Chapter 5

Punas-punas ni Amanda ang kaniyang dalawang pisngi na dumadaloy dito ang mga naglalakihang butil nang luha na nag-uunahan sa paglabas sa kaniyang luhaang mga mata. Kanina pa siya umiiyak kaya sigurado siyang namumugto na ang kaniyang mga mata. Galit siya sa sarili dahil wala pa siyang sapat na pera para sa operasyon nang kaniyang tatay at awang-awa naman siya dito dahil hindi niya ito matulungan. Ito na ang nagpalaki sa kaniya dahil maaga siyang nawalan ng ina kaya gano'n na lamang ang kaniyang kalungkutan at galit sa sarili dahil wala pa siyang nai-tulong dito habang nahihirapan ito sa sakit na matagal nang dinadala. May pangako siya rito na gusto niyang tuparin at 'yon ang gumaling ito sa dinadalang sakit. Ngunit paano nga ba niya matutulungan ang kaniyang ama kong siya mismo ay may problema.

Pagod na pagod siyang naglalakad sa masikip na daan habang umiiyak sa kalungkutan. Hindi niya na alam kong paano pa matutulungan ang kaniyang ama. Pagkatapos nang kanilang pag-uusap ng mayamang lalaki na nangangalang Raphael ay naghanap agad siya nang mapagtatrabahuan dahil hindi niya tinanggap ang offer nito, ngunit sa kasamaang palad ni walang tumanggap sa kaniya sa kaniyang pinag-a-aplayan. Dahil sa nangyari ay may naramdaman siyang pagsisisi.

Habang umiiyak sa daan ay nagmamadali siyang naglakad pauwi dahil sa kaniyang naalala. Hindi siya puwedeng gabihin pauwi ngunit padilim na kaya mas binilisan niya pa ang kaniyang paglakad hanggang sa lakad takbo na ang kaniyang ginawa... makaabot lang sa bahay na tinutuloyan. Ayaw niyang may masamang mangyari sa kaniya dahil gusto pa niyang tulungan ang ama.

Nang makita niya na ang pintuan ng bahay na kaniyang tinutuloyan ay huminto na siya sa kaniyang paglakad-takbo. Taas baba ang kaniyang dibdib dahil hinahabol niya ang kaniyang hininga.

"Na-Nandito na ako," hinihingal kong sabi habang naka hawak sa dalawa kong tuhod ng nasa harap na ako nang pintuan. Nang maging normal na ang aking paghinga ay napa pikit ako. Uuwi na naman akong walang magandang balita. Kailan ko ba ito masosolusyonan itong problema na ito. Sabi ko sa sarili ko habang naka pikit at nang makita ko si tatay sa aking isipan nang naka ngiti ay napapangiti na rin ako. Kailangan kong maghanap nang trabaho, sabi ko sa sarili ko. Kahit ano pa 'yan gagawin ko mapagaling lang ang tatay. Bahala na kong ikapapahamak ko basta gumaling lang siya. Nangako ako sa kaniya bago ako umalis na tutulungan ko siya kaya bahala na. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko pang makasama ang tatay ko. Sa pagkakataong 'yon hindi batid ni Amanda na tumulo na pala ang kaniyang mga luha sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman. Tila naging ilog ang kaniyang mga mata na patuloy lang ang pag-agos ng tubig mula rito.

Lumipas ang mga sandali at may naramdaman siyang kakaiba sa kaniyang paanan, nakikiliti siya rito. Yumuko siya at pinagmasdan nang ilang sandali ang nakita. Isa iyong kulay itim na pusa na pa dikit-dikit sa kaniyang binti, paikot-ikot ito kaya dahan-dahan siyang yumuko at binuhat ang pusa. Naging madali sa kaniya ang pagkarga rito dahil hindi ito naging malikot. Napag-desisyonan naman ni Amanda na ampunin na lang ito dahil sa tingin naman niya ay wala namang nagmamay-ari nito roon dahil sa sobra ba namang dami nang pusa na pagala-gala roon sa kanilang lugar.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang bahay habang nasa kanang kamay ang pusa nang may biglang tumawag sa kaniya sa cellphone. Nang kukunin na sana niya ang cellphone ay tumalon ang pusa, susundan sana niya ito kaso baka mamatay ang tawag, mahal pa naman ang load. Sabi nang isip niya kaya inuna niyang kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.

"He-Hello po tiya," utal-utal niyang sagot sa tawag. Hindi niya alam kong anong nangyari ngunit may pakiramdam siyang hindi naging maganda ang dahilan ng pagtawag nito sa kaniya. Iba ang naging pakiramdan niya sa pagtawag nito kaya bilang pampakalma ng loob ay hinanap muna niya ang nakitang pusa kanina. Nang makita niya itong naka tuntong sa kahoy ng kapit bahay ay may dugo na ito sa paa. Tatawagin na sana niya ito nang bigla siyang napa daing sa sakit nang kaniyang tainga. Sumigaw lang naman ang kaniyang tiyahin dahil hindi siya maka usap nito ng maayos.

"He-Hello tiya, bakit po kayo sumisigaw? O-Okay lang po ba kayo riyan?" Tanong niya rito habang nanghihinayang na naka tanaw sa pusang papaalis.

"Ikaw ang gusto kong tanungin niyan Amanda, okay ka lang ba diyan? Bakit parang lagi kang wala sa sarili mo. No'ng tumawag ako sa'yo kagabi wala ka rin sa sarili. Okay ka lang ba talaga diyan? Baka gusto mo dito ka na lang, ako na lang ang magtatrabaho?" Mahabang saad nito sa kaniya na nasa tuno ang pagaalala.

"O-Okay lang naman po ako ti-tiya. Talagang pagod lang po talaga ako. Sa totoo niyan ka-kakauwi ko nga lang po galing sa trabaho." Saad niya rito. Nahihiya man siya sa kaniyang tiyahin dahil natuto na siyang magsinungaling rito, ayaw naman niyang panghinaan ito nang loob dahil lang sa sasabihin niyang wala na siyang trabaho at lalong-lalo na ayaw niyang mangyari na mawalan ito nang pag-asa dahil lang do'n, mas gugustuhin niya pang magsinungaling na lang kaisa sa masaktan ito.

"Nga pala Amanda," malungkot na ani nang kausap sa kabila.

Mk

"May sasabihin akong balita." Dugtong nito.

"P-Po tiya?" Mahina niyang wika rito.

Pinaghalong takot at kaba ang nararamdaman ni Amanda dahil sa sasabihin nang kaniyang tiyahin. Kinakabahan siya sa kong ano man ang sasabihin nito sa kaniya, sa sobrang kaba na kaniyang nararamdaman ay nag-uumpisa nang manginig ang kaniyang dalawang tuhod sa pagkakatayo. Napa hawak siya sa door knob nang bahay ng hindi na niya kaya ang panginginig nang mga ito. Kaba, takot, at lungkot ang naguunahang mga emosyon sa kaniyang sarili. Ngunit hindi pa niya naririnig kong ano man ang sasabihin nang kaniyang tiyahin kaya maaaring mali ang kaniyang hinala at maaari ring tama.

Kinontrol niya ang kaniyang sariling emosyon dahil ayaw niyang mag break down. Maraming pumapasok na ideya sa kaniyang isipan kong ano ang puwedeng maging dahilan ng tiyahin kong bakit ganito ka lungkot ang boses nito at isa na ro'n ang patungkol sa tatay niya. Ba ka tungkol ito sa mga utang nila at naniningil na ang mga pinag-utangan nila o baka tungkol 'yon sa lupa nilang naka sanla sa bangko, pero kahit gaano man ka raming posible ang kaniyang maisip ay nau-uwi pa rin sa kaniyang tatay ang kaniyang pag-aalala.

"Tatay." Mahinang wika ni Amanda at napa hikbi ito sa sobrang kalungkutan.

"Amanda hija, kumalma ka muna. Mali ang akala mo," sabi nito sa kabilang linya.

"Okay lang ang tatay hija. Ang kailangan niya lang ang ma pa heart transplant at gagaling na siya. Lumapit na ako sa mayor natin at ang sabi ay tutulungan daw nila tayo pagdating sa pera."