Chapter 10

"Sinong dalawa?!" Malakas kong tanong.

Pansin ko lang na kapag si Sen ang mag momomment tumatahimik silang lahat maliban lang kay Drey na parang may bulate sa pwet!.

I giggled, ehhh yakk bulate.

"Paulo and Geo."

Napasinghap naman ako."ohh sila ba? Mabait kaya sila, hindi mo nga ako binigyan ng pagkain kahapon eh alam mo na nanginginig ako sa gutom nun." Mahinang saad ko habang nakangusong nakatingin sa kanya.

Biglang umiba ang ekspresyon niya pero bumalik naman na agad Ito sa galit at seryuso.

"I don't care if you'll die because of starvation." Napangiwi naman ako. Grabe naman to wala man lang care. Siguro kulang siya sa pagmamahal.

"Kulang kaba sa pagmamahal ng mga magulang mo?!" Bigla kong tanong na ikinasinghap nilang lahat. Ayy! Napalakas ata tanong ko sa kanya. Peace.

Hindi naman kaagad siya nakasagot, nasa harapan pa din nila kaming lahat.

Sa halip ay si Thea ang sumagot sakin.

"Of course not! Pwede ba umalis ka nalang!" Nanggagalaiting sagot niya sakin.

"Hindi naman kita kainakausap.." mahinang saad ko. Napansin kong seryusong seryuso na ngayon ang mukha ni Sen at malalim na nakatingin sakin.

Hala! Kalmahan niya lang sana baka mahukay niya yung nakatagong kulangot ko sa ilong!

"Don't talk to her like that, you need to respect her." Nagulat naman ako sa biglaang pagsingit ni Paulo.

"Hindi naman kasi siya si Sen na tinatanong ko eh Paulo Dejas!" Mariin kong saad sa kanya tsaka nginisian siya. Napatingin ako kay Geo.

"Geo!" Napataas kilay naman siyang nakatingin sakin nag mouthed siya ng "what". "Tayo nalang maya kakain sa lunch ayaw ko na isama si Paulo!" Sigaw ko sa kanya. Napailing nalang siya.

"What?! No! Sa akin silang LAHAT sasabay!" Ayy grabe naman makasabi si Thea. Baka boyfriend niya sila lahat tapos pang sampo si Paulo at pang eleven si Geo, ahihihi.

"Wala akong pakealam!" Sita ko sa kanya.

"Alam mo Thea para kang si Petonn yung alaga ko sa bahay." Sabi ko kasunod ng paghagikhik ko.

"Ews who's petonn?" Nandidiri niyang tanong habang nakaupo wala siyang katabi dahil bakante ang gilid niya na may bag niya at sa kabila naman bakante dahil nandito si Sen nakatayo sa gilid ko.

"Alaga ko, parehas na parehas kayo." Sabi ko ulit.

"How can you say that, maganda ba siya? Duh!" Oo naman talaga eh.

"Maganda din Naman," patango tango kong saad.

"Eh ano ba yung alaga mo?" Mabilis niyang tanong.

"Ahas." Ahihihihi nagulat naman siya at biglaang napatayo.

"Are you f*cking kidding me!!" Nanggagalaiti niyang saad, nakita ko na nakatingin sa kanya ngayon si Sen.

Eh?

"Hindi ako nagbibiro." Cool na sabi ko.

"Basta mamaya sasama sakin si Geo, kakain kami lunch!" Sabi ko pa ulit.

"No!!" Bilang sigaw niya tsaka susugod sana sakin pero mabilis akong umatras at hinawakan din naman siya ni Sen.

"He's not your!" Sigaw ko sa kanya pabalik.

"B*bo! Kulang ng "S"!" nanggagalaiti niya pa ding saad.

Napangiti naman ako. "Nasa sayo kasi eh..." Sabay hagikhik ko.

"Whattt?!" Naguguluhang saad niya. Ngumiti ako at sumagot.

"ahaS."

Nanggagalaiti na si Thea sa akin kaya palihim naman akong napabungisngis.

"You don't really know how to be afraid, huh?" Napabalik ang tingin ko kay Sen.

Pwi! Ang panget ng pangalan niya!

Mabilis akong umiling sa kanya. "Tsaka na ako matatakot sayo.... or sa inyo kapag....." Pinalibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. "Kapag natakot niyo na ang pinakamaangas kong Lolo!"

May pagmamayabang na saad ko. Naalala ko tuloy yung Lolo ko na sobrang angas, nasa probinsya sya ngayon bilid nga ako sa kanya eh kasi ang ligalig niya kahit palagi syang pinapagalitan ni Lola kasi andami niyang alagang kiti-kiti sa drum.

"Ano namang kinalaman ng Lolo mo?" Rinig kong saad ng Isa sa kanila.

"Ang Lolo ko ang pinakamaangas sa lugar namin! Huwag kayong magkakamali sa akin dahil isang tawag ko lang sa kanya, yari kayong lahat!" Nakapamaywang ko ng saad. Natawa naman silang lahat na ikinakunot ng noo ko.

Si Thea ay bumalik na sa pagkakaupo si Sen naman ay nakahalukipkip habang masamang nakatingin sa akin.

"SA tingin mo takot kami?! Uugod-ugod na yun !" Kasunod ng pagsalita at pagtawa ng nakakulay blonde na buhok ay ang pagtawa nilang lahat.

"P*utspa pre! Isang tadyak lang yun!"

"Oo nga, may ipangbabato nalang lanta pa."

Nanliit ang mga mata ko. "HooOoyy! Palibhasa hindi niyo pa siya kilala!" Sigaw ko sa kanila pero hindi ata sila nakinig.

Napangiwi ako ng maigaw ko ng malakas ang kamay ko at iyong likod ko. "Akala niyo ba nakalimutan ko yung ginawa niyo sakin?" Tumingin ako kay Drey. "Lalo na ikaw!"

"Oh bakit? Tama lang sayo yan, masyado kang nakakairita!" Sigaw naman niya pabalik.

"Akala mo din naman hindi ako gaganti sayo! Pipitsugin kalang naman ee siguro nga di kapa tuli.." humagikhik ako sa nasabi, narinig ko ang tawa ng Ilan sa kanila.

"Talaga bang sinusubukan mo ako??" Kalmadong saad naman niya.

Napasimangot ako ang tagal nung teacher namin ah!

"Sen kung hahayaan mo lang ako, ako na ang bahala sa babaeng yan..." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon.

Naramdaman ko naman ang pagtayo ng maayos ni Sen bago siya nagsalita.

"Hayaan muna natin siya," pagkatapos niyang sabihin iyon ay himalang tumahimik sila pero bahagyang nakangisi kasabay ng pagbalik sa upuan ni Sen. Naiwan akong nagtataka sa harapan nila ng tumingin naman ako kay Geo ay nakataas kilay Ito.

"Weh? Hindi niyo ako icucutter??" Manghang tanong ko.

"Bakit gusto mo?!" Hindi naman paawat na singhal ni Drey.

Sumimangot naman ako at napailing, hate ko talaga siya kasi bad siya.

Saktong paglingon ko sa pinto ay ang pagpasok naman ng teacher namin sa Science, iyon bang nabasag ni Drey yung loptop niya.

Seryusong naglakad siya palapit sa pwesto ko pero napatigil siya ng makita ako doon.

"What are you doing here?" Maayos na sabi niya.

"Good morning ho Sir. May ginawa lang po ako, sige sir!" Hehe, bigla akong nagulat ng may inabot sa aking papel si Sir.

"List there names on the paper and give it to me when you're done." Sunod na sinabi niya bago seryusong inilibot ang mga mata sa Tao sa room. Napansin kong huminto iyon kay Drey na bahagyang nakaiwas ang tingin.

Bakit kaya pagdating kay Sir eh nananahimik din sila, pati din kay Sen. Pero kapag kay Sir si Drey talaga yung iwas.

"Ayuko po Sir baka mamatay ako eh.." Kanda ngiwi kong saad dahil ayuko talaga.

"Don't you want to know there names too?" Sa nasabi ni Sir ay biglang nagspark ang mata ko.

Wow! Oo nga malalaman ko na yung pangalan nila at pwede ko na silang ipakulam sa kakilala kong si Aling Bebeng na mangkukulam!

"Sige po Sir ako nalang po. Pati po ba yung name ko sir?" Marahan siyang tumango at pumunta na sa unahang table.

Masama ang tinging ibinibigay nila sa akin pero wala naman yun sakin.

"Review your notes we'll be having a quiz after, I'll give you 15minutes to review." Rinig kong saad ulit ni Sir bago inilabas sa dalang bag ang isang MacBook.

Sana all yayamanin! Afford ko lang yung telelettelelet na selpon eh!

Nakangiting nagsimula akong maglista ng pangalan sa pinakaunang row.

Malalaman ko na din ang pangalan nila.