Chapter 14

"Pano tong Papaya? Hilaw pa" tanong ni Andi dun sa naglulutong si Mich.

Ilang hakbang lang yong layo mula samin.

"We should try to find ways as early as possible" biglaang wika ni Rence na nakatingin lamang sa inayos na dahon ng saging.

"Asus miss mo lang jowa mo no?" Pabirong sagot ni Warren.

"Mukhang delikado pa yata, baka maligaw ulit tayo"

Lumingon ako sa naging sagot ni Drake.

Tama sya, posibleng maligaw na naman kami sa gubat pag gustohin naming bumalik doon.

"Posible ring nag aabang na ang mga iyon sa San Lorenzo, siguro naman wala ng rebelde for sure nabalita na ang nangyari kahapon"

Patuloy lang sa pag uusap ang tatlong lalaki ng ilang sandali pa ay pansin namin ang pagmamadali ni Tim (yung isang babae)

Wala itong kahit isang sinabi basta diretso lang itong dinala ang mga gamit.

"Tim, wag kang padalos dalos" rinig naming habol ng kaibigan nito.

"Sandali nga"

Napaatras pa ako nung dumaan si Drake at balak sundan ang bagong mga kasama.

"Napano yun?" Nagkibit balikat kami nung lumapit si Allen dala dala ang niluto nina Mich.

Sinundan namin ito ng tingin papasok ng gubat habang inayos na ang mga pagkain sa harap.

Nakapwesto na kami't lahat hindi parin bumabalik yung tatlo.

"Napano na kaya ang mga yun" nag alalang tanong ni Warren habang pasimpleng kumuha ng saging.

Nag alala ba to o ano?

"Hoy! Mamaya na kasi chill ka lang" paalala ni Andi.

"What's with the two girls by the way?"

"Hep hep sandali" paghinto ni Warren sa kinakain.

"From now on, masanay ka ng magtagalog, okay? Bawal english dito. Maliwanag?"

Natawa kami sa hitsura nito na busy parin kakanguya ng saging.

Ilang sandali pa'y pansin na namin ang paparating pero nadismaya sa nakitang dalawa nalang ang mga to.

"San si Tim?"

"Anong nangyari?"

"Hala bakit?"

"Kayo lang dalawa?"

Hinintay naming makalapit ang mga ito sa amin.

"Gusto na daw niyang umuwi"

"Hindi daw sya makuntento hanggat di niya nakita anak niya" malungkot na wika ng babae.

Ano nga bang name nito.

"Oh she's a mother already"

Napalingon kami sa nag eenglish nung tiningnan ito ni Warren ng masama.

Kinain nalang ni Rence ang saging na nakita sa harap ng mapansing maling lenggwahe ang nagamit nito.