Chapter 17

KABADONG-KABADO SI Lynne dahil sa silid ni Ace sila nagtungo.

Nararamdaman ni Ace ito."Sweetheart, relax okay, don't worry wala tayong gagawin may ipapakita lamang ako sa iyo."

Binuksan ni Ace ang pinto ng kanyang silid nasa bukana palang sila nanunuot na sa ilong ni Lynne ang pang lalaking amoy nito.

Nang nakapasok na sila sa loob."My room."

Iginala ni Lynne ang paningin sa kabuuan ng silid hindi makalat ito nasa ayos ang lahat.

"Sweetheart, seat down on the bed."

Tumalima si Lynne pag upo niya sa kama. Nasigaw siya sabay tayo pa.

"Sweetheart, bakit?" nagtatakang dinaluhan ni Ace ito.

"Iyan kama mo parang kumukunoy lumulubog ako."

Napangiti si Ace."Sweetheart, water bed siya kaya ganon ang pakiramdam mo."

"May ganyang na palang tulugang ngayon?" Masasabi ni Lynne na pinaglumaan na talaga siya ng panahon.

"Yes, Sweetheart, try to lay down. It has the effect of making you feel as though na natutulog ka sa ibabaw ng tubig. "

Umiling si Lynne.

"Just try it, sweetheart, para alam mo paano kung mag asawa na tayo diyan ka narin matutulog di ba?"

Napalunok ng wala so Lynne sa tinuran ni Ace na kung mag asawa na sila. Meant nasa isipan na nito napakasalan na siya. Ganon ba siya kamahal ni Ace?

Umupo si Ace sa kama nakatayo lamang si Lynne inabot nito ang kamay dito.

Atubili si Lynne na abutin ito."Sweetheart, come."

Inabot narin niya ang kamay dito.

Dahan-dahan na umupo si Lynne na isip tuloy niya na sobrang tanga niya sa harapan ni Ace.

Napangiti si Ace sa pagkat kitang-kita niya ang kainosentehan ng dalaga. And he like it so much.

Nang makaupo na si Lynne napahawak siya kay Ace ng maramdaman niya ang kanyang paglubog. And she control herself para hindi siya malubog ng husto.

"Sweetheart, just relax huwag mong dalhin ang bigat mo let's it go."

Napangiti ng kimi si Lynne."Nakakahiya sa iyo napakaignorante ko."

"Well lahat naman tayo minsan we're ignorance pag hindi natin alam ang isang bagay na nasa paligid natin. Ngayon sweetheart anong pakiramdam mo?"

"Pakiramdam ko nasa ibabaw nga ako ng tubig parang magic."

Humiga si Ace kaya gumalaw ang kama,"Ay!" sigaw ni Lynne.

Kinabig ni Ace ang baywang ni Lynne at inihiga sa kanyang tabi.

Tumagilid paharap si Ace sa dalaga. At hinaplos ang pisngi nito.

"Mahal na mahal kita, sweetheart, and don't put it on your mind na nagbibiro lamang ako dahil we met not long ago. I feel that I met you a long time ago and I was already in love with you."

"Mahal din kita, kung ano ang nadarama mo ganon din ako."

Dahil sa sinabi nito biglang bumaba ang mukha ni Ace at sinakop ang labi nito.

Walang pagtutol si Lynne bagkus tinungon niya ang maalab na halik nito.

Pumang-ibabaw si Ace sa kanya at ramdam ni Lynne ang namumukol sa may puson niya kaya bigla siyang natauhan.

Itinulak niya ito doon natauhan si Ace."Sorry, sweetheart, hindi ako nakapagpigil.”

kiming ngiti ang tungong ni Lynne.

Nakaramdam ng ng kunting pagkadismaya si Ace siyempre nabitin siya. Pero hindi niya pinahalata sa dalaga. Ngayon masasabi niyang wala pa itong karanasan about sexual.

"Nasaan na pala ang ipapakita mo sa akin, Ace."

"Sweetheart, I told you don't call my name dahil sa pag tawag mo sa akin sa pangalan ko I kiss you at muntik na akong makalimot mabuti na lang you control yourself, but now I scape to kiss you. If I kiss you again kahit na pigilan mo pa ako I won't allow it."

Tumayo si Ace tinungo ang drawer ng cabinet niya.

Nang makuha ang nais muli siyang lumapit siya kay Lynne at inabot ang nakuha.

"Para saan ito, Ac... sweetheart?"

"Look at it."

Isang lampin ang ibinigay ni Ace dito.

Ibinuka ni Lynne ang tupi nito at tumambat sa kanyang paningin."Carlo San Pedro," basa niya.

"So, what do you think, sweetheart?"

Napaluha na si Lynne niyakap ang lampin. At siya'y napahagulgul.

Umupo sa tabi niya si Ace at kinabig ito payakap.

Alam niya kung ano ang nararamdaman ng dalaga. Hinayaan lamang niya ito.

Nang okay na si Lynne."Gusto ko siyang mayakap?"

"Bukas na lang, sweetheart he's already sleep right now."

Tumango si Lynne."Kayo ang nakapulot sa kanya?"

Tumango si Ace.

"Paano nangyari iyon?"

"I tell you what happened that night, sweetheart."

"Sige makikinig ako."

Ginagap muna ni Ace ang palad ni Lynne."Pabalik na kami ng Manila. That day, my parents and my wife, who was eight months pregnant at the time, were with me, galing kami ng Isabela. Hindi namin akalain na manganganak na pala siya. Nasa daan na kami madaling araw na ng paakyat na kami ng Sta fe may na ilawan ako sabi ko kay mommy, parang tao and bumaba ako para tignan it's a baby nga madilim sa kalsada na iyon wala akong nakita na ibang tao maliban sa baby. Bumalik ako sa kotse ang asawa ko bigla na lang sumigaw nananakit na pala ang tiyan niya, I said to my mother paano ang baby na dala ko? Sabi ni mommy no choice kundi kunin namin ito baka ma paano pa, my wife said sobrang sakit na ng nararamdaman niya, sabi ko maghanap kami ng hospital na malapit I turn back my car patungo sa Bambang dahil hindi ko alam kung na saan ang hospital nag paikot-ikot ng may makita akong tao I asking him where there hospital. Sagot niya nasa Bayombong kaya agad kung pinaharurot ang kotse ko. My wife is shouting because she feels so painful. When we reach the hospital, hinang-hina na siya and she couldn't make it. She died.," huminto muna siya Ace sa pagsasalita napabuntong-hininga siya ng malalim sa pagkaalala niya sa nakaraan.

"Ang baby ninyo?"

Tumingin muna si Ace kay Lynne.

"He's still alive, but he died after an hour, according to the doctor mahina rin ito at kulang pa sa buwan sabi ko save him, pero wala ng nagawa pa ang doctor. Si mommy umiiyak habang karga niya ang baby na nakuha namin sa daan napatingin ako dito I said to myself siya ba ang kapalit ng mag ina ko, then bumalik na kami ng Manila. Pagkatapos ng libing ng mag ina ko ang baby na napulot namin pinatala kung kambal sila ng anak ko. Ang lampin na 'yan siyang nakabalot sa baby."

"Kapatid ko nga siya, kahit bata pa ako noong na

alala ko na nilalagyan ni nanay ng burda ang mga lampin ni Carlo."

"So, what's your plans now, sweetheart?"

"Alam ba niya na ampon mo lamang siya?"

"No, pero nararamdaman niyang hindi ko siya anak, kukunin mo ba siya sa amin?" deretsong tanong ni Ace.

Hindi nakaimik si Lynne.

Lumapit si Ace sa dalaga at niyakap ito."If you want to take him, that's fine; I'll tell him the truth. At kakausapin ko rin sina Mama at Papa."

"Ganon na lang ba sa iyo kadali na ibalik si Carlo sa akin? Inalagaan mo siya sa matagal na panahon."

"I love him, sa puso ko siya ang anak ko, pero hindi siya galing sa amin, sweetheart. You said na namatay ang magulang sa paghahanap sa kanya then, bigyan mo sila ng kapayapaan bring him with you."

Litong-lito ang isipan ni Lynne sa sandaling iyon, at ang kanyang luha patuloy sa pag agos.

"Whatever you say, sweetheart, I will follow. But if you can't think right now, then take your time okay."

Napapikit at napabuntong-hininga ng malalim si Lynne."Hindi ko siya kukunin sa inyo." sabi niya.

Ace looked at her."Why, sweetheart?"

"Dahil he's in a good hands maganda ang buhay niya sa inyo may isa lang akong hiling sa iyo, sweetheart."

"Ano 'yon, sweetheart?"

"Nangako ako sa magulang na isasama ko si Carlo, sa akin pagbalik sa kanilang puntod."

"Of course you can. Tomorrow I will tell him that you're his sister."

"Sana matanggap niya ang totoo."

"Alex or Carlo is a good person malaki na siya i think matatanggap niya ito.

"Sana nga." Yumakap ng mahigpit si Lynne sa binata.

"Thank you sa pag-aalaga ninyo sa kanya ng mabuti, sweetheart."

"Ginawa lang namin ang dapat, sweetheart so, ihahatid na kita sa inyo."

"Puwede ba na dito na lang ako matulog para bukas makita ko siya."

"My bed is big puwedeng-puwede, sweetheart."

"Hmp, makikitulog lang po ako."

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Ace.

"Let's sleep na," anyaya na niya.

"Sige pero mag banyo muna ako."

"Gusto mong mag shower muna, sweetheart?"

Tumango si Lynne.

"I get you my t-shirt muna okay go to the bathroom now my mga towel doon just take it."

Pumasok na si Lynne sa banyo.

Hinayaan muna ni Ace na matapos si Lynne saka siya kumatok sa pinto para iabot ang t-shirt niya.