Chapter 13

"Ano pinag usapan niyo Cath?"

"Ha? Wala naman" sagot ko kay Andi at humiga narin.

"Talaga ba? Mukhang nagtampo yata, ikaw ha"

Sinamaan ko ito ng tingin, kung anong iniisip.

Nakadilat parin ang mga mata, habang may iilang damit na nakapatong sa leeg.

Minamasdan ang ganda ng langit.

Naalala ko tuloy yung bintana sa kwarto, alam na kaya nila Mama ang kalagayan namin ngayon?

Nakakapanghina, gusto ko ng humiga sa malambot kong kama.

Makagalaw ng payapa.

Makakain ng kung ano mang gusto ng sikmura ko.

Magpalipas ng oras sa maliwanag na tahanan.

Napamulat ako ng wala sa oras ng makaramdam nang lamig at gutom.

Hindi sapat ang iilang damit para ibalot sa sarili.

Tanging liwanag mula sa langit at natatanging ilaw a

ng pinagtagpi tagping kahoy sa gilid.

Bumangon ako at lumapit roon.

Mahimbing pang natutulog ang mga kasama.

Itinuon ko lang ang sarili sa apoy na nasa harapan.

Iba't ibang ingay ng kalikasan ang nangingibaw, tila pinapahiwatig na nasa gitna kami ng kawalan.

Lumapit ako sa gawing naaabotan lang ng liwanag at uminom. Wala na sa akin kung ito ba ay malinis, naalala ko lang yung napag usapan kahapon na makakatanggal ng gutom ang pag inom ng tubig.

Bumalik narin naman ako sa pinanggalingan ng apoy.

Napalingon ng marinig ang ilang hakbang palapit sakin.

Wala itong imik at napatulala lang sa nakikitang liwanag.

Bakas ang gawain ng taong bagong gising.

Nang mapansin ang pagtitig ng kasama ay medyo nagulat pa ito.

"Morning" bati ko rito.

"Good morning din" napangiti lamang ito at niyakap ang sarili.

Itinoon ko nalang ang tingin sa harap.

"Ba't ka napabangon? Di ka nakatulog?" rinig kong wika nito.

"Napamulat lang sa lamig tsaka sa gutom. Ikaw?" Tanong ko sa lalaking kausap.

"Kagabi pa nagpapansin tong sikmura ko. Di ko magawang makatulog"

Tumitig lang ako rito dahil wala rin naman akong mabigay na sagot.

"Uminom ka muna ng tubig, maya maya maghanap tayo ng ilang prutas na makain man lang"

Suhestiyon ko.

"Sabagay, saglit lang ha?" Paalam nito kaya tumango lang ako.

Naalala ko tuloy yung naging kwentohan kagabi, di ko parin maalala kung anong name nung kaibigan ni Warren? Naala ko yung sigaw ng kaibigan niya kahapon. Rick yata, o eric? pero isang tawagan lang yun di kaya rick?

"Cath? Di ka natulog?" Napalingon ako sa biglaang paglapit ni Andi.

"Good Morning" agad na bati nung lalaki kanina.

"Oh? May kasama ka pala, kanina pa kayo dito?" Takang tanong ni Andi samin.

Ano na naman kayang iniisip ng babaeng to, ang aga pa.

"Hindi, ngayon ngayon lang. Ikaw ba?" sagot nito.

"Ganun din, napabangon lang ako akala ko kasi iniwan na ako nitong babae" medyo nagtampong sagot ni Andi na tumingin pa sakin.

Matapos ang iilang oras ay napagpasyahan naming maglibot sa gubat.

Ang tanging kasama lang namin ay si Andi, Sir Lao este  si rence, Warren at Drake. Oo nalaman ko rin kanina, nakakahiya naman alam niya name ko habang di ko man lang alam ang name nito. Nasa kabilang banda naman naghahanap sina Mich at ibang babae.

Halos mga prutas lang ang pwedeng makuha rito maliban nalang kung may iilang isda na makita sa ilog. May isda ba sa ilog? Hayss ba't ko nga ba natanong.

"Ito saging, hawakan mo ko drake"

Biglang wika ni warren habang busy kaka - talon sa nakitang prutas.

"Ako na nga diyan"

Wala kaming nagawa kundi mag antay lang na maabot ni Drake yung saging.

Nang magtagumpay ay nagpatuloy kami sa paghahanap.

May kanya kanya na rin kaming dala kaya agad rin kaming bumalik ng ilog.

Tanaw pa namin sina Mich nung pababa na kami pabalik ng pwesto.

Marami rami rin ang dala ng mga ito kaya siguradong mabawi rin yung gutom kahapon.