Chapter 39: Kabanata 39

"SUMAKAY ka na, Binibini," aniya at agad ko namang sinunod. Hindi na bago sa akin ang sumakay rito dahil naranasan ko na rin ito noong ako'y bata pa lamang, ang hindi ko lamang alam ay ang tamang pagpapatakbo ng kabayo. Ngunit sa tingin ko'y kakayanin ko naman.

Laking gulat ko nang biglang tumakbo ang kabayo, agad akong napahawak sa siyahan ( saddle ) nito. Hindi ko alam kung saan ako idadala ng kabayo ngunit patuloy parin ito sa pagtakbo kasabay ang malamig na hangin na dumadampi sa aking katawan.

Nahulog ang gintong payneta na nasa aking ulo dahil sa bilis na pagtakbo nito at ang paglangoy sa hangin ng suot kong talukbong. Mula sa kalayuan, ay nakita ko ang isang lalakeng nakatayo sa ilalim ng olibo. Nakatalikod siya sa akin at pinapanood ang mga bituin sa langit, habang walang tigil na umaagos ang batis sa kanyang harapan.

Huminto ang kabayo at dahan dahan akong bumaba, at pagkatapos ay isinuot ko ang aking talukbong.

Humarap sa akin ang lalake at napagtanto ko kung sino ito.

Prinsipe Aelino.

Nagkatinginan kami kasabay ang malamig na simoy ng hangin na nagpalaglag sa ilang dahon ng olibo at tila pagbagal ng oras. Ngunit sa hindi ko inaasahan, may isang babaeng lumabas mula sa puno ng olibo at tumabi malapit kay Prinsipe Aelino. Nagtinginan silang dalawa at nginitian siya ng babae.

"J-Jaime..." wika ko at nginitian silang dalawa. Nagtinginan kami ni Prinsipe Aelino at animo'y naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan.

"Elersa! Kamusta ka na?" Biglang lumapit si Jaime sa akin nang may ngiti, ngunit ang mga tingin ko ay nakatuon parin kay Prinsipe Aelino na nananatiling nakatayo't walang imik.

"M-mabuti naman... K-kayo?" tanong ko at pilit siyang nginitian kahit pa man may kirot ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan.

"M-mabuti lang rin, Elersa. A-ang iyong kapatid..." Agad kong ibinaling kay Jaime ang aking tingin at nagsimulang kumalabog nang mabilis ang aking dibdib. Agad na maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan, di ako mapalagay sa kanyang winika.

"S-si Nilo, ang iyong kapatid," ulit ni Jaime at bakas rin sa kanyang pagsasalita ang kaba at animo'y nagdadalawang isip sa kanyang sasabihin. Di na ako umimik, hinintay ko nalang ang kanyang sunod na sasabihin.

"Siya'y nagaagaw-buhay." Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig at tila gumuho ang aking mundo.

Hindi maaari!

Tila sa isang iglap lamang ay nagbalik ang lahat ng ala-ala sa aking isipan habang kasama si Nilo. Pilit kong hinahabol ang aking hininga at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

"N-nasaan si N-Nilo ngayon?" tanong ko kay Jaime. Napatingin ako kay Prinsipe Aelino na nakatingin lamang sa lupa at siya ang sumagot sa akin. Ramdam ko parin ang panginginig ng aking mga binti at ang mabilis na kalabog ng aking puso.

"Nasa bahay ng manggagamot na nangangalang Pablo," deretsong sagot ni Prinsipe Aelino. Tiningnan ko siya at tumango lang ako sa kanya. Wala akong sinayang na oras, agad akong tumalikod at sumakay sa kabayong aking sinakyan kanina. Hinawakan ko ang sayahan (saddle) at nagsimulang patakbuhin ang kabayo na gumagawa ng malakas na huni sa lupa.

Ang bawat malalakas at sunod-sunod na padyak ng kabayo ay ang sunod-sunod rin na pagkalabog ng aking puso. Ang bawat talon nito sa lupa ay ang panginginig ng aking tuhod.

Pinatakbo ko nang mas mabilis ang kabayo dahilan upang maitaboy ng hangin ang aking talukbong. Nagsimula nang umulan habang tinatahak ko ang madamong lupain kasabay ang malamig na hangin na dumadampi sa aking katawan.

Nagsimula nang mag-init ang aking mga mata, at ang pagkirot ng aking puso. Hindi ko na maawat ang sunod-sunod na pag-agos ng aking luha na sumasabay sa bawat patak ng ulan. Pinatakbo ko nang mas mabilis ang kabayo sa maputik na daan.

Tila bumagal ang aking oras, at sa hindi inaasahan ay nabitawan ko ang sayahan ng kabayo dahilan upang mahulog ako at mabilis na magpagulong-gulong sa lupa. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan at ang sugat na namuo sa aking tuhod habang ako'y nananatiling nakahiga sa damuhan.

Nagsimula nang tumakbo papaalis ang kabayo at iniwan akong mag-isa sa gitna ng matatayog na damo. Ramdam na ramdam ko ang kirot ng aking katawan, ng aking mga mata, at ng aking puso, ngunit pilit akong tumayo kahit alam ko sa sarili kong hindi ko kaya. Kailangan kong tumayo, kailangan kong makita si Nilo.

Hindi ko naiwasang mainis at pagbuhatan ng loob ang mga damo sa aking paligid kasabay ang pagsimula muli ng napakalakas na bugso ng ulan. Nagsisigaw ako sa sakit na aking nararamdaman, pakiramdam ko ay nag-iisa lamang ako.

Bakit ko pa kailangang pagdaan ito?

Laking gulat ko nang may mabilis na humintong kabayo sa aking harapan at ang kamay na nakalahad sa akin. Napatingin ako sa lalakeng nasa kabayo, at nginitian niya ako. Kahit pa man madilim, malakas ang ulan, at ang makakapal na hamog ay nakapaligid sa amin, nakilala ko siya. Napatitig lang ako sa kanya kasabay ang malalakas na kulog at kidlat na nagbibigay ng panandaliang liwanag sa aming mga mukha. Agad akong natauhan.

"SASAKAY KA BA O HINDI?!" malakas na tanong niya sa akin. Pilit akong tumayo ngunit hindi talaga kaya ng aking mga tuhod. Napakamot sa ulo si Prinsipe Jobel at napangisi.

Sino ba naman kasing kakayanin pang maglakad matapos mahulog at mabilis na magpagulong-gulong sa lupa?!

Agad siyang lumundag sa kabayo at laking gulat ko nang buhatin niya ako. Ramdam ko ang mga kamay niya sa aking mga binti at maging sa aking baywang na animo'y may sensasyong dumadaloy sa aking katawan. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga dahil sa lapit ng aming nga mukha. Napakapit ako sa kanyang leeg at isinakay niya ako sa kabayo. Sunod siyang sumakay, sumigaw, at nagsimulang patakbuhin ang puting kabayo na sa tingin ko'y nagmula sa Kastilyo.

"Kumapit ka, Elersa!" sigaw niya habang mabilis na pinapatakbo ang kabayo. Sumubsob ang aking mukha sa kanyang likuran nang biglaan niyang pahintuin ang kabayo sa pagtakbo, napalapit at napakapit akong bigla sa kanya. Lalong kumalabog ang puso ko kasabay ang malakas na ihip ng hangin dala ng ulan.

"Ayaw mong makinig eh," natatawa niyang wika. Diko maiwasang mapangiti kahit pa man alam kong maraming bagay ang nagpaguho ng aking mundo sa loob lamang ng isang iglap. Di na ako nag-atubili pa, dahan-dahan ko siyang yinakap upang kumapit.

Nadaanan at nakita ko ang gintong paynetang nahulog sa damuhan kanina, ngunit mas pinabilis niyang lalo ang pagpapatakbo sa kabayo. Dahil sa lakas ng ulan at hangin ay tinangay ang kanyang suot na pilak na korona at walang tigil na nagpagulong-gulong sa lupa. Ngunit hindi niya ito alintana at patuloy parin siya sa pagpapatakbo ng kabayo.

"Ang iyong k-"

"Pabayaan mo na nang may kasama ang iyong gintong payneta," pagputol niya sa akin at natatawa pa.

"Pilak sa pilak," dagdag niya. Napaisip ako, sa tingin ko'y narinig ko na ang mga katagang kanyang binitawan. May isang ala-alang bumalik sa aking isipan.

"Ginto sa ginto," saad ni Prinsipe Aelino at isinuot sa aking buhok ang hawak niyang gintong payneta habang nakangiti. Hindi ko na maiwasang mapatitig sa kanyang mga mata habang tinitingala siya dahil sa kanyang tangkad.

Tila bumagal ang takbo ng oras, dinig ko ang aking pusong nagwawala, ramdam ko ang kanyang mainit na katawan na aking yakap-yakap. Mas pinabilis niya ang takbo ng kabayo.

"Alam mo ba ang bahay ni Mng. Pablo?" Tinaasan ko ang aking boses upang kanyang marinig. Marami nang kabayahan ang aming nadadaanan at tumitila na rin ang ulan.

"Oo, nagmula ako roon. At si Nilo..." Natahimik ako sa kanyang sinabi at ramdam ko nanaman ang panunusok sa aking dibdib habang kami'y papalapit sa aming paroroonan.

"Nandito na tayo."