6: Unexpected Salute

IKINURAP- KURAP pa muna ni Alondra ang mga mata. Maganda, kulay krema na kisame ang nabungaran niya. Nang makasiguro siyang nagising siyang nasa isang hindi pamilyar sa kaniya na kuwarto siya ay balikwas siyang napabangon!

Argh! Naalala niya na...

Kaya nga pala wala siya sa inuupuhang kuwarto nila ng matalik niyang kaibigan na si Poks, natulog nga pala siya sa ibang bahay. Sa bahay ni Knight Zachary Winters.

Sa pagkaalala sa kaibigan ay hinanap niya ang cellphone niya sa kaniyang bag. Dapat niya 'tong makausap at siguradong nagtataka na 'yon at nagtatanong-tanong na kung saan siya natulog. Pero nakapag-iwan naman siya rito ng mensahe kagabi na hindi siya makakauwi. At least.

Isang ring lang ay kaagad naman na sumagot si Poks. "Oy, bruha, nasaan ka?" bungad nito sa kaniya.

"Sa bagong trabaho. Stay-in. Pasensya ka na, ngayon ko lang nasabi sa 'yo."

"Ha? Ang bilis ah, anong trabaho naman?"

"Tsimay," simpleng tugon niya sa kaibigan. "Ikaw na munang bahala sa mga gamit ko, Poks, kukunin ko siguro isa sa mga araw na 'to saka ko na lang ipapaliwanag sa 'yo ang tungkol sa trabahong napasukan ko ngayon."

"Oo nga e, gaga ka, lumayas ka pala sa tindahan ni tsekwa kahapon. Galit na galit!"

Napangiwi siya sa nagawang kabuktutan. "Anong sabi?"

"Sabi, 'sabihin mo, 'Ondra, 'wak na siya pakita sa tindahan. Wala na siya, ekis na siya.' natawa nga ako e, katagal na rito sa 'Pinas, hindi pa rin nakaapagsalita ng straight na Tagalog. 'Kalain mo."

Nagtawanan sila.

"Gago 'yong si Gerard e," aniya sa kaibigan pagkuwan.

Si Poks na ang kasa-kasama niya sa buhay buhat nang magkakilala sila sa vocational school na itinayo ng mayor ng lungsod noon. Ito na ang tumayong pamilya niya mula nang magkakilala sila at nagkapalagayan ng loob.

"Ay, oo, nabalitaan ko nga. 'Tsika mo na lang sa susunod, e, naku, baka maapektuhan pa ang bago mong kuracha dahil do'n."

"Hindi naman. Pero oo, sa susunod na lang. Pagkakuha ko ng mga damit ko."

Kaunting kumustahan lang, nagpaalam na rin siya rito. Gano'n naman sila nito, parang parati silang may silent agreement sa isa't-isa, kaunting salitaan 'to ay maaari niya munang ipagpaliban ang trabaho na napagkasunduan nila, ayaw niya pa rin na mag-aksaya ng oras. Kaya sisimulan na niya ang Oplan: Pabalikin si Gayle Hizon, na trabaho niya sa araw na 'to, mismo.

Sayang ang kalahating milyon, bes!

Kung ano ang gagawin niya sa pera ay hindi niya pa alam. Saka na niya iisipin 'pag hawak na niya.

Nasa ganoon siyang isipin nang siyasatin niya ang nag-iisang pinto na naroon sa k'warto na timulugan niya. Mukha namang banyo 'yon, nang sipatin niya ay oo nga.

Sa pagod siguro ni Knight at hindi na binanggit sa kaniya. Saka, hello, may banyo naman ang mga k'warto ng mayayaman, understood na dapat 'yon.

Nang makatapak sa banyo ay tumapat siya kaagad sa dutsa ng shower.

May pa-shower si mayor— este, ang kabalyero. May pasabon na rin do'n at shampoo, malalaking size pa. Samantalang sa bahay niya ay naka-sachet lang ang mga gamit niya, so, puwedeng-puwede na talaga ang trabahong 'to sa tulad niyang ngayon pa lang makakatikim ng tiles din na banyo at tiles na nilalakaran pagpasok sa bahay.

Condo unit lang nga ang pinagdalhan sa kaniya ni Knight, na kaya naman pala, nando'n naman pala ang target ng agreement nila kasi. Given naman. Ang kaalaman na mayaman pala talaga ang binata ay nakakalula.

Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya na isa lang ang condo na 'yon sa limang joint venture nito at ni Gayle Hizon daw. Sabi nga niya rito, kung gano'n na may joint venture na, bakit tumanggi ang ate mo, Gayle sa alok na kasal?

Kung kaya raw niyang malaman ay alamin niya. Simple as that. From Knight 'yan talaga. Napapaisip nga siya kung bakit hindi man lang 'to nagkaroon ng interes na alamin kung bakit, bukod daw sa talagang ayaw pa kasi ni Gayle na magkaanak. E, nabanggit naman ng kabalyero na wala naman 'tong balak na pakasal agad sila, inalok lang daw nito ang nobya para maiparating dito na ito na ang babaeng ihaharap nito sa dambana.

Ang sweet nga, saklap naman sa part niya na marinig.

Habang hayun siya at nagsisintir sa hindi na matutuloy na kasal nila ni Gerard, sa pagsasama, sa pamilya na sana ay mabubuo nila, mayroong isang Gayle Hizon naman na ayaw ng kasal, na takot sa anak, at hindi pa handang bumuo ng pamilya.

Ang ironic lang ng life, talaga naman.

Speaking of ironic, ito namang singsing na 'to na tinadtad na ng sabon kahapon at ngayon ay tinadtad na rin niya ng shampoo para medyo dumalas, tila naman habang ginagano'n ay parang nakakalokong naghihigpit pa ang kapit sa daliri niya.

Siguro, kung romance writer lang siya, bibigyan niya 'yon ng kahulugan na kaya yata ayaw umalis niyon sa daliri niya ay para 'yon kasi talaga sa kaniya.

Ack! Tapos ay ano? Si Knight ang future groom niya? Ang sagwa!

Dali-dali tuloy na nag-shampoo siya para mahimasmasan naman siya sa mga pinaglalaro niya sa utak niya, que aga-aga!

Nang matapos siyang maligo ay eksaktong magtatapis na sana siya ng tuwalya sa katawan niya, siyang gulat niya nang bumukas gumalaw pabukas ang salamin na kasalukuyan niyang pinagsasalaminan ng buong katawan niya!

'Di yata at pintuan pala 'yon?!

Pintuan nga!

At si Knight ang iniluwa niyon!

O to the M, to the G!

"Fvcking shit!" bulalas ni Knight nang makita siya.

Tumili siya. Saka hindi niya malaman kung ano nang una niyang tatakpan sa sariling katawan niya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang tila nakatulala lang do'n si Knight— nakatulala 'to sa katawan niya!

Isa pang mahabang tili ang pinakawalan niya pero nakakapagtaka na maging sa pandinig niya ay wala na 'yong tunog. Kaya yata ni hindi mauntag ang kabalyero sa pagkakatigagal sa kinatatayuan.

Ayaw man niya, natagpuan na lang niya ang sarili at mga mata niyang hinayon ang namumukol na harap ni Knight— geeez, ang landi mo, Alondra Palma!

Napapikit na lang siya sa frustration na naramdaman. Sinabayan na rin niya 'yon ng pagtalikod— para lang mataranta siya nang ma-realize niyang ang puwit naman niya ang nag- hello rito! Kandatakip siya ro'n!

"L—Labas! Lumabas ka na, Knight!" Sa wakas ay sigaw na utos niya rito.

"Labas!" dinig niyang tila nagulat na bulalas nito sa likuran niya, "Oo, oo— yeah! Eto na, lalabas na. Calm down, okay, calm down—"

Napapikit na lang siya sa naramdaman na inis.

Calm down daw, e, mukhang ito pa sa kanilang dalawa ang mas nangangailangan no'n!

"SHIT!" kaagad na bulalas ni Knight nang maisara na niya ang pintuan ng banyo.

Talagang shit. Dahil paanong nakalimutan niyang may kasama na nga pala siya sa unit niya! Ni hindi niya rin nabanggit yata kay Alondra na magkaugnay ang banyo ng dalawang magkatabing k'warto nila.

Ang gago mo, Knight!

At paanong hindi? Kanina ay natulos pa siya sa kinatatayuan bago tuluyang mag-sink in sa kaniya na hubad na babae nga ang nabungaran niya sa banyo niya!

Oo, ang gago niya nga para matulos sa kinatatayuan niya kanina nang mabungaran niya ang dibdib ni Alondra na sinasabi niyang flat kahapon. Well, uhm, sa sarili lang naman niya 'to sasabihin... that was far from flat, my goodness! Sa tingin nga niya ay sakop na sakop ang dalawang bundok na 'yon sa mga palad niya! And that bald pussy... fvck! Ngayon lang siya nakakita ng gano'n kakalbo, kakinis, kalinis na...

Shit, Knight, umayos ka! Saway niya sa sarili. Nagpabalik-balik siya sa paglalakad sa k'warto niya dahil may pakiramdam siyang sasabog ang pantog niya ano mang minuto. Ni hindi kasi siya nakaihi man lang kanina.

Ah, maybe he can knock first kung naroon pa si Alondra, mukha namang patapos na 'to kanina. Tapos na 'to sa paliligo nang datnan niya actually, late man niyang na-realize ay nasulyapan naman niya na nagshe-shave 'to habang nakabukaka sa harap ng body mirror sa banyo— 'yon nga ang tagpong dinatnan niya!

Naihilamos na lang niya ang mga palad niya sa kaniyang mukha nang mag-play sa balintataw niya ang nasaksihan kanina at ang nasaksihan niyang paghayon ng mga mata nito sa ibabang parte niya.

Kailangan na mabura niya 'yon sa isipan niya.

Kailangan...

Kailangan din na ahm, well, kailangan din talaga ng pagkalma ng alaga niya ngayon, for god damn sake, ilang minuto na ang nakalipas ay nakasaludo pa rin 'yon hanggang ngayon! Napasulyap siya ro'n at hindi makapaniwala na pinagmasdan niya kung gaano katindig pa rin 'yon na nasisiguro niyang dahil sa nakita niyon kay Alondra...

An unexpected salute, meron pala niyon, ngayon lang niya naranasan. Kung kailan naman hindi na siya teenager. Kung kailan naman marami nang nagdaan na babae sa kaniya, oo, akalain ba niyang mangyayari pa pala sa kaniya 'yon! At 'yon na nga mismo ang nangyayari sa 'kaibigan' niya down there...

Oh, fvck! I'm doomed!

7: Si Gayle Hizon

"N-Nagpasobra ako ng niluto kong sunny side up egg at hotdogs, kung gusto mong kumain, go lang. Siguro naman ay kumakain ka niyan," ani Alondra kay Knight nang bumungad 'to sa dining habang nakaupo naman na siya ro'n at nagsisimula ng kumain.

Nakakailang, ngayon lang niya mas napagtanto at napagtuunan ng pansin na ang lalaking nakakita ng buong hubad na katawan niya for the first time ay... g'wapo pa pala. At hindi lang basta g'wapo...

Clad with his expensive tuxedo, animo hinugot sa isang magazine ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Daig pa ang may photoshoot ng koya mo, Knight. Photoshoot na nangangailangan ng kabalyero at oo, masasabi niya talagang ito lang ang fit sa role na 'yon.

At ang isipin na nakita na nito ang buong hubad niyang katawan sa buong segundo, minuto, oras, araw na lumipas magmula nang mangyari 'yon, kung bakit ngayon pa tila siya nakaramdam ng init, isang palaisipan sa kaniya.

Matapos kasi ng insidenteng nangyari sa kanila nito sa banyo ay ngayon lang sila ulit nagkita nito. Oo, tila ba may silent agreement na namagitan sa kanila sa loob ng isang araw na magkahiyaan muna sila sandali, na palipasin muna nila ang mga hiya nila sa katawan dulot nang nangyari. e, grabedad naman, nakita siya nito sa tagpong sobrang private na sa kaniya kaya kung sino man sa kanila nito ang mas makadarama ng sobrang pagkapahiya ay siya 'yon wala nang iba!

"'Morning," untag na bati nito sa kaniya.

"U-Uhm, 'morning din..." ganting bati na rin niya rito.

Nang maupo naman 'to sa kabisera niya at balewalang nagsandok ng sarili nitong sinangag, itlog at hotdog ay napangiti na lamang siya.

Nag-thumbs up 'to sa kaniya. "Masarap. Thank you for this, the last time na kumain ako ng sinangag ay high school pa yata ako or college? 'Hardly remember." kaswal pa nitong pagkukuwento.

"Ows? E, sa pagkakaalam ko may java rice naman kayong mga mayayaman," komento niya naman, pampagaan lang ba ng usapan.

Sobrang dami pa kasi nilang dapat na pag-usapan nito kaya kailangan talaga nila ang gano'n kakaswal na pag-uusap. At kung uunahin niyang isipin ang nangyaring tagpo sa kanila sa banyo, napag-isip-isip niyang paano niya makakamtan ang kalahating milyon? Isa pa ay nakita lang siya nito, hindi naman siya nahawakan para mag-inarte siya na para namang nagahasa. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kontrolado at dapat na lang isisi sa katangahan.

"Yeah, patago pa. Ayaw kasi ng mommy ko na kumakain ako sa labas ng school. Vegetarian din kasi 'yon kaya maselan talaga sa foods, given naman."

"Ah, kaya pala."

"Uh, anyway, papasok na 'ko, Alondra. Sumubo lang din naman ako, nakakatakam ang sinangag pero mapunahinang mommy ko, 'pag hindi ako nakakain sa conference namin ngayon ay kung ano-ano ang sasabihin niya sa 'kin, for sure."

Kaya pala nakasuot 'to ngayon ng pormal, may conference meeting pala. Madalas niya 'yong nababasa sa mga fiction novels kaya may idea na naman siya kung ano 'yon

Pero may sasabihin pa ya rito, sa gabi naman ay hindi na sila nagkikita at ewan ba niya kung anong oras 'to umuuwi. Nakakatulugan na niya.

"SA-Sandali!" tarantang sinundan niya 'to sa pintuan, buti naman ay inabot niya.

Nilingon siya nito nang as usual, kunot na kunot ang mga kilay na kay kapal. "Why, Alondra?"

"Ahm, gsto ko sanang itanong sa 'yo kung okay lang ba na habang nananatili ako rito sa condo mo ay ako na muna ang maglaba ng mga damit natin? Saka, puwede naman yata akong umuwi ngayon kahit sandali lang para kumuha ng mga damit ko 'no?"

"May nagpupunta rito tuwing weekends na kumukuha ng labahin ko, hindi mo na 'yon kailangan na problemahin. About your clothes," anito, may dinukot sa isa sa bulsa ng suot nitong tux, "here's my card, use this. Buy new clothes. Hindi mo na rin kailangan na umuwi pa."

Spechless, nakanganga na napatda na lang siya sa card na nakaumang sa harapan niya.

"Just take this." Nainip yata 'to, ito na mismo tuloy ang naglagay ng card sa palad niya. "Walang limit ang card ko na 'yan, but I'm sorry to burst your bubble, malayo sa pag-eenjoy ang gusto kong gawin mo sa mall, Alondra. Pinapapunta kita ng mall ngayon at pinabibili ng mga bagong damit dahil well, hindi nbabagay sa tulad ko ang asawang magsusuot ng mga klase ng damit na mayroon ka. And oh, let me remind to you, hindi ka narito para magbakasyon. Narito ka para pagselosin si Gayle and by doing that, first, I think, kailangan mong maging ka-lebel niya."

Naiwan na lamang siyang nakanganga hanggang sa tumalikod na ang kabalyerong siraulo. Hindi niya minasdan ang card na nasa kaniya ng palad. Saka siya hindi rin makapaniwalang mapabuga ng hangin. HIndi pa man niya nada-digest ang mga tinuran sa kaniya ni Knight, hayun at sumilip na naman ang ulo nito sa pintuan. Para lang muling may sabihin sa kaniya...

"Second, never mong makikita si Gayle na nakanganga dahil lang sa isang lalaki. Kahit pa kasing g'wapo ko ang lalaking kaharap niya."

Aba't!

Kumuha ma siya ng pambahay na tsinelas na naroon sa malapit png ihagis sana sa hamboog na si Knight, wala na 'to. Sa nakasaradong pinto na lang tumama tuloy ang hinagis niyang tsinelas.

B'wisit!

MATAAS na babae si Gayle Hizon, mataas, balingkinitan ang katawan, morena, maganda. Ang perfect nga nito. Hindi niya maiwasan na masambit habang tinititigan niya ang babae ngayon sa malayo. Hindi rin maiwasan ni Alondra na mainggit dito.

Kaya naman pala umaayaw sa kasal, 'apakaganda naman pala ng ate mo Gayle!

Isa rin daw 'tong negosyante sabi ng mga napagtanungan ni Alondra sa pahapyaw na paraan nang umagang 'yon na nag-decide siyang mag-jogging. Nag-jogging siya dahil nabanggit ni Knight sa kaniya na tuwing araw ng Sabado at Lingo ay maaga nga raw na tumatakbo ang jowa nito paikot sa condo na ‘yon ng mga 'to.

Kailangan niyang magsakripisyo ng antok niya para sa pera. Saka nakakahiya naman sa kabalyero. May point naman 'to, na hindi nga naman siya naroon para magbakasyon. 88% na niyang tanggap na heto, narito na siya sa isang sitwasyon na hindi niya talaga lubos maisip na kasusuungan niya. Para sa kaniya ay maliwanag na isang pagtatapon ng pera ang gagawin ni Knight. Pero sino ba naman siya para awatin ‘to sa trip nito. Saka, hindi naman niya kaano-ano ang masungit na lalakig 'yon para makonsensya siya na para namang siya ang may kagustuhan ng kasunduan nilang 'yon.

Oo, isa pa pala 'yon, ito ang nagdala sa kaniya sa kasunduan na 'yon, ang gagawin lang niya ay ito na nga, sinisimulan na niya. Trabaho ang sinabi niya sa kaibigan niyang si Poks, kaya sisimulan na niya ang trabahong 'yon ngayon din.

Nang makita niyang malapit na si Gayle na makaraan sa kinatatayuan niya, nagkunwari siyang tumatakbo na rin. Sasalubungin niya 'to upang magkakilala na sila ngayong araw na 'to.

At dahil nga sa card ni Knight, hayun siya, kumpleto ang get up ngayon, mamahalin na sapatos, mamahalin ang suot, at oo, may airpods pa siya sa magkabila niyang tainga. Gaya ng utos sa kaniya ng damuhong kabalyero, namili nga siya. Sky is the limit, para bumagay raw siya rito.

Hah! Ginawa niya ang gusto nito at hindi na talaga siya nahiya. Tutal ay hinamak na rin naman sya nito, nilubos na niya at umabot yata ng 56 or 58k ang mga napamili niya. Puwera pa ang naipamili niya para kay Poks, na tuwang-tuwa sa suwerte na natisod daw niya. Kung alam lang sana ng kaibigan niya na ang klase ng trabaho na meron siya ngayon ay nangangailanagn ng tibay ng sikmura. May pakiramadam kasi siyang kung hindi ay agad niyang susukuan 'yon. Malaki pa rin talaga ang pagkakaiba ng pagod ka physically, sa emotionally.

Hay, ayaw na lamang niyang isipin. Pasasaan ba at matatapos din ang kasunduan nila ni Knight.

Mas maganda pala sa malapitan si Gayle Hizon. Kaya ka pala nababaliw, Knight Winters, kabaliw-baliw nga ang ex mo...

Hindi niya maiwasan na purihin talaga si Gayle. Kung makikiuso siya, sigurado siyang isa rin siya sa mapapasambit na girl crush niya 'to. Ni wala siyang makita na kapintasan dito. Kung sa pag-uugali naman ay hayun, malayo 'to sa pagkasuplada at ang lahat ng mga nakakasalubong ay nginingitian nito.

Malaking kawalan nga...

Base nga rin sa mga narinnig niya tungkol dito ay mabait nga rin daw 'to. Kilala ng guards sa condo, namimigay raw ng pamasko, galante. Kung gano'n nga na marunong 'tong magbigay ng reward sa mga maliliit na tao, mabait nga sadya. Mapapa- sana all na lang siya. Maganda na, mabait pa. So, mate-testing niya ngayon ang bait nito pagkatapos na masilyan na niya at kainggitan ang gandang taglay nito. Hanggang sana all na lang muna at hindi siya puwedeng makonsensya ngayon sa gagawin niya rito...

"Ouch!" may kalakasan na daing niya eksaktong sampung hakbang na lang ang layo sa kaniya ni Gayle.

"M-Miss? Miss!"

Uy, in fairness, tumakbo si Gayle upang daluhan ang pagkukunwari niyang pagkapulikat kaya siya napaupo sa semento pagkatapos niyang dumaing.

"Ouch! Miss, tulong! Pinupulikat yata ako!" kunwari ay tarantang samvit pa niya.

"Kumalma ka lang, miss. I will call for help, okay--- Help! Somebody help us!"

8: Baby

DAHIL babae rin siya, alam ni Alondra ang magiging reaksyon ni Gayle sa nalaman. At katulad nga ng inaasahan niya, nagkulay papel nga ang mukha nito nang sabihin niya sa mga security guards ng condo kung saang unit siya ro'n banda nakatira.

To added more sa sakit, napatuon pa si Gayle sa singsing na nasa daliri niya nang hindi sinasadya.

Nagulat din siya ro'n, hindi niya nga naalala na ang singsing sa totoo lang. Ang pokus niya ay nasa trabahong mapagselos si Gayle, 'yon lang.

Nagkatitigan tuloy sila nito nang mag-angat na 'to ng tingin mula sa pagkakatuon sa daliri niya. Nginitian na lang niya 'to, gayon din ang ginanti naman sa kaniya.

"N—Nice ring," komento pa nito.

"O—Oo nga e. 'Ganda 'no?" pagsakay na lamang niya.

"Yes, halatang pricey."

"Sabi nga ng boyfriend ko."

Bahala na, masaktan na 'to kung masasaktan, gaya nga ng sinabi niya kanina, trabaho lang.

Ngayon din niya mas naunawaan na okay rin pala ang ipinagawa sa kaniya ni Knight na pagpapabili ng mga mamahaling damit at gamit dahil tama naman 'to, kung sakali nga naman na damit niya ang suot niya ngayon, hindi niya maiisip ang plano niyang 'to dahil malaki ang tsansa na aakalain talaga ni Gayle na katulong siya ni Knight.

Sa ayos ng buhok niyang bagong salon ngayon na rebonded with blue color na mababanaag lang 'pag nasisinagan ng araw at sa mga mamahalin na suot nga naman niya, madali nang mag-assume ang makakakita sa kaniya sa unit ni Knight na may relasyon sila ng binata. Madali na para sa kaniya na mapagselos si Gayle, na siyang ginagawa na nga niya ngayon.

"S-Sa room 2001 ka nakatira, Alondra? A-Are you... ahm, I mean, are you sure? Kasi kilala ko ang nakatira sa unit na 'yon," pautal-utal na paninigurong tanong ni Gayle sa kaniya.

"Uh-huh," maarte niyang tugon. Nang gawin niya ang plano niyang 'yon, ginaya niya na rin kung paanong magsalita ang mga mayayamang babae na naririnig niya para ganap na ganap siya ngayon talaga bilang kapalit ni Gayle sa abuhay ni Knight. "Actually, unit talaga 'yon ng boyfriend ko, Gayle."

Ngumiti si Gayle. Kundi ka ba naman siya bumilib talaga, nagagawa pa rin nitong ngumiti kahit na nagkulay papel na nga ang mukha nito kanina sa narinig mula sa kaniya.

"S-Si Zachary ba ang boyfriend mo...?" parang nanantantya pa nitong tanong sa kaniya ulit.

May nabasa rin siyq noon na ang isang tao raw na hirap maka-digest ng mga bagong info na nalaman mula sa iba ay normal na makaranas ng pagka-delay rin na i-proseso 'yon. At hindi na maling sabihin na 'yon na nga mismo ang nangyayari kay Gayle ngayon— alam naman na nito ang obvious, nakahain na rito, ngunit mas pipiliin pa rin nito na magtanong upang makasiguro muna bago maisalpak ang mga bagong impormayon sa utak dahil 'pag na-digest na nito 'yon ay sakit na nga naman ang kasunod.

Ang taktika ng pag-delay ng sakit na mararamdaman ay mabisa para ro'n. At mukhang alam din 'yon nito.

"Yup. Si Knight Zachary Winters nga. Kilala mo pala si baby?"

"B—Baby?!" bulalas ni Gayle na may kataasan na tono ng boses. Pero saglit lang ay naitakip kaagad nito ang palad sa sariling labi. "S—Sorry, nabigla lang ako," pagkuwan ay hinging paumanhin nito.

Pagak siyang natawa kahit sa totoo lang ay gusto niyang magdiwang at humalakhak ngayon. Bakit hindi? Sa nakikita niyang mga kinikilos ni Gayle ngayon, mukha namang mapapadali ang trabaho niya kay Knight.

Sisiw, 'ika nga.

Malinaw niyang nakikita ngayon kay Gayle na mahal pa nito si Knight. Siguro nga ay nabigla lamang 'to nang tanggihan nito ang alok na kasal ng nobyo. Na ex na ngayon.

Sa nakikita niya rin kasi ay mukhang hindi pa nagkakaroon ng closure "to at si Knight. Hindi rin naman nagsabi ang kabalyero, basta na lang inatas nito sa kaniya na pagselosin ang umayaw na girlfriend at ipa-realize nga raw niya rito na hindi nito dapat iniwan at tinanggihan si Knight. Oo, gano'n ka-arogante ang huli para isipin talaga nito na ang lahat ng babae ay nakukuha sa selos.

"Why? Nasagwaan ka ba sa tawagan namin?"

"H-Ha? Ah, naku— naku, hindi ah, ano ba naman ang masagwa sa baby. Sorry, nagulat lang talaga ako."

Maarte siyang tumawa. "Okay lang 'yan, kahit ako naman no'ng una ay kinilabutan sa baby na tawagan, kaya lang ay 'yon ang gusto ng baby ko e, may magagawa ba 'ko? Saka, cute naman sa tuwing siya ang nagbabanggit, feel na feel ko pa nga!" Sinamahan niya ang sinabi ng isang hagikgik.

Pilit na ngiti naman ang tinugon ni Gayle ro'n. "Anyway, buti naman at normal na pulikat lang ang naranasan mo pala. Natakot ako kanina, grabe kasi ang pagkakasalampak mo sa semento," paglihis nito sa usapan.

Galawan din 'yon ng mga babaeng nagseselos. Ililihis kunwari ang usapan para malihis din s'yempre ang nararamdaman na pain.

"Oo nga e, salamat sa tulong mo Gayle, ah."

"Wala 'yon, sino pa ba naman ang madadamayan, tayo-tayo rin naman na magkakapitbahay." May ngiti sa labi na anito sa kaniya.

"Thanks, ang bait mo. Well, ang mabuti pa, kung wala ka namang lakad pagkatapos natin dito ay anyayahan na kita muna sa unit namin," alok niya kay Gayle. Dahil alam niyang negosyante rin 'to at busy, inaasahan na niyang tatanggi 'to.

"Naku, I'm sorry ah, pero kasi kailangan na 'ko sa office ko. Sabado pa lang kasi ngayon, may half day pang work. Uhm, some other time, maybe?" Kahit sa pagtanggi ng imbitasyon ay magiliw pa rin 'to.

Napuna rin nga niya na mahinhin din 'to, pag-uugali sa kilos na wala sa kaniya at tanging sa mayayaman na tulad lang nito makikita.

Sabi na nga ba niya ay tatanggi 'to kaya tatalon siya sa Plan B niya... "Gano'n ba? Sayang naman."

Inakay siya ni Gayle papasok sa elevator, iniisip siguro ang pulikat niyang kunwa-kunwarian lang naman. "Oo, pasensya ka na talaga, Alondra."

Pinalungkot niya ang mukha niya. "Okay lang. Sayang lang kasi gusto ko sana na mas makausap ka pa, busy ka pala. Ako lang yata ang hindi busy na tao sa mundo e, parati lang akong nasa bahay. 'Yong boyfriend ko, busy rin sa negosyo niya."

"Negosyante rin kasi si knight— Ah, I mean, ayon sa mga naririnig kong balita rito, same field nga raw kami ng nakatira sa room mo. Anyway, hindi ko pa yata nabanggit sa ' yo na same floor tayo."

"Really?" kunwari ay gulat niyang bulalas, gano'n ang mga babaeng mayayaman kung magulat hindi ba?

"Yep." Nakangiting sagot pa ni Gayle sa kaniya.

"So, kilala mo pala si Knight? There's a possibility that you two have met before, kung gano'n naman pala na ka-floor mo pala siya." Umi- English na rin talaga siya ngayon at nakakagulat na tila 'yon natural naman sa kaniya. Baka dahil half tisay nga kasi siya.

"H-Ha...?"

"Sabi kasi ng boyfriend ko, matagal na raw siya sa unit niya e. Ikaw ba?"

"Ha— ah, medyo... may katagalan rin. A year or two?" Pagak na tumawa 'to. "Hindi ko na talaga maalala rin."

"Makakalimutin ka pala."

"Oo, e, medyo nga," kiming tugon nito.

Nang huminto ang sinakyan nilang elevator sa 20th floor at tumapat na sila sa unit ni Knight. Hindi nakaligtas sa kaniya ang muling pagsulyap nito sa singsing na nasa daliri niya bago siya tignan nito sa mga mata at muling magiliw na nginitian.

"Dito ako sa tapat ng unit niyo," turan ni Gayle.

"Oh. Okay naman pala e, ang lapit pala natin sa isa't-isa."

"Kaya nga, nakakatuwa naman."

"Gusto kita sanang makakuwentuhan pa kaya lang ay busy ka. So, pa'no, ayaw mo ba talaga? Ako lang naman ang tao rito ngayon kaya hindi mo kailangan na mahiya."

"Why?!" parang nagulat na patanong na bulalas ni Gayle, "I— I mean, bakit mag-isa ka lang? Sabado kasi ngayon... ang alam ko, 'pag Sabado ay nand'yan lang naman... ang taong nakatira sa unit na 'yan."

Gayle, kung mahal mo pa pala, bakit may pagtanggi ka pa? Ngali-ngali niyang sambitin sana rito.

Sa totoo lang gusto na ngang umikot ng mga eyeballs niya kay Gayle kanina pa. Kung gano'n kasi na sarili lang ang pinasasakitan, bakit? Ang saya kayang magmahal ng taong mahal ka rin.

Jusko, 'yong peke nga na katulad ng ex niyang Gerard, e, napasaya siya. 'Yon pa kaya lng kabalyero na mukha naman mahal 'to kahit medyo may topak 'yon.

"Ang sabi kasi niya ay papasok siya." Nakangiti rin na tugon niya rito. Charaught lang niya 'yon.

Malay ba naman niya na wala palang pasok si Knight 'pag Sabado.

"Ah. S—Sige, mauna na 'ko."

"Salamat ulit, Gayle. Ano ang oras ng uwi mo mamayang gabi?"

"Again, wala 'yon. Well, I think mga six or seven...?"

"Then dito ka na mag-dinner."

"Ha? Pe—Pero—"

"Gayle, huwag mo na 'kong tanggihan, please! Ako lang naman ang mag-isa rito. Saka, sige ka, 'pag tinanggihan mo 'ko at inindyan, magtatampo ako sa 'yo."