Chapter 41: Different
Vanessa
Hawak namin sa magkabilang kamay si Nicca. Kababa pa lang namin ng kotse at ngayon ay dinadala ko sila sa kung nasaan ang pamilya. Pamilya ko, ibig sabihin ay silang lahat. Dad, Mom, Ate and her husband and son.
Magugulo na naman ang masarap kong buhay!
“So they are here? I am not prepared, hon. We should have used our Hiace.”
“It’s fine. Pwede namang salubungin lang natin sila tapos ay mag-rent na lang ng van.”
Nagkamot sa ulo si Haines at saka tumango. “No need. I can talk to the manager or the owner of this airline. We can surely use their van.”
Napangiti naman ako. Nakalalimutan kong malakas nga pala ang impluwensya nila sa negosyo lalo na pagdating sa technology.
“Mauna na kayo. I’ll just talk to them. I’ll call you after.”
Tumango ako bago siya humalik sa aking labi. Napababa ang tingin ko kay Nicca na nakatingala sa pagitan namin at saka nakatabon ng mata pero may siwang naman habang nakangiti nang malawak.
Itinulak ko na si Haines at saka nagpatuloy kami sa paglalakad.
“You’ll meet my family, baby Nicca. Can you pretend that you are my daughter?” Pambawi ko man lang sana sa panloloko nila sa akin.
“Mommy Vanessa, you are asking me to lie to them?”
Agad nanlaki ang mga mata ko lalo na nag tumigil kami at seryosong nakatingin sa akin si Nicca. “No… no, baby. We are just about to prank them.”
“But you’re prank is impossible to happen. I don’t look like you and I am turning five. They won’t believe you.”
Kahit bata lang ang kausap ko ay halos mapahiya ako. Tumango-tango na lang ako at saka ipinantay ang sarili sa kaniya.
“Okay, we won’t do that na po. Let’s go na, baby.”
Ngumiti naman siya nang pagkalaki-laki at saka ngumisi sa akin. “Let’s go, Mommy Vanessa. I love you!”
Pinisil ko ang pisngi niya bago kami naglakad.
Nakita ko agad ang pamilya kong may limang maleta sa kanilang harapan. Kumaway-kaway sila sa akin kaya halos tumakbo na ako kung hindi ko lang kapit si Nicca.
Shemay! Na-miss ko sila!
Nang marating ang kinatatayuan nila ay isa-isa silang yumakap sa akin. Si Mom, Dad at Ate. Tinanguan ko ang asawa ni ate at saka nakipagbeso at ang huli ay ang cute na cute at chubby kong pamangkin na lalaki. Matanda lang ito kay Nicca ng isang taon.
“Tita Mommy! I don’t miss you at all.”
Umirap ako at hindi na nagpaliguy-ligoy pa at niyakap ko siya. Kahit ilang buwan lamang ay pakiramdam ko ay nagpakatangkad-tangkad siya nang sobra.
Noong bata pa ito, hilig kong pa-iyakin pero kami naman ang laging magkasama kapag nasa work si ate at kuya. Wala kaming nanny roon at madalas ay sina mommy ang nagbabantay sa kaniya.
Napangiti ako nang makitang nakatitig siya kay Nicca. I almost forgot introducing her. Mapapagalitan na naman ako ng mtalinong batang ito.
Balak ko sanang lokohin sila na anak ko siya pero tama naman siya na palpak iyon. Masayang niyakap nina mom si Nicca na giliw na giliw naman sa pamilya ko.
Panghuli ay si Alexander na seryosong nakipagkilala kay Nicca. Napahagikhik ako dahil ang cute nilang dalawang tingnan. Napansin yata iyon ng dalawa kaya agad nilang kinalas ang shake hands nila. Mga bata pa pero kung makipagkilala sa isa’t isa ay akala mo ay kay tatanda na!
Alam ko na kung bakit. May crush panigurado ang pamangkin ko kay Nicca. Hindi naman siya ganyan umasta sa ibang bata.
Kinuha ko ang maleta ni mommy at saka naka-abra siete siyang sumabay sa akin. Katabi niya si dad at sa likuran namin ay sina ate.
Kahit nag-aasaran kaming buong pamilya, mahal na mahal ko sila at mataas ang respeto ko sa kanila. Ni minsan, hindi ako nakaisip na talikuran sila sa mga pagkakataong pinagagalitan o pinapangaralan ako. Never kong naramdaman na nale-left out ako sa pamilya at kapag nagde-desisyon sila, palaging kasama ako. Kaya naman kapag malalayo ako sa kanila, sa una ay napakahirap pero dahil nasanay na rin ako katagalan, nakayanan ko ng maging independent kahit na naroon iyong pagkamiss sa kanila.
Iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa sarili ko at maging proud sila sa akin. Sa ganoong paraan ay makabawi ako sa kanilang sakripisyo para mapalaki ako. Though, yeah, we have money to spare but nothing can be compared to every parents hard work.
“Hey…”
Tumawag si Haines at sinabi na okay na raw ang sasakyan at naroon sila sa may exit naghihintay.
May mga itinatanong sa akin sina mommy tungkol sa buhay ko rito sa Pinas.
Matapos ang ilang minutong paglalakad namin ay agad kong namataan si Haines na may kausap na lalaking kasing katawan niya. Simple siyang kumaway sa akin.
“And who’s that?”
May pagtataka sa tanong ni daddy pero may iba pa akong napansin doon. Ayaw niya bang magka-boyfriend ako?
“My boyfriend, Dad. Siya ‘yong CEO ng Medallon’s Excellence.”
Tumango na lang si dad at sumeryoso lalo. Humigpit ang hawak sa akin ni mommy nang makalapit kami. Nanahimik na sina ate sa likuran na kanina naman ay mga maiingay.
May problema ba sila?
Sinalubong niya ako ng kaniyang kaliwang kamay at agad na nagpahinga ang kamay niya sa aking baywang. He is shouting his ownership towards me. Kinikilig akom shemay! Ang tingg*l ko, tumibok na naman!
“Dad, Mom, Ate, Kuya and Xander, meet Haines Gian Medallon, my boyfriend.”
Nakatitig lang sila kay Haines, seryoso pero nang makita ko ang mata ni ate ay napansin ko ang lungkot doon. Ano bang problema nila?
Mabuti na lamang at dala na rin ng pagiging accommodating sa ibang tao, nagbago ang expression sa mukha ni mommy. Inilahad niya ang kamay kay Haines at saka ngumiti.
Napahinga ako nang maluwag. Hindi ko pa kailanman nakitang bastos ang pamilya ko sa ibang tao at kahit may tiwala ako sa kanila, natakot ako na baka hindi maging maganda ang una nilang pagkikita.
“Hello, Hijo. I… I mean – we are shocked that our daughter has a boyfriend now. She never told us about this at akala nga namin ay hindi siya kailanman papasok sa relationship dahil sa kalokohang taglay pero heto siya, agad na isasalubong sa amin ang balitang ito. Pasensya ka na, nagulat lang talaga kami.”
Tumungo si Haines at saka kinuha ang kamay ni mommy. Iyon pala ay para paglapatin ang noo niya sa likod ng palad ni mommy. Matapos ay si daddy naman ang sumunod at base sa mukha niya ngayon ay maayos na ang aliwalas ng mukha niya. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga lumabas na emosyon sa kanila kanina.
“Punta na lang po kami ni Haines bukas, Dad.”
Kumaway pa ako kahit na naisara na ng driver ang pinto.
Nakangiti lang si Haines maging si Nicca nang marating namin ang kotse. Ito iyong katahimikan talaga na kailanman ay hindi mo mapagiisipan ng masama. Dapat sasama kami sa bahay pero naisip ko naman si Nicca. Bukas na lang dahil alam kong may jetlag pa sila at hindi pa kami makakapag-bonding.
“Should we buy something, Hon?” tanong niya habang hawak-hawak ang hita ko. “For your family...”
Napa-ahh naman ako at saka tumango. Naglalakbay pa rin kasi ang isip ko. Why are they like that? Parang hindi sila masaya. Kumikirot ang puso ko sa isiping ganoon nga. I never had formal relationship but everytime we talk about that matter, they are all up and would tease me.
Now... it's different. I am expecting them to tell jokes... 'yong normal nila.
Nang makauwi kami ay agad na nagluto ng ulam si Haines dahil nagugutom na raw ang aming Baby Nicca. Excited naman namin siyang pinanuod sa ginagawa.
I am pretending just so Nicca won't feel the heavy aura.
Umalis saglit si Nicca para umihi. Lumapit sa akin si Haines at saka yumakap nang patagilid. Hindi ako makangiti nang maayos and I know, he can feel my worries too. He rested his jaw on my head. I can feel his heartbeats. Ilang beses siyang bumuntong hininga bago hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
“I think, they don’t like me.”