Chapter 9
"Ito Paulo oh!" Sabay abot ko sa kanya ng Tumblr niya ng nakarating ako sa harap niya, napalunok naman siya bago niya Ito nakuha.
Yiieee!
Nakatayo ako sa harapan niya kaya naman bahagyang nakatanga siya sakin.
"Pasensya kana doon kahapon ah! Akala ko kasi kung sino ka eh. Diba sayo yung baunan na y—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita.
"Namarih. Give that to him and put your chair behind me." Si Geo.
Napakunot naman ang noo ko at umiling ng umiling. Nakatayo na siya ngayon mula sa kinauupuan niya at seryusong nakatingin sa akin or kay Paulo ata.
"Namarih.." napasinghap naman ako.
Bakit ba ako biglang natakot sa kanya? Hala! Hala! Ang bossy ng boses niya eh!
Hinarap ko nalang ulit si Paulo. "Paulo sabay tayo lunch maya ah! Madami akong sasabihin sayo, byebye!" Sabi ko nalang tsaka dali-daling binuhat ang upuan ko papuntang tabi ng upuan ni Geo.
"Excuse me! Excuse me! Excuse me!" Napahagikhik nalang ako dahil sa nagreklamo sila.
"Geo! Doon ako eh may kasalanan ako kay Paulo, rememberrr?" Nanlalaking matang bulong ko sa kanya ng nasa harap na siya.
Pinaupo niya naman ako bigla kaya napadaing ako pero hindi niya naman nahalata.
"Look at your surroundings!" Mahinang singhal niya.
Unti-unti ko namang nilibot ang mga mata ko at doon ko lang napansin ang....
Masamang tingin sa akin ng lahat.
Nakakamatay na tingin ni Drey.
Naiinis at galit na tingin ni Thea.
At nagtatakang tingin ni Paulo habang nasa kamay padin ang Tumblr.
At higit sa lahat... ay ang nakakapanghinang malalamig na tingin ni Sen!.
Napalunok naman ako at tumingin ulit kay Geo, nasa bandang huli din kasi pwesto niya diba?
"Ehh ehh kasi ayaw ni Daddy na ilipat na akoo!" Mahinang bulong ko sa kanya.
Hindi man lang niya ako sinulyapan at sa libro lang ang tingin.
Kinalabit ko siya. "Bakit dito moko pina upo?" Tanong ko ulit. Pero no response lang.
Hindi ko nalang siya pinansin pero sakto namang nagsalita siya.
"I keep on doing dumb things since i met you, so just be with the flow! Ikaw na nga tinutulungan!" Napaatras naman ako sa mahinang singhal niya.
Ohh scaryy!
Inalog alog ko nalang ang ulo ko at tiningnan silang lahat na masamang nakatingin sa akin may iba din na masama ang tingin kay Geo at.... Paulo?
Oh noo! Nadamay ba sila?
Matamis akong ngumiti sa kanilang lahat at nag wave pa ng kamay. Subukan lang nila akong saktan ngayon nakajacket nga ako dahil sa mga sugat ko eh, napatingin ako kay Drey mas lalo akong ngumiti ng makita ko siya.
Para naman nila akong kakatayin ano mang oras. Nakangiti pa din ako sa kanila habang sila naman ay lalong nagalit ata at sumeryuso.
"BOLAGA!! WHOO! WHOO!" Biglang sigaw ko na ikinaatras ng iba sa kanila napa "omegedd" naman si Thea.
Hindi ko na napigilang tumawa nakahawak pa ako sa tyan ko.
" G-RABE," napatayo na ako at napahampas sa upuan ko dahil sa nakakatawa talaga.
"Grabe antapang tapang niyo eh tapos tapos g-ganun kayo magulat?" Hindi ko napigilang saad kasunod ng malakas ulit na pagtawa.
Ngunit napatigil lang ako ng bigla akong hilain ni Sen papunta sa harap nilang lahat, isinalya ako nito sa blackboard.
Napatigil naman ako sa tawa at kinunotan siya ng noo. Masama siyang nakatingin sakin, silang lahat naman eh.
Akmang tatayo na si Geo pero agad siyang tiningnan ng masama ni Sen kaya wala siyang nagawa kundi ang naiinis akong tingnan at bumalik sa pagkaupo.
Walang nagsalita kaya ako nalang.
"Hooy! Ikaw si Sen diba? Bakit?" Tanong ko kunwari.
Hindi naman ako natatakot, handa na ako dito noh.
"You really have the guts to come back here, even you already know what we can do to you." Walang emosyong sabi niya pero ramdam ko ang galit niya.
Sana all ramdam ahihihi madami dyan hindi ramdam ng gusto nila eh. Napahagikhik naman ako.
"Why are you laughing, you think i'm joking?." Seryuso pading saad niya. Umiling naman ako.
Hinarap ko siya bago tiningnan silang lahat at mas pumagitna.
"ANG SABI NG DADDY KO AY DITO NALANG AKO, DAHIL HINDI NA AKO PWEDENG LUMIPAT NG SCHOOL!! AT... WAG NIYO NA AKO SASAKTAN AT TANGGAPIN NALANG AKO KASII—.." pagpuputol ko sa sinabi ko.
"KASI??" chorus naman nilang tanong lahat.
Hindi ako sumagot.
"What the f*ck! Sa tingin mo natatakot kami sayo?!" Rinig kong sabi bigla ni Thea.
"Kasi ano?" Rinig ko namang tanong din Sen sa gilid ko.
Bahagya akong umikot at nagfliphair. Saktong pagharap ko sa kanila ay sumagot ako.
"Because my father is a policeman!" Sabay flip hair at ikot ulit.
"Your father is a Policeman? Oh god, inaagawan mo lang ng line yung bata sa news!" Napairap na sabi ni Thea.
"Hala! Paano mo alam?!" Namamanghang tanong ko pero umirap lang siya ulit.
"Matanggal sana Mata mo! Pwii!" Nakangiwing saad ko pero mali at mukhang susugudin na nila akong lahat.
"Hindi kapa ba nadadala?" Napabaling ako ulit kay Sen na nagsalita.
Antagal naman ni Prof eh, baka mamaya ipiringan na naman nila ako.
"Hindi." Sagot ko.
"Abah! Matapang kana ngayon! Hindi pa ba sapat yung ginawa ko sayo kahapon ah?!" Rinig kong singit ni Drey.
Seryuso ko naman siyang tiningnan hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanilang lahat.
"Hindi pa iyon sapat kung inaakala mo." Direkta kong sagot sa kanya.
Ang kaninang nagrereklamong bibig at galit nilang mata ay parang biglang nagtaka.
Nagbubunyi tuloy ako sa loob ko, pero pinigilan ko talagang matawa.
"Ohh ohh ano?! Huh? Gusto mo dagdagan ko pa?! Patayin Kaya Kita! T*arantado ka!" Napatayo na sa kinauupuan niya si Drey pero mabilis itong hinawakan sa siko nung katabi niyang sina Blonde hair at blue hair.
Hindi ko pa din alam ang pangalan nila.
"Hindi pa iyon sapat Drey." Seryusong saad ko na mas ikinagalit niya.
"Hindi pa pala sapat! Sen ipaubay—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng pinutol ko siya at kumanta.
"Ayyy! Sapat na pala! ??'?????? ?? ??? ?????,♫
????????? ?????? ????-???, ♫
??'?????? ?? ??? ???????, ♫
???? ??? ???? ???????????...??? ??? ??? ??—arayy arayyy naman!" Biglang kung sigaw.
"Bat niyo ba ako nitapunan ng C2?!" Nakasimangot kong sigaw kay Drey at Sen dahil nasira ang kanta at pa hand actions ko dahil sa sabay nila akong tinapunan ng C2.
"Stop laughing!" Napapitlag naman ako sa biglaang pagsigaw ni Thea at ngayon ko lang narealize na lahat sila ay tawa ng tawa maliban nalang kay Drey na mukhang nandidiri, kay Sen na seryusong nakatingin sakin at kay Thea na mukhang inis na inis.
Napatigil naman agad sila sa pagtawa at galit na namang tumingin sakin.
"Pangit ng boses dre!"
"Pftt t*ngina pangit nga!"
"Wewws crush ka ata pre drey?"
"Panget ka na nga pangit pa boses mo!"
Napasimangot naman ako sa mga sinabi nila, Kaya ba sila tumawa kasi pangit yung kanta ko?
Nah! Talo ko pa kaya si Anne Curtis kumanta ng mga 2percent!
"Do you really think that we're joking?" Napatingin ulit ako kay Sen.
"Eh ano bang masama kong dito ako sa inyo? Di naman kayo inaano, tsaka sayo ba tong school? Eh yung room may pangalan at pirma mo ba?!" Nananantya kong saad sa kanya na mas lalong ikinadilim ng mukha niya.
"Don't you ever think that dahil malapit kana sa dalawa ay hindi ka na naman papatusin!" Mariin pero mahinang bulong niya na kami lang Ang nakakarinig.
Sino namang dalawa yun?