonsensya.

Pupuwesto narin ako sa kaliwa ni Andi dahil baka kung anong debate na naman ang mangyayari mamaya.

Kaya lang mukhang mali yung pwesto na hinigaan ko.

Dali dali akong bumangon ng ilang segundo pa'y narinig ko ang mahinang tawa ni Rence na tela'y aliw na aliw sa natunghayang bituin.

Napakunot ang noo ko sa reaksyon nito kaya naisipang maghanap ng ibang pwesto at piniling  tabihan si Warren.

"Oh? Anong nangyari? Kala ko pa naman by pair yung pwesto?"

Nakatagilid lang akong humarap sa lalaking nagsasalita.

"Anong by pair?" Nakakunot parin ang noo ko sa naging tanong nito sakin.

"Katabi mo na si Rence, may LQ ba?"

Di ako sumagot at tiningnan ko lang siya ng masama.

Ano bang nagyari sa mga lalaki ngayon?

"Sungit!"

Di ko ito pinansin at iniba ang pwesto kaharap si Warren. Buti naman at hindi nakaharap rito.

Pero rinig ko parin ang mahinang pang aasar nito kay Andi.

"Ito na nga binabalik ko na" malambing na wika ni Warren.

"Natutulog na ko wag kang magulo"

"Sus gusto mo lang yata yakapin kita"

"Kadiri mo"

Natawa ako sa pag uusap ng dalawang to kaya nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

Ilang sandali pay ramdam ko ang malikot na kamay sa balikat.

"Ano na naman?"

"Bigyan mo sila ng privacy ang chismosa mo"

Agad kong nilingon si Drake.

"Ang epal mo!"

"Wow, marunong ka na niyan ha?"

"Maghanap ka nga ng kausap, andiyan si Allen oh!" Turo ko sa lalaking katabi nito sa kanan.

"Natutulog na" sagot niya sakin.

"Edi matulog ka na rin" sabi ko dito at sinimulang takpan ng ilang damit ang leeg pati mukha.

Sana naman makatulog na ako ng matiwasay sa pwestong to.