Chapter 8

Siguro kong tao lang siya alam kong kanina pa to umirap sakin.

Hinaplos haplos ko nalang ulit siya tiningnan ko ang kainan niya at nakita kong may tira pang isda doon. Nagdadiet talaga sya.

"Kanina Petonn, nitapunan ako ng upuan ako sa likod ko masakit nga eh." Pagsusumbong ko habang nakanguso, bahagya siyang gumalaw. "Tsaka sinugatan ako sa braso, ito oh yung kanina ba." Pagpapatuloy ko. Bahagya akong napagalaw ng unti-unti siyang gumapang papunta sa likod ko at dito nanatili.

Napangiti naman ako dahil medyo nawala ang sakit dahil sa pagdikit ng malamig na katawan niya.

Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa makauwi na pala sila Daddy. Namiss ko din kasi tong si Petonn dahil hindi ko siya madalas na puntahan.

Agad ko siyang inayos at nagpaalam na kahit wala naman siyang maisagot palagi, sinugurado ko ding lock ang silid niya bago iniwan.

Nagtungo ako sa kwarto ko at nagbihis ng jacket, dapat hindi malaman nila Dad ang nangyari sakin. Madilim na din sa labas pagsilip ko sa bintana.

Napabuntong hininga naman ako. Siguro tuwang-tuwa na yung mga unggoy sa Section D na yun.

Hinayaan ko nalang ang ibang subject ko kanina kasi papalipat na naman ako eh.

Agad akong lumabas at pumunta sa Kitchen ng marinig kong tinawag ako ni Mommy para kumain na. Alas syete na din pala, ang bilis talaga ng oras parang relasyon niyo.

"Mom, Dad." Tawag ko sa kanila at nagmano pagkatapos aya agad akong nagtungo sa upuan ko.

Tatlo kaming anak nila Daddy kaso nasa ibang bansa sila at ako lang dito yung naiwan. Bunso din kasi ako.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nakuha kong magsalita, masaganang kumain sila Mom na always naman pero ako ay hindi.

"Mommy, Daddy, " Nagtataka naman nila akong tiningnan.

"Yes/Anak?" Sabay nilang saad. Napakamot naman ako sa kilay ko.

"Ano po, lipat ako bukas ibang school. " Napangiwi naman sila.

"Bakit? May problema ba sa school mo na bago ngayon?" Tanong ni Mom tsaka tumingin kay Daddy na nakatingin lang sakin.

Sasabihin ko ba?

"A-ahm wala naman po, ayaw ko lang talaga doon, kaya lipat po ako bukas, Hehehe." Napangiwi ulit sila.

"Hindi na pwede." Nakatingin ako kay Dad.

"Bakit po?! " Saad ko, napataas naman ang kilay niya, suplado talaga si Dad buti gwapo siya kahit nasa 50's na.

"Kasi anak hindi kana tatanggapin ng ibang school kasi ilang beses ka ng naglipat lipat." Si Mom.

"At yung Seran University nalang ang last choice mo kaya hindi kana lilipat, Doon kana hanggang maka graduate, pumasok ka doon bukas at tapos ang usapan." Nanlumo naman ako sa idinugtong ni Dad.

Paano ba to? Kapag nagsabi siyang "tapos na ang usapan" ay talagang wala ka ng magagawa. Paano na to bukas?

"Bawal na ba talaga Po? ." Umaasang saad ko with kunwari hagikhik para umipek.

"Oo bawal na anak." Sagot ni Mommy.

Tumingin naman ako kay Dad. Umaasa.

"Nope, " Napanguso nalang ako.

"O, sige po." Bago ko itinuloy ang pagkain.

"Darling paki abot nung adobo. " Rinig kong saad ni Dad.

"Oh ito Mahal. Rinig kong saad ni Mom.

Napakamot ako sa kilay ko dahil parang may mali.

"Salamat Mahal ko. Si Dad.

"Your welcome Mahal. ." Sagot naman ng aking Ina.

"Mom, Dad. Okay lang ba kayo?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo anak, ." Nakangiting saad ni Daddy.

"Of course anak,." Saad din ni Mommy.

Napatango nalang ako kahit na parang may mali. Natapos kami sa pagkain at silang dalawa na daw ang magliligpit kaya nanood nalang ako ng TV sa sala at inirelax ang likod ko.

"Mahal! Pakikuha ng pamunas!" Napabaling ako kay Dad.

"Mahal catch!!" Napatayo na ako.

"Mom! Dad! Bakit kayo ?!" Naguguluhan kong tanong.

Nagulat naman ako ng inirapan nila akong dalawa tsaka nagtungo sa lababo.

." Napapadyak naman ako sa sahig dahil sa inakto nila.

Ewan ko ba at parang may saltik ang mga magulang ko. Hindi ko alam mukhang ako lang ang matino.

KINABUKASAN ay patuloy ko pading kinukulit si Dad. Kasi naman ehh! Ayaw ko ng bumalik doon hindi pa nga magaling ang mga sugat ko.

"Nope Namarih, halika na at ako ang maghahatid sayo." Napalaki naman ang mata ko.

"Hala! Hala! Wag na Daddy!" Hindi ko napigilang reaksyon.

Napataas naman ang kilay niya. "And why?" A-ah ehh ano namang sasabihin ko?

"Kasi daddy may nangbubully dun sakin!" Sagot ko nalang sa kanya, ayuko ngang sabihin yung totoong reason kasi ayuko na magalit sila.

Nope! Nope! Nope! I will not let that happened!.

"Anong ginagawa nila sayo anak?" Dad asked tapos hinawakan niya ako sa buhok ko. I giggled.

Kakatapos lang namin magbreakfast at papasukin na naman niya ako sa school. Hmp!

"They say masasakit na words sa akin Dad! And then ayun!" Napailing naman siya.

Hinaplos niya yung buhok ko. "If that happened again, tell us immediately, okay?" Nanlaki naman ang mata ko.

"Ililipat niyo na po ba ako kapag ganoon Daddy?!" Masayang saad ko ngunit napanguso ako ng bigla siyang umiling.

"I won't, Wala ka ng papasukan kong ganoon, kakausapin ko sila mismo." Saad nalang niya.

"Abah! Hindi pa kayo umaalis! Honey malalate na yang si Namarih!" Napanguso nalang ako lalo kapag umangat ang tingin ko para tingnan si Dad.

He mouthed let's go, kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko at binitbit.

Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng gate ng SERAN UNIVERSITY. Napabuntong hininga ako. Eeehh alam ko magagalit sila sa akin at mas lalo nila akong kaaawain nito. But ayaw ko naman suwayin sila Daddy!.

Oh no! Nasa trouble ka Namarih!

Pinagbuksan ako ni Dad ng pinto. Hinaplos niya ulit ang buhok ko. "My daughter, don't ever forget to control your self, understand?" Napatango tango naman ako.

"Aye aye captain!" Napangiti naman si Dad tsaka tuluyan ng umalis.

Napahawak naman ako sa baba ko at tumingin sa taas.

"Hmm what should I do?" Mahinang saad ko and wow! Napapaenglish na ako ah.

"Ahihihi I'm improvement!" Proud ko na saad sa sarili ko.

20minutes nalang at 8pm na wala pa naman akong dalang cellphone tanging bag at relo Lang, dala ko din yung baunan ni Geo at yung Tumblr ni Paulo.

Napakamot ako sa ulo ko. Nalilito ako sa kanila! Pero parehas lang naman silang animal! Joke lang.

"Hi manong guard! Musta?" Siga kong saad sa guard.

"Abah! Okay naman ako ineng, mukhang masaya ah?" Napakamot naman ako sa kilay ko.

Masaya? Oo nga eh masaya talaga ako lalo na mamaya.

"Oho eh.. ehh may dumaan naba dito na taga Section D? Alam niyo po ba iyon?" Aba! Nakuha ko pa talagang magtanong kahit na ako nalang ata ang estudyante sa labas.

"Abah! Oo ineng sino ba naman ang hindi makakakilala sa seksyon na iyon." Naiiling na saad niya.

"May dumaan na ineng halos lahat nga ata eh pati iyong babae." Napapatango tango naman ako.

"Ganun ba Manong guard? Ahihihi," mahinang saad ko.

"Abay! Pasok na ineng halos ikaw nalang ang estudyante dito."

"Hindi po ako estudyante manong guard!" Taas noo kong saad.

"Abay, ano naman pala ineng, nako nako!" Natutuwa niyang saad.

Ayy Sana all happy!.

"Student pa ako Manong guard! Bye! Bye!" Napahagikhik nalang ako sabay takbo papuntang room.

Madaming napapatingin sakin pero binabalewala ko lang sila. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng room ko ay humina ang hakbang ko at bahagyang nag tippy toe.

"HOOHh!" Napabuga ako ng hininga bago mabilis na tinulak ang pinto at pumasok sa loob at taas noong hinanap si Geo.

Ng makita ko siya ay taas noo ulit akong pumunta sa kinauupuan niya halata ang gulat at galit ngayon sa paligid ko.

Narinig ko pa ngang napa "omyghashh" si Thea eh.

Agad kong kinuha ang baunan ni Geo na nasa bag ko at ibinigay sa kanya iyon, halatang nagulat naman siya at napatulala pa habang nakatingin sakin. Binulungan ko nalang siya ng I love you—este Thank you pala. Hehehe.

Pagkatapos ko sa kanya ay hinanap naman ng mata ko si Mr. Dejas or si Paulo.

Ng makita ko siya ay napasinghap ako ng nakatingin din pala siya saki pero mukha ata siyang namamangha!

Aww! So-sorry talaga ako sa kanya ng madami mamaya, tapos yayayain ko silang dalawa ni Geo na maglunch kasama ako.

Binangga ko ang paa ni Thea na nakaharang sa daan ko, hmp! Balak niya pa akong patidin ah!