Chapter 2
Kong hindi 'ko naman susubukan anong mangyayari kay tatay mas mabuti nang subukan kaysa hindi.
Ang dapat ko na lang gawin ngayon ay manalangin at magtiwala sa magagawa niya.
"Tabi!" Sigaw ng isang bariton na tinig na nagmumula sa isang lalaki. Napatingin ako kong saan ito nagmumula. Sa aking likod, at doon ko lang napagtanto ang susunod na mangyayari.
"Grrr ang malas naman talaga!" Inis kong sigaw dahil sa putik na tumalsik sa akin. Mabuti sana kong di-color ang suot kong palda kaso hindi.
"Ayan haharang harang ka kasi! Sabi ng tabi hindi pa kumilos, tsk!" Ani ng may-ari ng sasakyan na siyang naka talsik sa akin ng maruming tubig.
Okay lang sana kong sa mukha lang tumalsik o sa paa kaso hindi, e. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa nangyari e kong bumusina kaya siya nang nasa malayo pa siya 'di sana nakaalis na ako sa puwesto ko at hindi ganito ang itsura ko ngayon. Sa tingin ko ay para na akong naggaling sa sakahan sa dami nang putik na tumalsik sa aking katawan. Kainis! Mahirap pa naman maglaba kapag puti. Humanda ka sa aking lalaki ka.
"Hoy!" Sigaw ko rito at dali-daling kinuha ang isa kong tsinelas kaso nang humarap na ako at ibabato ko na sana e wala na ang sasakyan." "Kainis! Hindi man lang ako nakaganti sa taong 'yon!"
"Ang hirap kasi sa ibang mga mayayaman e wala nang mabuting pag-uugali at isa ka na ro'n hoy kuyang driver!!" Malakas kong sigaw kong kaya natawa ang mga kapit bahay naming nakakita sa akin.
"Hahaha amoy kalabaw ka na Amanda, hindi ka na niyan ang mutya ng baryo natin, ang baryo Magiliw," at tumawa pa ang mga bakla kong kapit bahay.
Tsk! Ingit ka lang sa akin Jose. E ikaw walang dibdib e ako may dalawang malalaking pakwan! E ikaw palibhasa bakla kong kaya naiingit ka sa akin. Ma-ingit kang bakla ka! Wala akong paki ako sa iyo! Galit na ani nang utak ko. Gusto ko sanang patulan ang mga sumunod na sinabi nito kaso ma stre-stress lang ako. Bahala kang bakla ka! Maglaway ka na lang sa pakwan ko na hindi magiging sa iyo kahit kailan pa man! At galit ko itong tiningnan sabay talikod.
Bahala kayo! Magsama kayo ng mga pinsan mong bakla! Pahabol na sabi nang utak ko nang marinig ko itong magsalita ulit nang kabastusan. Mga bastos talaga!
"Paalam ate!" Sabay-sabay na sabi ng mga pinsan ko habang papasakay ako nang tricycle.
"Paalam!" Mahabang wika ko.
"Mag-iingat ka ro'n ate," si Pran na bunso sa tatlong anak ng tiya, Sheol.
"Oo kayo rin," sigaw ko sa kanila.
"Ranz, bantayan mo iyang mga kapatid mo ha huwag na maging pasaway kay tiya. Ikaw pa naman ang mas nakakatanda kaya huwag mo nang bigyan ng sakit nang ulo ang tiya." Mahabang wika ko rito. Si Ranz kasi ang may pinaka-matigas na ulo sa tatlong anak ng tiya.
"Oo ate magbabago na po ako," sabi nito. Napangiti naman ako. Siya kasi iyong tipong bata na kapag may sinabi e tutuparin talaga niya.
"Sige na aalis na ako. Pumasok na kayo sa loob baka umulan na naman." Sabay talikod ko at pasok sa tricycle na kanina pa naghihintay sa akin.
Pagkarating ko ng Maynila hindi ako masyadong nahirapan sa paghanap sa address na ibinigay ng tiya ngunit alas tres na nang hapon nang marating ko ito dahil malayo ito sa airport at kailangan ko pang sumakay sa bus nang dalawang beses.
"Tao po," ani ko. "Sandali!" Sigaw nang isang babae.
"Sino po sila?" Ani nito nang mabuksan na ang pintuan. Lumitaw sa harap ko ang isang babeng morena na kay kinis ng kutis.
"Magandang tanghali po, ako po si Amanda iyong pamangkin po ni Sheol." Pakilala ko rito sa aking sarili.
"Aww ikaw pala 'yan hija!" Gulat na wika nito.
"O-Opo," nahihiya kong sagot dito.
"Kay ganda mo pala talaga gaya nang sabi ng kaibigan ko. Sige pasok ka." Galak na wika nito sa akin.
"Ano pagod ka ba?" Sabi nito nang maka pasok na ako sa bahay.
"Medyo po," nahihiya kong sambit.
"Sige magpahinga ka muna pero sa ngayon sumunod ka muna sa akin at ihahatid kita sa magiging kuwarto mo."
"Si-Sige po," mahina kong saad habang naka sunod rito.
Malapit na kami sa hagdan ng muli itong magtanong. "Nga pala hija nahirapan ka ba sa paghanap nitong address ko?" Wika ulit nito.
"Hindi naman po masyado kasi pangatlong beses ko na po itong pagpunta," pilit akong tumawa pagkatapos kong magsalita dahil sa klase ng titig nito sa akin. Pagkatapos kong sumagot ay tumalikod na ito agad sa 'kin at nagpatuloy na sa paglalakad. Siguro ay nakita nito na hindi ako komportable sa klase ng pagka-titig nito kaya mabilis na itong tumalikod pagkatapos kong sumagot.
"Nandito na tayo. Ikaw diyan sa gitna habang iyang dalawang na na sa gilid mo na kuwarto ay sa mga anak ko. Bilin ko sa iyo hija, huwag kang magpapagabi diyan sa daan mahirap na maraming masasamang tao ngayon lalo na ikaw maganda ka kaya mag-ingat ka—nga pala kilala mo naman siguro ako di ba?" Mahabang wika nito sa akin na nagdulot sa akin nang pangamba.
Pagkatapos kong sumagot sa mga tanong nito ay nagpaalam na ang kaibigan ng tiya dahil may gagawin pa raw ito. Ako naman ay pumasok sa kuwarto na sinabi at doon na rin kumain pero syempre nag-ingat akong walang nahulog sa sahig nang mga kinain ko. Sabi pa naman ng tiya ay ayaw nito sa mga hindi marunong maglinis kaya nag-iingat talaga ako lalo na dahil hindi iyon kusina kundi kuwarto at pagkatapos kong kumain ay nahiga na ako sa katre para magpahinga.
Kinabukasan nagpunta agad ako sa address na ibinigay ng tiya na nagmamay-ari ng isang factory ng tsinelas.
Nang unang araw ko sa trabaho, ang ibang mga kasamahan ko sa factory ay masyadong masakit maka tingin, mayroon ding walang pakialam pero syempre mayron ding magiliw at mabait at iyon nga sa sobrang kabaitan nang isa kong naka trabaho ay naging kaibigan ko ito. Si Zefanias, Zef kong tawagin ko. Sabi nga nito noong unang araw ko sa factory ay maraming daw'ng naiingit sa akin dahil kaibigan ko na raw agad ang anak nang may-ari ng factory kong saan nakita nila akong inihatid ng anak ng may-ari sa lugar na pagtatrabahuan ko. Pero hindi naman iyon sana mangyayari kong hindi utos ng ama nito na siyang may-ari ng factory na kaibigan ng tiya.
Akala ko magiging maganda na ang pagta-trabaho ko rito pero kahapon lang napagalitan ako dahil sa mali kong nagawa at ngayon naman uuwi akong luhaan dahil sa natanggal na ako sa trabaho matapos akong mapagbintangan sa hindi ko ginawa.
Naglalakad ako papunta nang locker room dala ang una at huling sahod ko nang may hindi sinasadyang may mabangga ako. Dahil nakayuko ako sa pagkakataong 'yon kitang-kita ko kong ano ang katayuan ng taong nabangga ko. Nanghihina ako sa sobrang kaba at dahan-dahan na ini-angat ang aking mukha.
Na pa atras ako sa aking nakita... ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit ngunit ang kaniyang perpektong mukha na katulad ng isang griyego ay nananatiling kalmado. "Shit," bulong ko.