Chapter 1

AMANDA P. O. V

Pasado alas singko na nang hapon ng pauwi kami ng tiyahin ko galing sa paglalako ng kakanin nang bigla itong magsalita.

"Amanda hija, tungkol pala sa tatay mo. Ano may naipon ka na ba para sa operasyon niya?"

"Mayroon na naman po tiya, pero hindi pa po gano'n ka laki kaya matatagalan pa po si tatay bago natin siya madala sa Maynila," malungkot kong sabi rito habang napapayuko dahil hindi pa sapat ang pera na naipon ko.

May sakit kasi ang tatay sa puso kaya kailangan namin siyang dalhin sa Maynila kong saan nandoon ang magagaling na doctor.

"Paano 'yan Amanda baka mauna pang mawala ang kapatid ko kaysa gumaling siya. Gusto ko pa naman sanang makasama iyang tatay mo nang matagal, alam mo namang matagal kamin niyan hindi nag-kasama at nagkita," ani ng tiyahin ko.

"Hindi ko rin alam tiya, iniisip ko pa lang na mawawala ang tatay e nasasaktan na ako paano na lang kong magka-totoo siguro mababaliw ako. Wala na akong nanay at ayaw ko rin mawalan ng tatay," bigkas nang mga labi kong nanginginig sa takot kong sakaling mangyari ang kinatatakotan ko.

"Nga pala hija tungkol do'n sa sinabi ko sa iyo noong nakaraan, napagisipan muna ba? Malaking tulong 'yon kong saka-sakali."

"Hindi pa po ako sigurado tungkol doon tiya, ayaw ko namang iwan si tatay dito sa atin."

"Basta Amanda hija kong tutuloy ka ro'n sa sinabi ko sa iyo sabihan mo lang ako nang makabili agad tayo ng ticket."

"Si-Sige po tiya," mahinang sambit ko. Nahihiya na kasi ako sa tiyahin ko lagi na lang kasi itong tumutulong sa akin at ng tatay.

"Tara na! Bilisan na natin sa paglalakad nang hindi tayo maabutan ng dilim."

"Sige po," sang-ayon ko rito.

Dahil malayo ang bayan sa bahay namin naabutan na nga kami nang dilim sa daan. Mabuti na lang at dinala ko ang flashlight kaya may nagamit kaming pang ilaw sa daan ng tiya.

Nang nasa harap na kami nang bakuran ng aming kapit bahay ay dali-dali kaming naglakad papunta sa bahay namin dahil sa aming narinig.

Sa sobrang pagmamadali ko e muntik pa akong madulas sa may bukana ng tarangkahan namin mabuti na lang at nahawakan ako sa siko ng tiya.

"Mag-ingat ka hija," sambit nito kaya nakuha nito ang atensyon ko.

"O-Opo," natataranta kong sambit, kaya napa ayos ako sa pagka-tayo. Ngunit pagkaayos ko pa lang sa pagkakatayo e nakuha na naman ng mga pinsan 'ko ang aking atensyon.

Tiningnan ko ang tiya.

"Sige na Amanda mauna ka na."

"Opo!" Mabilis na may pagkasigaw kong sabi at dahan-dahang naglakad papunta sa may pinto ng bahay dahil madulas at maputik ang aming bakuran dahil sa umulan kanina.

Ngayon ay mas malinaw at mas malakas na ang sigaw ng aking mga pinsan kaya mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo papunta sa kuwarto ng tatay kong saan nagmumula ang mga tinig na nasasaktan at natatakot.

Hinahabol ko ang aking hininga ng mabuksan ko ang pinto ng aking ama, at doon tumambad sa akin ang aking tatay na naka higa sa malamig na sahig na kahoy habang naka hawak dito ang mga pinsan ko. Si Ranz na dose anyos na anak ng tiya na naka hawak sa isang braso ng tatay habang si Makoy naman na kasunod ni Ranz ay nasa kabila rin at ang bunso na si Pran ay nasa paanan ng aking tatay habang sabay-sabay na umiiyak sa naka handusay nilang tiyo.

Halos mapa luhod si Amanda sa kaniyang nakita, ang kaniyang ama ay naghihingalo na naman.

"A-Ate si Ti-Tiyo," sambit ni Ranz nang matanaw ako sa may pinto.

Si Ranz na mas nakakatanda sa magkakapatid ay naghahalo-halo na ang luha at sipon nito sa mukha.

Lumapit ako sa kanila at dinaluhan ang aking ama.

"Tatay! Kumapit lang po kayo tatay at dadalhin ka namin sa ospital huwag po kayong bumitaw maawa na po kayo, gusto ko pa po kayong makasama," usal ko rito habang nag-uumpisa nang magsilabasan ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan.

"Ranz! Lumabas ka at maghanap ka nang masasakyan natin. Dadalhin natin ang tatay sa ospital bilisan mo!" Natataranta kong sigaw dahil halos hindi ko na marinig ang paghinga ng tatay.

"Si-Sige ate Amanda."

"Tay! Kumapit lang po kayo, gagaling rin po kayo pangako."

"Amanda!" Ani nang isang boses ng babae. Napatingin naman ako kong saan ito nanggaling.

"Tiya!" Balik ko rito.

"Mag-ready kana ako nang bahala diyan!" Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa mga karton kong saan ang mga damit namin ay doon nakalagay. Sa aking pagmamadali ay hindi ko na alam kong ano ang dadalhin ko at sa sobrang pagkakataranta ay kong ano na lang ang nakikita ko ang nilalagay ko sa bag.

"Nandito na sila! Halika na Amanda!" Sigaw ng tiya.

"O-Opo," at nakita ko ang tatay na binuhat ng dalawang lalaki na tricycle driver pababa ng bahay. Sumunod ako pababa at nakita ko ang mga tsinelas namin na naka kalat sa sahig, imbes na kunin ko iyon dahil maraming putik ang naka dikit roon e iniwan ko na lang. Sa panahong iyon wala ako sa tamang pag-iisip at dali-daling na lamang na sumunod sa tatay na binubuhat ng dalawang tao. Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa labas ng emergency room kong saan naghihintay sa doctor na lumabas.

Nakayukong umiiyak si Amanda nang may biglang tumabi rito.

"Tahan na hija magiging okay lang din ang lahat. Hintayin na lang natin na lumabas ang doctor. Alam kong hindi naman niya tayo pabababayaan, manalig na lang tayo sa kaniya." Wika ng tiya ko habang naiiyak na rin sa sitwasyon.

"Paano? Paano tiya?" Naguguluhan kong tanong. Paano na lang kong masama ang dalang balita ng doctor na lalabas sa pintuan na iyan, anong gagawin ko, hindi ko rin alam. Huwag naman sana. Sana bigyan pa siya ng isang pagkakataon pangako ko gagawin ko na ang lahat. Huwag lang ang kunin siya. Huwag po, huwag ngayon. Nakikiusap ako sa inyo. Nasasaktang sambit ni Amanda sa kaniyang isipan habang dumadaloy ang mga luha sa kaniyang mga pisngi na hindi niya na halos kayang pigilan. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sobrang pagod habang yakap nang kaniyang tiyahin na nasa edad na singwenta.

"Matulog ka na lang muna." Ang huling narinig ko.

Halos dalawampung minuto na akong nakatayo sa gilid nang daan dito sa harap nang bahay namin. Iniisip ko kong tama bang umalis ako at iwan dito si tatay at pumunta ng Maynila at doon magtrabaho, baka kasi pag-alis ko e 'yon naman ang pagkawala ni tatay, pero wala naman akong ibang pagpipilian. Kong hindi ako aalis ano na lang ang mangyayari sa aking tatay.