Chapter 40: Cuddle

Vanessa

I got a message from my parents and they are coming home this weekend!

Bigla akong kinabahan na uuwi sila. Ibig sabihin, they would know that I have a boyfriend na at talagang CEO pa ng kumpaniyang pinasukan ko! Baka isipin ng mga iyon na inakit ko si Haines!

Napaka-bully pa naman ng mga iyon. Baka hindi makapaniwala na mahuhulog iyon sa ganda ko.

Ngayon ikakasal sina Sabby at Juan. I am so excited and happy for those two. Parehas silang may mabubuting puso at bagay na bagay na sila ang magkakasama sa habang buhay.

Habang tumutugtog aang violin, ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan ng dalawa lalo na nang maglakad si Isabelle patungo sa harap kung nasaan si Diego at ang pari.

Punong-puno ang puso ko ng kasiyahan lalo na nang lingunin ko si baby Nicca na umiiyak habang nakangiting pinapanuod ang kaniyang mga magulang.

Lahat kami ay magaganda ang mga ngiti kahit nang matapos na ang kasal at ang makapunta kami sa reception.

Napag-usapan din namin na bukas pala ang honeymoon ng dalawa kaya namili na kami ng araw na babantayan si Nicca. Hindi pa kasi kumukuha ng katulong ang mag-asawa pero naiintindihan ko naman dahil siguro kung ako ay ganoon din. I want to be a hands-on mom to my future kids.

At makikita naman kay Nicca na napalakisiya nang maayos ni Sabby dahil sa napakatalino at napaka-sweet. Kung magkaka-anak ako ay gusto kong ganyan ka-bibo kay Nicca o kaya ay kamukha ni Haines.

“Mommy Vanessa!”

Napatili ako at napatakbo sa may parking ng building namin nang makita sina Bryar at Miguel at kasama nilang nakatayo si baby Nicca sa harap ng kanilang sasakyan.

Tapos na ang schedule nila kaya ako naman pero bakit naman kaya magkasama ang dalawang ito?

I can really sense something with this two at kung tama man ang hinala ko ay isa ako sa matutuwa. I can see in Miguel’s eyes how much he adores Bryar. Kahit na sa bibig niya ay purong pambu-bully, sa mga mata niya, iba ang sinasabi.

“Baby Nicca! I miss you so much!” Patakbo siyang lumapit sa akin nang maupo ako at idinipa ang dalawang kamay. Agad namang yumakap sa akin si Nicca at saka humalik sa magkabila kong pisngi.

Nagpaalam na rin sina Bryar matapos makipag-beso sa akin at ganoon din si Miguel na mukhang wala sa mood dahil tinanguan lamang ako. Problema ng dalawang ‘yon?

Dinala ko si Nicca sa unit ni Haines dahil naroon ang maraming pagkain. Doon kasi kami madalas magkasama kaya naroon ang stocks ng mag pagkain namin.

Haines is not yet here dahil may meeting sila sa office at maya-maya pa ang uwi non pero sinabihan ko ng bumili ng pwede naming kaining tatlo mamaya. Nicca’s favorite is Jollibee kaya hindi iyon mawawala.

“How are you, baby?”

“I am fine po, Mommy Vanessa. I had a great time with Tito Ninong Miguel and Tita Bryar.”

Napangiti naman ako at saka inayos ang buhok niyang nagulo nang tanggalin ko ang bag niya na nakasakbit sa kaniyang balikat.

“That’s good. What do you want to do here? You want us to go out?”

Pabagsak siyang naupo sa couch at nakangiti ko siyang sinundan doon. Sumandal siya saka ipinagkrus ang kaniyang kamay. “I don’t feel like going out today. Can you teach me something else aside from school matters? Tita Bry has been lecturing me yesterday. My brain needs to rest.”

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa ka-kyutan niya. Nakalabi pa talaga siya at saka lumobo ang kaniyang pisngi. She is so cute! Kahit yata hindi an ako magtrabaho at titigan na lang siya maghapon ay mabubuhay ako!

At dahil mukhang ayaw na niyang mag-aral, niyaya ko siya sa aking unit at tinuruan pagdating sa fashion. Sayang lang kung may mag damit siya rito. I also taught her how to fix her hair.

Nagtatawanan kami sa sahig dahil natapilok ako habang naglalakad pero sinadya ko iyon dahil masyado na siyang seryoso sa itinuturo ko. Ngayon ay nakahandusay kami habang kunwari ay ipinapagamot ko sa kaniya ang paa ko.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nagulat kaming dalawa ni Nicca. Agad kaming napahinag nang maluwag nang iluwa niyon si Haines na gwapong-gwapo sa kaniyang CEO looking get up. Shemay!

Ang sarap niya talagang tingnan! Bumaba ang tingin ko sa kaunting umbok na naroon. Bigla akong naglaway pero agad kong iwinaksi iyon sa aking isipan dahil may bata kaming kasama.

Napangisi naman si Haines nang mapansin kung saan ako nakatingin kanina.

“Tito Gian!” Tumayo si Nicca at saka yumakap kay Haines.

Niligpit na muna namin ni Nicca an gaming mag ginamit bago kami lumipat sa unit ni Haines at doon kami kumain.

Nalaman ko na binilisan niyang matapso ang meeting para lamang makasama kami ni Nicca. One of the thinsg I discovered about Haines is he loves kids so much.

Super hands-on siya magintindi kay Nicca at sa mga gusto nito. ANg sarap makita ang lalaking maalaga sa bata. Karamihan kasi ay ayaw na ayaw lalo na kapag makukulit ang bata.

Matapos ng lunch ay sa kwarto kami ni Haines nanuod hanggang sa makatulog si Nicca.

Iniwan na muna namin siya roon bago kami lumipat sa labas.

“Gusto mo rin yatang matulog, bakit hindi na lang sa loob?”

Inayos niya ang unan namin. We are sharing the big pillow here on the carpet. Ewan ko ba sa lalaking ito kung ano ang gusto.

“I want to cuddle.”

Tumagilid na siya ng higa at saka yumakap sa akin. Nakatihaya lamang ako. Ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko at dinakot ang isa kong dibdib. Tatanggalin ko sana ang kamay niya nang magsalita siya at sumiksik sa may kilikili ko. “Let me. Just put a throw pillow if ever Nicca woke up. I’ll take a nap, hon.”

Ganito siya kapag matutulog kami. Palaging nakadakot ang isang kamay sa dibdib ko. I don’t usually put a bra when I am home or even outside depending on my outfits especially if it is a sando because it already has foam. If not, I put nipple tape.

At ngayon, wala akong bra o nipple tape dahil ang sando kong suot ay mayroon ng nakadisenyong foam.

Pinalo ko ang kamay niya nang maglumikot ito at laruin ang aking nipple. “Haines Gian, if you continue this one, no sex for a month.”

Agad naman siyang tumigil pero ang kamay ay naroon pa rin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Nagising lamang ako nang marinig kong may naghuhugas ng pinggan. Akala ko nag ay si Haines iyon peor nang malaman na nakayakap pa rin siya sa tabi ko ay agad akong napatayo at saka sinilip si Nicca na hinuhugasana ang isang platito, tindor at saka baso.

Napatabon ako sa aking bibig dahil sa kaniyang ginagawa. “Nicca baby. What are you doing?”

Napalingon siya sa akin bago ngumti at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. “I got hungry po and you are deeply asleep that is why I just ate on my own without waking up the two of you.”

Napayakap ako sa kaniya mula sa likuran at saka hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

Pwede bang ampunin ko na lang ang batang ito?

Nang matapos siya ay saka naman tumunog ang cellphone ko.

"Yes, Dad..."

"Kabababa lang namin ng eroplano."

Nasamid ako ng sarili kong laway. "What do you mean?"

Narinig ko ang tawanan nila kaya mas lalong nakumpiram ang hinala ko.

"Sunduin mo kami tapos diretso na hanggang sa bahay."

Tumango na lamang ako at saka binihisan si Nicca ng damit. Sinisigawan ko rin si Haines na bumangon na dahil may susunduin kami. Hindi ko sinasabing ang pamilya ko.

Ano kayang reaction ng mga magulang ko na may bitbit akong bata at isang matipunong boyfriend. Pero kinakabahan pa rin akong ipakilala si Haines kina Mommy at Daddy.

Bakit ba kasi ang hilig manloko ng pamilya ko! Ang sabi, sa weekend tapos lumilipad na pala sila.

Nakakastress! Shemay talaga.

Kailan kaya ako masasanay sa kabaliwan nila?