CHAPTER 1
"Hubby?"
"Hubby, gising na may pasok ka pa diba?"
"Hmm?" Unti-unti nitong minulat ang mga mata at biglang syang ngumiti ng makita ako.
"Good morning beautiful." Nakangiting sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.
"Oh, ayan ka na naman! Kaya ka na la-late sa eh. Hoy? Hubby bangon na kase, kanina pa nag aantay yong pagkain don sa baba."
"Ako yong boss kaya di problema na ma late ako don." Kita kong nakapikit parin ang mga mata nito pero yong labi nya ay nakanguso.
"Magpapahalik ka ano?" Natatawang tanong ko at mabilis itong tumango.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit. "Kapag ba hinalikan kita babangon ka na?"
"Yeah--" agad ko ma syang hinalikan sa labi.
"Oh, halika ka na..."
"Isa pa wife? Hmm?" Pakiusap nya at kinurap-kurap pa ang mga mata. Tumayo na ako at nag crossed arm sabay na umiling.
"Bumangon ka na dyan hubby, wag mong antayin na magalit ako."
"Meron ka ba ngayon? So, di ba ako makakapasok dyan mamaya?" Pinalo ko ang balikat nito at tumawa lang sya.
"Nag tatanong lang eh, tulungan mo nga akong bumangon wife." Tinaas nito ang dalawang kamay at inaantay na hawakan ko yon.
"Wag mo akong lokohin hubby, alam ko na yang style mo."
"Hindi nga, seryoso ako wife. Please? Oyy, wife please??" Para talaga syang bata minsan.
Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at hinila ito pero para bang sinasadya nyang pabigatin yong katawan nya kaya hindi ko sya mahila ng tuluyan. Hihilain ko na sana ulit sya pero hinila nya ako bigla sakanya dahilan para mahiga ako sa katawan nya, nakapatong ako at ang ginawa nito para di ako makagalaw ay pinatog nya ang dalawang binti sa paa ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Sinasabi ko na nga ba."
"Five minutes lang wife." Bulong nya sa tainga ko.
Inantay kong lumipas ang limang minuto at limang minuto pa yata ang lumipas na din pero hanggang ngayon ganito parin ang posisyon naming dalawa.
"Hubby? Ang daya mo talaga, gumising ka dyan! Di ka ba nagsasawang yakapin ako huh! Hoy!" Niyugyug ko sya.
"Ah, ayaw mo talagang gumising? Ayaw mo?" Nilapit ko ang bibig ko sa tainga nito at kinagat iyon.
"Ouchhh!! Wife ano ba ang sakit ah! Ito na nga gigising na." Nakabusangot itong bumangon at umupo sa gilid ng kama.
Bumangon na din ako at tumayo sa harapan nya. "Papagalitan talaga ako ng mommy kapag di ka pa nya nakita don sa kompanya." Nakapamewang kong sabi.
Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at pinalapit sakanya, hinawakan nya ang bewang ko at sinubsub ang mukha sa tyan ko.
"Samahan mo naman ako don, walang mag babantay sakin." Parang bata nitong sabi.
"Ano ka bata? Hay nako, nandito lang naman ako pag uwi mo eh. Saka sinamahan na kita kahapon, di ko nga nagawa yong mga labahin dito diba?"
Hinawakan ko ang ulo nya at nilalaro-laro ang buhok nito.
"Ako na bahala don mamaya, samahan mo lang ako o di kaya kumuha nalang kase tayo ng maid para wala ka nang gawin."
"So, di na kita lulutuan? Yong maid nalang mag aalaga sayo. Tsk, gusto nya siguro ng magandang maid tapos kapag wala ako dito mag lalandian kayong dalawa ganon ba huh?!" Tinaasan ko sya ng kilay.
Binatawan nya ang bewang ko at tumayo, tumingala pa ako para makita ang mukha nito. Ano ngayon kong pandak ako, tsk!
"Eh? Ba't ako makikipag landian sa iba, nandyan ka naman." Malambing nitong sabi at pinaulanan ako ng halik sa mukha hanggang sa bumaba ang labi nya sa leeg at balikat.
"Wife nabitin ako kagabi--" tinulak ko sya ng mahina palayo sakin.
"Ikaw lalandiin mo na naman ako Elthon, sige na maligo ka na don." Ma-awtoridad kong saad sabay tinuro ang banyo.
"Samahan mo kase ako para di ako landiin nong secretarya ko!"
"Ano? Sinusubukan nya na naman bang akitin ka huh?" Tumango sya sakin bilang sagot at niyakap ako.
Sinabihan ko na ang impakta na'yon tapos wala parin palang epik? Gusto nya yatang ibagok ko pa ulo nya sa malaking bato para matauhan sya! Nako nanggigil ako sa mga kagaya nyang malandi, talagang lalandiin nya ay yong may asawa na!
"Sabihin mo kapag ipinagpatuloy nya yan susunugin ko na talaga yong bahay nya!" Gigil kong sabi. Narinig ko syang tumayo, kumawala ito sa pagkakayap sakin at hinalikan ako sa noo.
Bigla na lamang nawala ang inis ko dahil sa halik na yon. Kapag naiinis o galit ako ay isang halik nya lang, parang natutunaw na itong puso ko.
"Kinikilig ka ano?" Asar nya sakin dahil don ay kinurot ko ang tagiliran nito.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Sige na hubby, anong oras na oh! Ang tagal mo pa namang matapos maligo, para kang babae." Iling kong sabi sabay nag pinag cross ang braso ko.
"Alam mo bang mas matagal akong matatapos maligo kapag kasama ka sa loob ng banyo." Sabay kumindat pa sya sakin at ngumisi ng nakakaloka.
Magsasalita na sana ako pero naunahan nya ako. "Oo na! Ito na nga eh, maliligo na ako miss... este misis ko." Pinipigilan ko namang matawa sakanya.
Sinimulan na nyang hubarin ang t-shirt nya at short. Sunod-sunod akong napalunok ng makitang tanging boxer nalang ang natitirang saplot nito sa katawan.
"Wanna see my baby again wife?"
Medyo nanlaki ang mga mata ko ng dahan-dahan itong humakbang palapit sakin.
"I think he's excited to see you again as well..." Dagdag nito.
Gagu di ako excited ah! Kunti lang... joke.
"W-Wag mo nga akong akitin!" Nag pahalata ka pa talaga Nicole, ayusin mo yang boses mo wag kang pautal-utal dyan! Kala mo naman first mong makita yang higante na yan!
"You think na inaakit kita? O baka naman nakakaakit talaga ako kahit wala pa akong ginawa sayo?" Ngumisi sya sakin at para bang sinasadya talaga nitong ipakita sakin yang dimple nya.
Alam nya namang naaakit ako kapag ngumingiti sya ng ganyan!
"M-May period ako n-ngayon..."
"... kaya hindi pwede!" Kinakabahan kong dugtong.
Parang biglang napugto itong hininga ko ng tuluyan na talaga syang makalapit sakin. Unti-unti nyang inilapit ang mukha nito sakin, naramdaman ko ang malilikot nitong kamay na hinawakan ang makabilang hita ko at hinihimas-himas iyon.
Jusko nakikiliti ako sa ginagawa nya, ilayo nyo na po ako sa tukso ngayon din dahil kong hindi ay baka bumigay na talaga ako. Hindi to pwede, lalamunin ako ng buhay nong mama nya... mainitin pa naman ang ulo non, lalo na pagdating sakin.
"Talaga meron? Patingin nga?"
Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan, ramdam ko ang init na hininga nito sa tumatama sa tainga ko.