Chapter 26
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Kalalapag lamang ng eroplanong sinakyan ni Ace.
Hindi alam ng magulang niya at ni Alex na umuwi na siya ngayon.
Papalabas na si Ace ng arrival area ng may bumati sa kanya.
"Ace, kamusta ikaw ba'yan?"
Napalingon si Ace sa nagsalita mula sa kanyang likuran.
"Tito, Ako nga," ang ama ni Mariz ito.
"What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo? Muntik na kitang hindi na kilala ah, where you have been?"
"Sa Florida, Tito."
"Lumayo ka, after na maisalba ang company mo why?"
"It's a long story Tito, sinong sinusundo mo rito, Tito?"
"Si Mariz, galing ng Paris kasama ng asawa niya."
"What? She get married already, ang bilis, Tito."
"Because you rejected my offer, nong una hindi niya matanggap ito she try to committed suicide, tatalon siya sa ilog pasig pero may umawat sa kanya na isang lalake, and that man became his husband now."
Napangiti si Ace."Yan ang tinatawag nilang destiny, Tito."
"You right Ace, ang atin buhay hindi natin alam what gonna happened next."
"Yeah, Tito, paano pakisabi na lang kay Mariz, na congrats both of them."
"Makakarating Ace," may ngiting turan ng ginoo.
"Alex, Apo, kailan ba ang opening ng restaurant ng Ate mo?"
"La, bukas nang umaga kaya ngayon palang puwede na tayong pumunta roon."
"Oh, sige at ako'y maghahanda ng gamit namin ng Lolo mo."
"Sige po La, rito lang ako sa sala."
Mamaya may nagdoorbell."Sino naman kaya 'yan?" hinayaan lamang ni Alex ito may kasambahay silang magbubukas.
"Wala bang tao?" si Ace.
Muling pinindot niya ang doorbell ng ilang beses.
"Wala ba siya?" ang kasambahay nila ang tinutukoy ni Alex tumayo siya tinungo ang pinto palabas.
Binuksan niya ang small gate sumilip sa labas."Daddy?" nagulat siya ng makita ang ama.
"Alex, kamusta kana?"
"Dad." Lumapit ito sa ama at yumakap.
"Pasok muna tayo, Alex."
Kumalas ito sa pagkayakap sa ama.
"Sina Lolo at Lola mo?"
"Nasa loob Dad, matutuwa sila pagnakita ka nila."
Pagpasok nila sa loob ng bahay."La, Lo, look who's back," sigaw ni Alex.
Kaagad naman na lumabas ang mag asawa."Ace, hijo," ika nila.
"Ma, Papa."
Bumaba ang mag asawa yumakap sila kanilang anak.
"Miss na miss ka namin hijo, mabuti naman at bumalik kana."
"I decided to come home para itama ang nagawa ko, Ma."
Napangiti si Alex dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ama gusto niyang sila ng kanyang Ate ang mag katuluyan not that Lance.
"That's good hijo, gusto sana kitang tawagan na umuwi na para ikaw ang mag manage muli sa company I'm old already, hijo saka hindi na ako malakas katulad ng dati."
"I do that, Pa, I'm back."
"Daddy, pinabayaan mo ang iyon sarili ah, ang payat mo."
"Yeah, pagdating ko sa Florida, I'm so empty, feeling nothing. I don't know what to do. At ang puso at isipan ko naiwan dito sa Pilipinas."
"We know that hijo, wait are you hungry?"
"No, Ma, I need to rest."
"Okay go, hijo."
Nang tumalikod na si Ace."La, sasabihin ba natin kay Dad, about sa opening ng restaurant nila Ate," bulong nito.
"You want tell to your, Dad, go."
Okay, La, Dad, wait," pigil niya sa ama na paakyat sa hagdan.
"Ano iyong, Alex?"
Napatingin muna ito sa lolo at lola niya tumango ang dalawa.
"Dad, you want to come with us?"
"Saan ba kayo pupunta?"
"Sa opening ng restaurant ni..." huminto muna ito.
"Kanino?"
"Ni Ate Lynne, Dad."
"Really, she had?"
"Yeah Dad, sila ni Tito Lance, pala."
"Kayo na lang, I'm tired," umakyat na siya.
"Daddy, if you chance your mind bukas ang opening sa Nueva Vizcaya, 8 am, ngayon na kami pupunta nila Lolo at Lola," sigaw nito.
Lumingon si Ace."Go mag ingat kayo ha," aniya.
"Okay, Dad, ayaw niya Lolo, La."
"Hayaan muna natin siya Apo, so ready kana?"
"Yes, La."
"Kung ganon let's go.”
Pagpasok ni Ace sa kanyang silid hindi siya mapakali iniisip niya ang sinabi ni Alex. Kaso nga lang magkasama pala sina Lance at Lynne.
"Nagpatayo pala siya ng restaurant niya o sila pala good for her, masarap siyang magluto."
Humiga siya sa kanyang kama, nanumbalik sa isipan niya ng magkatabi sila ni Lynne matulog.
"I miss you so much, Lynne, sila na kaya?" aniya.
Napaupo siya bigla ng may naalala."Opening nila bukas. I said to Lynne, I tasted her cooking. I'm the first one to eat sa restaurant na ipapatayo niya ngayon meron na."
Tumayo siya pumasok sa banyo naligo naglinis ng mukha kahit na payat siya kita pa rin ang kanyang gandang lalaki.
Bumaba na siya he drive his car patungo ng Nueva Vizcaya.
Madaling araw ng makarating si Ace sa Nueva Vizcaya hinanap niya ang restaurant nila Lynne.
Madali lamang niya nakita ito dahil nasa national highway.
Ipinarada niya ang kanyang kotse sa medyo malayo rito para walang makapansin sa kanya.
Sa kanyang kotse na lamang niya hintayin ang umaga.
Four am nasa restaurant na sina Lynne, Maan, at Lance para ayusin ang lahat.
"Kinakabahan ako sobra at the same time excited narin."
"Well, ganyan talaga pag opening ng isang new business, kaya good luck sa iyo, Lynne."
"Lance, bakit ako lang ikaw rin at si Maan, kasi tayo ang nagpagod dito sa restaurant ano ka ba."
"Tama si Lynne, Lance, ako rin kinakabahan, iniisip ko tuloy kung may tao bang kakain ngayon?"
"Of course meron iyan, don't think negative always positive okay kaya go-go-go." Panpalakas loob ni Lance sa dalawang babae.
"Hay kaba-kaba go away," si Maan.
Eight am marami ng tao sa labas ng restaurant naroon sina Alex at ng lolo at lola niya.
Walang pang isang minuto nag umpisa na ang cutting ribbon.
Lumabas sina Lynne sobrang alalay ni Lance sa dalaga hawak pa niya ang siko nito.
Kitang-kita ni Ace ito nakadama siya ng kirot sa kanyang puso.
"She's more beautiful now, hiyang siya sa pag-aalaga ni Lance," naisatinig ni Ace.
Pinapapood niya ang nangyayaring cutting ribbon nila Lynne at Lance na parehong may ngiti sa labi nila. He can see how happy they are parang gusto niyang umatras na pumasok sa loob.
Nang matapos ang pagputol nila sa ribbon."Congratulations, Lynne," turan ni Lance niyakap niya ang dalaga at hinalikan sa pisngi hindi naman tumutol ang dalaga sa ginawa nito dahil nga maraming tao.
"Damn, kay sakit pala lalo pa'at nakita ko," ani Ace.
Pumasok na lahat ng tao sa loob at marami pang nagsisipagdatingan.
Nag palipas muna ng ilang sandali si Ace bago niya ipinasyang bumaba na sa kanyang kotse.
Busy sina Lynne, Lance, Maan, sa pag aasikaso sa mga costumers nila.
Bawat table na pupuntahan nila."Enjoy your food ma'am, sir," anila.
Nang dumako sila sa lamesa nila Alex.
"Ate, congratulations, Tito Lance, Ate Maan," bati ni Alex.
"Thank you, Carlo," panabay na turan nila.
Bumaba na si Ace sa kanyang kotse tinungo na niya ang restaurant ng nasa may pinto na siya nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
"Tita, Tito, enjoy your food," sabi ni Lance sa mag asawa.
"I'm really enjoying Lance, masarap ang recipes ni Lynne, na iiba sa mga natikman kung mga pagkain."
"Thank you, po." may ngiting turan ni Lynne.
Nakaharap si Alex sa may pinto kaya kita niya kung sino ang papasok sa loob.
Nang bumukas ang pinto."La, Lo, si Daddy, narito siya?" aniya.
Napalingon tuloy silang lahat sa may pinto.