Chapter 12
Ilang paghihintay pa ang nangyari matapos ang sandaling yun ng magsimula ng magdilim ang paligid.
Nandon parin ako sa sitwasyon na sana panaginip lang ang lahat ng to.
"Cath! Ano na, ilatag mo na ang iba mong gamit sa tabi"
Napalingon ako kay Andi na hindi masyadong naaninag ang kabuuan.
Bago nagdilim ay napasyahan nang mga lalaki na maghanap ng pangsindi para may kaonting liwanag sa gabi. Wala akong naintihan sa prosesong nangyari basta may naging apoy na kami sa gawing gilid.
May nilatag na dahon ng niyog sa may lupang bahagi ng ilog.
"Dun kaya tayo matulog sa gubat total may ilaw na naman tayo?" Suhestiyon ni Andi.
"Ikaw, pero baka may biglang gagapang habang mahimbing kang natutulog. Ikaw rin" sagot ni Warren na siyang nagpabusangot rito.
"Wag na nga lang"
"You don't like it here?"
Eto na naman tong nang eenglish.
"Hindi naman sir, suggestion ko lang"
"You don't need to call me Sir, wala tayo sa campus. Just call me Rence, I prefer"
"Okay rence!" Napipilitang sagot ng isa.
"By the way Catherine, you really don't talk much. Something wrong?"
Nabigla ako nang mapansing nasa akin ang atensyon ngayon.
Rinig kong napaubo si Andi kaya tiningnan ko ito na naniningkit ang mata.
"Patabi" di paman ako nakasagot eh lumapit na si Warren sa gawi namin.
"Po? Wala naman, siguro ano, nahihiya lang ganun" sagot ko rito.
"I see, but you can try, we're harmless don't worry" sagot ng guro sakin kaya tinanguan ko nalang.
"Teacher pala kayo? Ilang taon ka na po?"
Di ko napansin na nasa isang gawi nalang kami lahat. Si Sir Lao I mean Rence, Si Andi, Ako, Warren at yung kaibigan niya. Sa may gilid naman sina Mitch, Allen at dalawang babae.
Di ko pa masyadong napapansin yung dalawang babae since sila lang rin naman yung nag usap usap kasama yung kaibigan ni Warren.
Ilang kwentohan lang yung nangyari habang tong katabi ko sa kanan ay nagsimula ng matulog.
Ilang sandali pay may siko na namang nagpapansin sa kaliwa ko.
Kapwa lang kaming nakaupo maliban kay warren na di napigilang matulog.
"Tabi yata kami ni sir matulog kskskskksks" kinikilig na bulong ni Andi.
Dali dali kong sinilip ang lalaking pinag usapan, nakatitig lang ito sa harap na tila malalim ang inisip.
"Sandali pre, yung kamay kooo" napalingon ako sa lalaking nagsasalita na nasa kanang bahagi. Kapansin pansing naipit ang kamay nito sa pagkakahiga ni Warren.
Pero tila yatang sobrang himbing ng tulog nito kaya nahihirapang tanggalin yung naipit na daliri.
Napagpasyahan ko itong tulungan na ilapit ng kaonti sa gawi ko si warren.
Ilang sandali pay nakahinga ito ng maluwag.
"Hayys sa wakas, salamat Catherine" Wika nito sakin
Nagulat pa ako ng alam nito ang sarili kong pangalan.
"Pano mo alam name ko?"
"Ha? Pinakilala ka samin kanina. Nakalimutan mo?" Paliwanag nito sakin.
"Hindi ah, akala ko kasi mahirap kabisaduhin."
sagot ko rito sana maniwala.
"Hmm siguro di mo alam name ko no?" Patuloy pa nitong tanong sakin.
Agad akong napalunok nung natugma nito na hindi ko nga maalala ang sariling pangalan.
"Sorry, ano nga name mo ulit?"
"Tulog na" biglang bulong ni Andi sa kaliwa dahilan para lumingon ako.
"Ha?" Tanong ko rito habang nilingon ang katabi.
"San si sir?"
"Aysus hinanap talaga, ayun tinawag yata ni Mother Earth"
"Sige na nga, bukas nalang Catherine" agad na wika ng kaibigan ni Warren.
Hindi ko nalang din sinagot nung humiga na ito katabi ang kaibigan.