Chapter 3
Hindi ako makagalaw sa klase ng tingin nito. Bakit ganito siya... bakit ganito siya maka titig sa akin. Parang hinihigop ang sarili ko lalong-lalo na ang mga mata ko na hindi mabaling sa ibang direksyon sa pagkakatingin sa kaniya. Nanginginig ang dalawa kong tuhod sa klase nang kaniyang tingin, kong kanina ay pinapatay ako nang mga mata nito sa galit ngayon naman ay bigla-bigla itong nawalan nang emosyon ngunit ramdam ko pa rin ang galit nito. "Are you blind?!" Mahina ngunit matigas nitong sabi. Napanganga na lang si Amanda sa klase nang pakikipag-usap nito sa kaniya. Naka pagtapos naman siya nang high school at isa siyang salutatorian kaya kaya naman niyang intindihin ang simpleng ingles lang nito ngunit sa pagkakataong iyon ay para siyang nawalan nang utak dahil sa nararamdaman niya sa lalaking iyon. Mabilis ang pintig nang kaniyang puso at halos hindi na siya makahinga sa harap nito.
Magsasalita pa sana ang lalaki nang may tumawag dito. Tumagilid ang mayamang lalaki at tiningnan ang tumawag dito at yumuko nang dahan-dahan pagkatapos na para bang may hinahanap sa harap nang damit at doon napa dako ang kaniyang tingin. Doon niya lang napagtanto kong ano ang nangyari. Natapunan nang dala nitong inumin ang suot nitong long sleeve na pulo na kulay itim na sa tingin niya ay mamahalin na siya'ng dahilan kaya nagalit ito sa kaniya.
Magsasalita na sana si Amanda para humingi nang tawad dito nang tumingin ulit ito sa kaniya kaya nagtama ulit ang mga mata nila, kaya na istatuwa ulit siya at hindi na nga siya naka hingi nang tawad dito dahil pagkatapos siya nitong tingnan ay tumalikod na agad ito sa kaniya at umalis.
Nang mawala ito sa paningin niya ay napa kurap si Amanda. Hindi niya alam ang gagawin dahil parang na hypnotized siya ng lalaki. Napa kurap ulit siya ngunit pagkatapos ay pumikit rin siya dahil hindi mawala-wala sa isipan niya ang itsura nang nabanggang lalaki.
"Hay Amanda ngayon ka lang ba nakakita nang guwapong lalaki!?" Galit na tanong nito sa sarili.
"Kainis bakit ba kasi ganoon ang itsura nang lalaking iyon!" At naalala na naman niya ang itsura nito. May matangos na ilong, makapal na magandang kilay, makapal na kurba nang pilik mata, mayroon rin itong kayumangging mata, maputing balat, may guhit sa baba at ang pinaka-nakakaatract dito ay ang mapupulang labi na kay sarap siguro nitong halikan. Sabi nang isip niya.
"Hay buhay! Guwapo lang iyon pero hindi maganda ugali no'n." Kumbinsi niya sa sarili.
"Diba nagalit nga iyon sa'yo kaya hindi ka nakagalaw. So hindi siya papasa sa standard mo dahil kong mabait pa siyang lalaki 'di sana pinagsalita ka man lang niya hindi iyong magagalit na lang bigla. Hindi dahil mayaman, may itsura at may magandang pangangatawan e mabuti na siyang tao, iyan ang isaksak mo sa utak mo Amanda!" Mariin niyang kumbinsi sa sarili. Siguro kong may makakakita man sa kaniya na kasamahan niya sa pagtatrabaho ay hindi lang magnanakaw ang sasabihin tungkol sa kaniya kundi baliw na rin.
"Tandaan mo Amanda iyong nangyari sa bukid diba may mayamang lalaki na nagdrive nang mamahaling sasakyan at ano ginawa niya parehas lang din sa ginawa nang lalaking iyon. Kaya hindi ka dapat magkakagusto sa mga ganoong lalaki," at doon lang niya nakumbinsi ang sarili. Na wala siyang dapat na ikakagusto sa mga ganoong tipong lalaki. "Hindi baling magmahal ako ng mahirap na lalaki basta may mabuting puso naman." Kausap nito sa sarili habang naka tanaw pa rin kong saan dumaan ang lalaki.
"Makaalis na nga." At nagpunta na nga si Amanda sa locker room kong saan nandoon ang mga gamit niya. Tinanggal niya ang mask sa kaniyang mukha at inilagay ito sa malapit na basurahan, tinanggal na rin niya pati ang gloves na suot at ang apron na nasa kaniyang katawan. Pagkatapos ay binuksan ang locker niya kong saan may sling bag siya ditong iniwan. Isinuot niya ito at umalis sa lugar na iyon.
Alas kuwatro na nang hapon pero hindi pa rin ako makahanap nang bagong trabaho. Paano na ito kailangan ko nang maraming trabaho na pagsabay-sabayin pero kahit ni isa wala akong trabaho ngayon. Talaga namang mahirap magtrabaho kapag hindi ka college graduate. Kong may kakilala lang ako dito di sana may mapagtatanungan ako, kaso wala. Marami na akong napagtanungan pero hindi rin sila nangangailangan ng empleyado. Ano na ang gagawin ko?
"Hay buhay ang hirap maging mahirap, saan ba kasi ako makakahanap nang trabaho ngayon?" Mahinang tanong ko sa sarili habang nahihirapang huminga dahil sa problemang dinadala.
"Peep!" Biglang tunog. Dahil sa pagkabigla hindi muna ako nakagalaw hanggang sa tiningnan ko kong saan nagmumula ang bosena ng sasakyan. Dahil sa sobrang takot ko sa aking nakita... bumagsak ako sa gitna nang kalsada.
"Miss! Miss! Okay ka lang?" Tinig nang isang lalaki. Pero hindi na ako nakapagmulat nang mga mata dahil na siguro sa sobrang pagod o sa sakit nang pagka-bangga nang aking katawan, ikaw ba naman lakad nang lakad tapos masasagasaan ka pa.
"Ahh," ungol ni Amanda.
Hindi batid ni Amanda kong nasaan siya ang alam niya lang ay masarap ang kaniyang pagkakatulog. Kailan pa naging maganda ang pagkakatulog ko at bakit malamig? E sa buong buhay ko hindi pa ako nakatulog nang ganito ka sarap sa pakiramdam. Nasa langit naba ako? Siguro, kasi nga diba nasagasaan ako kanina. Pero hindi e, a-ano to? Tanong niya sa isip niya nang wala siyang mahawakan. Siguro nga nasa langit na ako. Hanggang sa may kumalampag nang malakas at napa daing siya sa sakit. Hindi pa pala ako patay at napa dilat si Amanda dahil sa nangyari.
"Nasaan ba ako?" Tanong niya nang naka harap sa sahig ng sasakyan. Ngunit walang sumagot, biglang lumakas ang tibok nang kaniyang puso sa sobrang kaba. Naghintay pa siya nang ilang sigundo nang walang magsalita ay doon na siya gumalaw.
Nagtataka man si Amanda kong bakit nasa loob siya ng isang kotse ay mas pinili na lang niyang umupo sa back seat nito dahil sa sobrang sakit nang kaniyang ulo, at nakahinga naman siya nang maayos ng wala siyang naramdaman maliban na lang sa ulo niyang kumikirot sa sakit. Naging kampante naman siya nang makita ang kulay sa labas ng kotse na sinasakyan niya ngayon. Ito iyong muntik nang maka bangga sa kaniya. Siguro, tinulungan ako nang may-ari nito, sa isip niya. Pilit niyang inaalala ang nangyari at ang tanging natatandaan niya lang ay nasagasaan siya ngunit hindi iyon nangyari dahil buhay pa siya ngayon.
"So nasaan ako? At bakit ako nandito sa kotse na ito?" Napa tingin ako sa labas nang kotse. Nang may nakita akong tao na pamilyar sa paningin ko ay tiningnan ko ito nang maigi. Napa tingin ito sa akin kaya nagulat ako. Nang makita ako nitong gising ay may kinausap itong lalaking nakatalikod at umalis na. Dahil sa matangkad ang taong nakatalikod ay hindi ko na nakita ang mukha nito at nang pumasok ito sa kotse na kinaroroonan ko ay umupo ito sa harap. Tumikhim ito bago nagsalita.
"Be my wife," sabi nito sabay harap sa akin. Dumagundong na naman ang puso ko... siya na naman.