Chapter 63 - Duo.2
Lavandeir's POV
"Stop smiling alone Lav. You look insane."
Nawala agad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Nilingon ko ang paligid at hinanap kung may CCTV camera ba rito. At tama nga ako, meron nga. Kaya pala nalaman niya ang ginagawa ko ngayon.
Sinimangutan ko siya kaya narinig ko ang mahina niyang tawa. Simula n'ong araw na iyon, ngumingiti na siya sa akin at tumatawa pa.
"Blow a kiss to the camera for me woman," utos pa niya na mas lalong nagpasimangot sa akin.
"Hindi ito kasali sa plano!"
"But still. I'd like to see my girl doing it."
Nagawa pa niyang makipagbiruan sa mga oras na ito eh any moment baka mabuking na kami. Kahit 'di ko siya nakikita, alam kong nakangisi siya ngayon. Parang ang tuwa pa niya sa kanyang ginagawa.
"Elites coming your way! Be careful!" nag-iba bigla ang tono ng boses niya. Bumalik ulit ito sa pagiging emotionless pero kalmado. Hina-hack niya kasi ang system ng ECU. May alam na siya sa ganito, pero tinutulungan naman siya ni Ethird sa pagha-hack.
Nag-focus ulit naman ako. "Copy!"
"Di ko akalaing gan'to sila kabilis kumilos!"
"That's how they are. You can do it!"
Tinanggal ko kaagad ang earpiece ko tsaka tinapon sa malayo. Kinalma ko ang sarili tsaka parang wala lang kung bumaba sa second floor. As if 'di ko alam na huhulihin nila ako ngayon.
Nagsilabasan ang mga estudyante at pinagtitinginan nila ako. Isa pa, ngayon ko lang ulit nakita ang mga estudyanteng alagad ng Elites. Dati akala ko isa lang silang mga utusan pero kabilang pala sila sa Yumi mafia. Nalaman ko kasi 'yong iba sa kanila ay ang mga nagmamasid sa akin noon. Nahuli ko rin silang pinagmamasdan ang Black Chili.
Papunta sila sa akin kaya ako na ang huminto. 'Di tulad ng dati na umaatras ako at tumatakbo kapag nandiyan na sila. Nakatayo lang ako at hindi inalis ang paningin sa kanila. Rinig ko na naman ang mga walang kwentang bulungan ng ibang estudyante na nakatingin sa 'kin.
Nakita ko sa likuran nila ang ibang Elites. In-expect kong nandito si Jax pero wala siya pati na si Reid at Kei. Si Clent at Kim naman, tulad ng pinakita nilang expression kanina ay gan'on din ang expression nila ngayon. Nakatitig sila sa akin na parang may gusto silang sabihin.
Si Justine nakakunot ang noo habang naka-crossed arms. Tinitigan ko siya at unti-unti siyang nginitian ng kakaiba.
"Well, may gana pa palang pumasok ang salarin," maarteng sabi ni Mia tsaka inirapan ako.
"Anong pinagsasabi mo?" pagkukunwaring 'di ko naintindihan ang sinabi niya. Pinagbibintangan nila ako ang may gawa ng sunog sa mini gym. Though plano ko naman talaga iyon.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Inutusan niya agad ang mga alagad nilang hulihin ako tsaka nilagyan ng posas ang dalawa kong kamay.
Nagpupumiglas naman ako kunwari at sinisipa ang mga alagad nila. Kahit nakaposas, nakaya kong labanan ang iba sa kanila. Hindi naman lumalaban ang mga Elites. Pinabayaan lang nila ang mga estudyante ang nakipaglaban sa 'kin. Hindi sila madaling labanan 'di dahil sa marami sila, kundi mas trained sila. Nasipa ko ang isa sa may tagiliran sa kanila tsaka nailagan ko ang isa sa may kanan. Nakakairita pa kasi natatakpan medyo ang paningin ko ng buhok ko. Ba't ba kasi 'di ko 'to tinali kanina?
"Argh!" agad akong napaluhod ng masuntok ako sa tiyan. Ramdam ko ang sobrang sakit sa bandang tiyan kaya napayuko ako at hinawakan ang parteng 'yon.
Part ito sa plano pero tsk! Ang sakit!
Hindi na ako nakipaglaban pa. Rinig na rinig ko pa ang tawa nina Mia na mas lalong nakapag-irita sa 'kin. Sinamaan ko siya nang tingin habang kinakaladkad ako ng mga minions nila.
Kahit papaano, umaayon naman sa plano. Lumaban ako para hindi sila maghinalang gusto kong sumama sa kanila. Nagpupumiglas pa kunwari. 'Di ba sila nagtataka na nagpalagay ako ng posas ng gan'on lang kadali?
Tiningnan ko ang wristwatch na bigay sa 'kin ni Ex. Tamang-tama lang sa oras. Exactly this time, tapos na siya sa kanyang ginagawa.
...
Third Person's POV
Kakarating lang ni Natasha sa ECU. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya dahil sa naging okay na sila ni Xian. Pinatawad na siya nito at humingi rin ito ng patawad sa kanya. Kuntento na muna siya sa pagiging okay nila. Kahit alam niyang walang feelings sa kanya si Xian, nagkakaroon na siya ng pag-asang mapaibig niya ang binata.
Mabilis niyang nilakad ang building ng commerce para makita agad si Lavandeir. Masaya siya ngayon at hanggang ngayon, 'di pa rin mawala ang kilig na nararamdaman niya.
'The hell Xian! You're making me crazy!'
Who would've thought that she's falling for her enemy? This is why she doesn't like falling, it's making her crazy and obsessed.
Nawala ang ngiti niya nang makita ang mga estudyanteng nagkukumpulan pagkarating niya sa second floor. Nakita na lang niyang hawak-hawak na ng mga estudyante si Lavandeir at kinakaladkad pa ito habang nakaposas.
Kumunot agad ang noo niya at nagsalubong ang kilay nang makita niya ang nangyari. Bumuo na naman ang kanyang galit at lalapitan na sana ito nang may humawak sa braso niya nang mahigpit. Inis niyang nilingon ito pero si Kevin lang pala, kasama nito si Veign. Hinihingal pa ang mga ito sa kakatakbo papunta rito.
"What the fuck is happening?"
"We're already expecting this. Just didn't thought they're this fast!" hindi niya naintindihan ang sinabi ni Veign. Nilingon niya si Kevin kaya ito na mismo ang nagpaliwanag.
"Pinagsususpetyahan pa rin siya ng mga Elites as L. Mukhang tatanungin siya ng mga ito. Hindi ko nga alam kung ba't pumasok pa siya ngayon. Sumang-ayon kasi si leader na papasukin siya. Look what happened!"
"What? So where's insan?"
"We don't know. Basta-basta lang siyang umalis kanina. Paglingon namin, wala na siya!"
"Tangina! Let's just help Vanvan first!"
Agad nilang nilapitan ang mga Elites at ang mga estudyante. Susugod na sana si Natasha nang napalingon si Lavandeir kay Veign. Nakasalubong niya ang tingin nito at tsaka umiling sa kanya. Napakunot ang noo ni Veign pero naiintindihan niya ang ibig sabihin nito. Nagtataka man siya sa kilos ng dalaga pero sinunod niya ang gusto nito.
Hinawakan niya ang braso ni Natasha para pigilan sa pagsugod. "Don't! She don't want us to interfere!"
"What the fuck Veign!"
"Just let her!"
"Bakit naman? Baka saktan na naman siya ng mga walangya!"
"We knew that she can fight now but what the hell is she thinking?" inis na sabi ni Natasha tsaka ginulo ang buhok. Ramdam niyang pinagtitinginan siya ng mga estudyante kaya binalingan niya ito ng masamang tingin. "Pinagtitingin niyo diyan! D'you want me to pull that fucking eyeballs of yours?"
Agad namang nag-iwas ng tingin ang mga estudyante.
Nawala sa paningin nila sina Lavandeir nang tuluyan na itong umalis. Hindi naman mapakali ang isip ni Veign. 'What was she thinking? Damn!' Sobrang pag-aalala sa dalaga ang nararamdaman niya ngayon.
Habang busy pa ang mga estudyante sa pinag-uusapan nila tungkol sa nangyari, napag-isipan ng tatlo na hanapin ang leader nila. Tinry ding tawagan ni Natasha pero cannot be reached ito.
Habang naglalakad sa ground floor, may biglang mga papel na nagsibagsakan sa sahig mula sa rooftop. Nagkagulo naman ang mga estudyante at pinulot ang mga ito para tingnan. Pumulot na rin sina Natasha at binasa ang nakalagay dito.
'I AM BACK! - L'
Agad silang tumingala sa rooftop para tingnan kung sino ang may gawa nito. Nakita nila ang mga taong nakasuot ng black plain mask ang naghuhulog ng mga iyon. May mga babae pa at may mga lalaki. Parang mga estudyante lang ng ECU.
"Look!" sigaw ng isang estudyante na malapit sa kanila at tinuro ang kabilang building. Pati na rin sa ibang building. May mga taong naka-mask din ang naghuhulog ng papel na 'yon.
"Do you think sila Kendrick ang may gawa nito?" mahinang tanong ni Kevin. Wala namang sinagot sina Natasha kasi naka-focus lang sila sa rooftop.
"Kung si loser si L? Who's doing this when in fact she's with Elites?"
"Pinlano na ba niya ito?"
"Pero hawak-hawak na siya ng Elites."
"Sabi ko na nga ba! Loser is not L! She's still weak for me."
"Wait who's that guy?"
Dinig na dinig nina Natasha ang usapan ng mga estudyante kaya pati sila napatingin sa tinuro ng isa. Isang lalaking naka-hood at naka-maskara rin na itim. Naka-cap ito at nakapatong sa fence ng rooftop. Alam nilang lalaki iyon dahil na rin sa tindig nito. Hindi nila makilala ang lalaki pero familiar sa kanila ang tindig nito.
Nagsimula itong lumakad sa fence na parang hindi man lang ito natatakot na mahulog. Ilang sandal lang ay umalis na ito kasama na ang mga taong naka-black mask.
Dahil sa nangyari, nagkakagulo ang mga estudyante at nakaramdam ng pangamba nang malaman nilang bumalik na si L.
...
Nang umalis na si Lavandeir sa classroom nila, naiwang naguguluhan ang mga kaklase niya. Nangangamba naman si Abi na panoorin ang video na pinasa sa kanya ni Lavandeir. Dahil sa naging curious na siya rito, nanginginig niyang tiningnan ang video. At nang i-play niya iyon, nanghihina siya sabay nabitawan ang phone niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Isang sex video ng kanyang boyfriend at ng kaklase nilang si Adi.
Rinig na rinig ng lahat ang mga ungol ng mga ito nang patuloy na nag-play ang video. Natataranta naman ang boyfriend niya at si Adi nang tingnan din ng mga kaklase nila ang video na iyon.
"H-hindi namin s-sinasadya..." kinakabahan at napapaatras na sabi ni Adi nang binalingan siya ng masama na tingin ng mga kaklase nila.
Sinuntok naman ang boyfriend niya ng iba niyang kaibigang lalaki. Galit na galit ang mga ito sa boyfriend niya. Sobrang ingay sa loob ng classroom. Nagkakagulo ang lahat. Walang gustong umawat. Lahat nakikisali sa gulo...
Hanggang sa may isang kaklase nilang nakapansin ng black envelope sa sahig. Pinulot niya ito at binuksan. Dahil sa nakita niya sa loob ng envelope, agad siyang sumigaw para kunin ang atensyon ng mga kaklase nila.
"T-this i-is..."
Hindi na natuloy ang kanyang sasabihin nang napasinghap na lang siya sa kanyang mga nakita. Agad namang nagsilapitan ang iba niyang kaklase tsaka inagaw ang envelope. Kitang-kita nila ang napakaraming larawan n'on. Hindi lang ordinaryong larawan, kundi mga larawan ng mga tinatago nilang sekreto.
"So it's you? You're the one who told the principal about the exam papers that I stole?"
"I can't believe you put a drug on my drinks that night! How could you?"
"Walang hiya ka! Traydor kang babae ka!"
"You raped my sister! You bullshit!"
Puro mga nagsisigawan ang mga estudyante sa loob ng room na iyon. Nagsusuntukan at nagrarambulan. Nalaman ng lahat ang sekreto ng bawat isa.
Nagkakagulo... Sobrang gulo...
Lahat naman ng guro ay may urgent meeting na pinamumunuan ng mga nakakataas na rank ng paaralan kaya walang kahit isang guro ang pumasok para magklase. Sinadya ang meeting na iyon para magawa nang maayos nina Jax ang kanilang dapat gawin ngayon kay Lavandeir at para mahuli nila si L.
Nalaman naman iyon nina Ex kaya ito ang perfect timing na gawin din ang plano nila. Their goal right now isn't only to sabotage the plan of Elites and what Jax was planning... but to find out something bigger.
"It's from L!" sigaw ng isa sa kaklase nilang may hawak sa envelope. Dahil doon, natahimik ang lahat at muling napatingin sa kanya. Nanginginig siyang ipakita sa lahat ang isang papel na galing kay L.
"Come see me at this building's rooftop if you all want me to spare your lives. -L."
Puno ng pangamba at takot ang nararamdaman nila nang basahin nila ang letter. 'Yong iba nagdadalawang-isip pang pumunta kaso halos lahat ng lalaki ay nagsimula ng tumakbo palabas para puntahan ang rooftop. Of course, they still want to live... Sumunod naman ang iba kahit ayaw nila. Wala silang choice. Nakita kasi nila noon kung gaano ka-brutal si L.
Nang nasa rooftop na sila, nadatnan nila ang isang lalaking nakatalikod sa kanila. Nakasuot ito ng hoodie na black at nakapamulsa. Dahan-dahan naman itong lumingon sa kanila. They're expecting to see L's face but it was covered by a black mask and a black cap. Naglabas ito ng matalas na kutsilyo at nilalaro ito sa isang kamay niya, dahilan nang mas lalong nakaramdam ng pangamba ang mga estudyante at napaatras.
"I-ikaw ba si L?" nagmamalakas-loob na tanong ng isa.
Dahan-dahan itong lumapit sa kanila. Instead na tumango ito o sumagot ay itinaas lang nito ang laylayan ng jacket at t-shirt niya. Kitang-kita nila ang peklat sa may bandang gilid ng tiyan niya. Parang sinaksak ito ng matalim na kutsilyo. Sa ibabaw nito ay may tattoo na malaking letrang L.
"He's... He's really L!"
"I will spare your life if you obey me..." malamig at walang emosyong boses na narinig nila mula sa lalaking nagpakilalang L.
Tumango silang lahat. Agad nilang sinunod ang mg utos nito sa kanila. Sinuot nila ang mga black mask na nakahanda na at ang mga papel na dapat nilang i-distribute.
Nang pinagmamasdan ni Ex ang mga estudyanteng kaklase ni Lavandeir na ginagawa ang mg utos niya, napatingin siya sa relo.
'I'm done! Hope you're doing okay Lav. Tsk! I won't give mercy to that fucking asshole who punched her!'
Agad siyang umalis sa rooftop para gawin ang sunod na plano.
...