Chapter 7

"How's your back?" Napatingin naman ako kay Paulo.

"Ah medyo masakit pero okay na." Sagot ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa braso ko na may malaking band aid pati din ata ang likod ko dahil ginamot din ito ng nurse kanina akala ko nga magugulat sya dahil sa mga sugat ko pero para bang sanay na sanay na sya na makasalamuha ng ganoon.

"Tsaka nga pala salamat sa pagkain at tubig ah lalo na sa pagdala sakin dito Paulo." Baling ko ulit SA kanya, kanina pa kami dito sa clinic mga isang oras na din ata dahil natagalan din yung nurse sa paggamot sakin, palagay ko nga nairita sya eh kasi naglulumikot ako. Kasalanan ko ba kung masakit.

Nanatili lang syang nakatingin sakin habang nakasandal sa pinto.

"Pau—"

"Who told you that my name is Paulo?" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na naman niya ako at nagulat ako sa mga salitang binitawan niya.

"At hindi kita binigyan ng tubig, pagkain lang ang ibinigay ko." Napakunot noo akong tumingin sa kanya.

"H-huh?" Tinaasan niya naman ako ng kilay.

Napalunok ako.

"Eh ikaw yung nagbigay sakin ng Tumblr diba may lamang tubig, nabulunan na ako nun eh tas saktong may nagbigay ng tubig, diba sayo yun galing?" Naguguluhan niya naman akong tiningnan.

Nanatili lang siyang nakatingin sakin.

"Hindi sa akin galing yun, believe me or not." Seryusong sabi niya.

"Eh sayo nga yun Paulo! Kanino naman pala galing yun? Eh ayaw naman sakin ng mga kaklase mo." Saad ko.

"Baka si Paulo yung nagbigay ng tubig sayo."

"Oh edi ikaw nga!" Sigaw ko sa kanya. "Ikaw naman si Paulo eh!" Napairap ako. Hmp.

Natawa naman siya. Anong nakakatawa?

"Saan mo ba kasi nalaman yung pangalan na Paulo na yan at napagkamalan mo pang ako." Natatawang saad niya.

Dali-dali ko namang nilibot ang paningin ko at nakita ko ang bag ko sa mesa na malayo sakin. Buti nalang at dala niya.

"Ayun! Kunin mo bag ko, please." Nakangiti kong saad.

Napailing nalang siya saka niya Ito kinuha at binigay sakin, agad ko itong hinalungkat at kinuha ang lagayan ng tubig at inabot sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

"What should i do with this?" Nakangiwing saad niya.

Napakamot naman ako sa kilay ko at inayos ang pagkakasandal sa headboard ng kama.

"Tingnan mo yung takip ng Tumblr may nakalagay dyan na name, tsaka sayo yan diba??" Nagtataka niya naman itong tiningnan.

Eh sa kanya naman yan galing eh.

"PAULO. DJS," mahina niyang basa sa nakasulat sa takip nito. Napangiti naman ako.

"So ano Paulo salamat ah right timing ka talaga kanina kasi mabibilau—"

"I'm not Paulo. This is not mine." Naputol ang sasabihin ko sa sinabi niya.

"Huh? Paano?" Nagtataka ko ng tanong.

So ibig sabihin ibang tao ang nagbigay sakin ng tubig? At hindi siya si Paulo?

"I'm not Paulo, and i will never be Namarih." Madiin sabi niya na ikinalunok ko.

"E-eh sino ka, t-tsaka sino si Paulo n-na may-ari niyan?"

"I'm not Paulo cause my name is Geo." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Magsasalita na sana kaso inunahan niya naman ako na ikinagulat ko.

"The one who gave you this is..." Tsaka muli niyang tiningnan ang Tumblr ng tubig lalo na ang pangalang nakasulat doon. "It's specially from him." Tumingin siya ulit sakin. "Sino ang tumulong sayo kanina?" Sunod na tanong niya sakin.

Nagtataka ko naman siyang sinagot. "Y-yung si Mr. Dejas." sagot ko at inalala ang pagtanggal niya ng piring sakin kanina at pagpigil kay Drey na sugatan ako ulit.

"Actually. The one who give you this water is not me and it's him. The name written on this Tumblr is Mr. Dejas name, PAULO. DJS. Mr. Dejas full name is Paulo Samaniego Dejas." Tuloy-tuloy na saad niya.

Napatanga naman ako.

"So ibig mong sabihin sya si Paulo at hindi ikaw? Dahil ikaw si Geo?" Nagtataka Kong Tanong pero tumango lang siya.

Ang PAUPO. DJS pala na nakasulat sa Tumblr ay pangalan niya tsaka Dejas at DJS ay magkahawig nga at may kinuha lang na letters.

Napangiwi naman ako kaya pala sabi ni Sen kanina na tatawag nalang ako ng tulong hindi ko pa kilala.

Palihim akong napakagat sa labi ko tsaka tumingin sa kanya.

??????? ??

Palihim akong napakagat sa labi ko tsaka tumingin sa kanya.

"So that's why, when you call his name he immediately run into you and help you without thinking that Sen might be mad at him, I don't know too, nagtaka din ako sa nangyari. I think he knows that I give you food." Mahabang saad niya. Napayuko naman ako.

Nasigawan ko pa sya kanina, kung Hindi dahil sa kanya baka tuluyan na akong nabilaukan at napatay.

"I'm sorry Geo akala ko kasi eh ikaw yun, ayaw naman kasi sakin ng mga kaklase mo at ikaw lang—"

Agad akong naputol sa sasabihin ng bigla siyang magsalita.

"If you're thinking that i like you kaya kita binigyan ng pagkain then your wrong, like them? I don't like you too." Sabi niya tsaka binuksan ang pintuan pero bago pa sya makalabas ay may sinabi pa siya.

"And don't ever think again that I'm Paulo cause i already told you i will never be Paulo. Thank him for saving you." Huling sinabi niya tsaka iniwan na ako.

Nanlumo ako sa narinig ko, akala ko gusto niya ako kasi mabait siya sakin na gusto niya akong maging friend hindi gaya nina Drey at sen tsaka nung iba pa na ayaw sakin.

Napatampal naman ako sa noo ko.

"Si Paulo pala ay si Mr. Dejas na nabigay sakin ng tubig." Pagpapaliwanag ko sa sarili ko, buti nalang ako lang mag isa dito ngayon. "Tapos ang inakala kong si Paulo ay si Geo!" Napangiwi naman ako.

"Hahaysstt ang gulo talaga ng buhay ko." Napailing kong saad at pinilit na tumayo.

Pasasalamatan ko nalang si Paulo kapag nagkita kami ulit sa susunod, sa ngayon uuwi nalang muna ako. 2pm na din naman at hindi na ako babalik dito bukas, takot na ako at baka sa susunod gilitan na ako ng leeg lalo na ni Drey.

Napangiwi ako ng makaramdan ng kirot sa braso at likod ko.

"Siguro bukas abangan ko sa gate si Geo para ibalik yung baunan kasabay ng Tumblr ni Paulo at sulat ng pag t-thank you ko sa kanya." Mahinang bulong ko sa sarili.

Napabuga naman ako ng hangin ng makatayo ako ng maayos, agad kong sinuot ang bag ko at lumabas na sa clinic.

Marahan akong naglakad sa hallway patungong gate, pakikiusapan ko nalang yung Guard. Gusto ko sanang makita pa si Geo kaso mukhang umalis na siya at bumalik dun sa mga unggoy na kaklase niya.

Napanguso ako. Pagnakita ko sila sa susunod ipapatuklaw ko sila sa alaga ko.

Napahagikhik naman ako, sigurado matatakot sila lalo na si Thea. Mwhehehe.

Nang nakarating ako sa Guard ay mahaba haba pang pakiusap ang sinabi ko bago niya ako pinalabas ng tuluyan, syempre ginamitan ko siya ng charms ko.

Agad akong nag abang ng tricycle at ng may huminto ay agad akong sumakay dito at nagpahatid sa bahay, makalipas ang mga 20minutes ay nakarating na ako. Hindi pa nga makapaniwala ang driver ng dito ako nagpahatid eh akala niya siguro binudol ko siya na hindi ko bahay to.

Siguradong wala pang tao dito dahil nasa trabaho pa silang lahat. Napangiti naman ako at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Simple lang naman ang bahay namin mga limang buong plaza lang kung pagtatabihin ang laki.

Agad akong nanakbo papunta sa isang silid na nilock ko at hindi na ininda ang sakit sa katawan ko.

"Petonn?!" Agad kong tawag ng nakapasok ako sa kwarto at hinalughog ang mga kumot na nakakalat sa sahig.

Hinalughog ko ito ng hinalughog hanggang sa makita ang hanap ko.

"Ahah! Andito kalang pala ah!" Napapakagikhik na sabi ko.

"Hshshs." Napangiwi naman ako sa sagot niya at bahagyang nanginig ng bigla siyang umakyat sa braso ko.

"Wag dyan, alam mo inaway ako eh kaya ayan may sugat ako." Nagsusumbong kong saad sa kanya.

Bahagya kong naramdaman ang paggiling niya at ang paglipat sa kandungan ko tsaka doon tumambay.

"Buti pa siya marunong gumiling." Mahinang saad ko tsaka napanguso.

Hinaplos haplos ko naman siya.

"Alam mo ba Petonn noon para ka lang bulate na nasa tyan ko noong baby pa ako mwhehehe." Saad ko. Napataas naman ang kilay ko ng bahagya niyang iwinasiwas ang makintab at malamig na buntot niya.

Napailing nalang ako at inayos ang pwesto niya, kung noon bulate siya ngayon parang mahabang bote na sya ng C2, ang bigat-bigat niya na nga eh.

"Pasalamat ka kinuha kita doon sa bunganga nung malaking tuko. Savior mo talaga ako Petonn!" Napahagikhik kong saad.

Siguro kung tao lang to siya alam kong kanina pa to umirap sakin.