Chapter 48

Celeste’s POV

“You don’t really want to stay in our house? Baka busy si Presley sa office kaya hindi na nakauwi kagabi?”tanong ni Judy habang pinaglalaruan ako. Patungo na kami ngayon sa opisina ni Lyle dahil kanina pa ako tahol ng tahol. Hindi mapakali na hindi man lang ako sinundo ni Lyle sa bahay nina Judy pagkatapos niya akong iwanan doon.

Nag-eenjoy naman ako kasama si Diego, kaya lang ay hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko siya nakikita si Lyle at hangga’t hindi ko nalalaman kung talaga bang may tinapos sa kanyang opisina.

Maya-maya ay nakarating na kami dito. Haharangin pa sana kami ng receptionist kaya lang ay mukhang namukhaan ang mataray na si Judy.

“Hey.”nakangiting bati ni Ate Loxy nang makitang paakyat din si Judy. Parehas naman kaming napatingin dito.

“Where are you going?”tanong nito sa amin at sumakay na sa elevator. Nagpaubaya naman ang ilang sasakay dapat at hindi na sumabay pa kina Ate.

“Ihahatid ko lang ‘tong si Heaven kay Presley, Ate, how about you?”tanong ni Judy habang nakatingin dito.

“I have something to talk with Presley about the project.”sabi nito at pinakita ang folder na hawak.

“How about Diego? Is he still asleep?”tanong nito na mukhang gustong makita ang inaanak.

“Hmm, yeah, halos puyat nga ang Daddy kaiiyak niya kaninang madaling araw.”natatawang saad ni Judy. Nagkwentuhan naman sila tungkol kay Diego. Ang daming tanong ni Ate.

“So are you going tomorrow?”tanong ni Ate.

“Oo, Ate, pero baka kami lang ni Michael dahil hindi pa ata pupwede si Diego, masiyadong mainit sa sementeryo.”sabi nito. Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinasabi nila. Agad naman akong napaisip kung sino ang dadalawin ng mga ito doon ngunit saka ko lang naalala na it’s my death anniversary tomorrow at unti-unti na nga talaga akong kinakalimutan ni Lyle dahil maski death anniversary ko ay nakalimutan na ata nito.

“Ahh, yeah, sayang naman, paniguradong gustong-gusto ng makita ni Celes ang inaanak niya.”nakangiting saad ni Ate. Malungkot naman na napangiti at napatango na lang si Judy.

Nagtungo naman na kami sa office. Wala si Zen sa labas kaya naman dire-diretso na silang pumasok sa opisina. Pare-parehas naman kaming natigilan nang makitang nagyayakapan sina Lyle at Zen sa tapat ng mesa ni Lyle.

Parang unti-unti naman akong binalot ng panibugho habang pinagmamasdan ko si Zen at Lyle.

“What the heck?”malakas na sigaw ni Ate nang makita ‘yon.

Si Judy naman ay hinahawakan ang braso ni Ate. Dahan dahan naman na naghiwalay ang dalawa. Napatingin naman ako kay Harver na nasa gilid. He was just looking outside ngunit agad na nagulat nang marinig ang sigaw ni Ate.

“It’s Celes death anniversary tomorrow at nagawa mo pang makipaglandian, Presley?”tanong ni Ate. I don’t know what to feel. Gusto ko siyang ipagkait pero hindi pwede.

“Ate, it’s been 3 years since Celes disappear, tama lang naman siguro na kalimutan na ni Presley, ‘di ba?”tanong ni Judy kaya mabilis akong napatingin sa kanya. Siguro, oo, tama siya. Tatlong taon na nga ang nakalipas pero tama rin bang kalimutan na lang ako?

Bakit, Judy? Kinalimutan mo na rin ba ako? I wanted to ask her pero alam kong hindi ko magagawa.

Fuck, I don’t want to be forgotten. Dapat ba akong matuwa na pinagtatanggol ako ni Ate ngayon?

“At kung magyayakapan kayo, sana naman alisin niyo ‘yang litrato ng kapatid ko.”sabi ni Ate na lumapit pa doon para kuhanin ang picture ko sa gilid ng lamesa ni Lyle.

Napatingin naman ako kay Lyle. He looked wasted. Nang subukan kong lumapit sa kanya ay agad din akong napaatras nang maamoy ko ang alak mula sa kanya.

“Sana maalala mo rin na putangina mahal na mahal ka no’n.”sabi ni Ate na nagpunas ng luhang tumulo sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, masaya ako na pinagtanggol ako ni Ate at talaga namang maski siya ay nasasaktan para sa akin.

“I’m sorry about that Lyle, alam mo naman na sa ating lahat, si Ate Loxy ata ang hindi pa nakakamove on sa pagkawala ni Celes.”sabi ni Judy.

“You know how much she loves Celes na maski ang fiance niya ay hindi na siya nakayanan.”sabi pa ni Judy kaya agad akong napatingin sa kanya dahil dito. So that’s why I don’t even see her fiance. It’s my fault.

“Can we talk?”tanong pa ni Judy kay Lyle na nakatulala lang sa isang tabi. Tumango na lang ito at sumunod kay Judy pagkalabas. Pinanonood ko lang sila. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang maging reaksiyon.

Si Harver naman ay tahimik lang sa nasaksihan samantalang si Judy ay natulala lang din sa isang tabi. Maya-maya ay natuahan na ito at tila walang nangyari. Malapad siyang ngumiti sa amin.

“I’ll make you some coffee, Sir.”sabi niya kay Harver.

“Yeah, sure, Ms. Dela Fuente.”sabi ni Harver sa kanya. Nilapitan naman ako ni Zen habang nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa mata. Dapat lang.

“Hey...”bati niya sa akin ngunit agad ko siyang inangilan at tinahulan dahil dito. She looked shocked dahil kailanman hindi ko siya sinungitan. Madalas kaming dalawa ang magkasangga ngunit hindi na ngayon.

“Hey, what’s wrong?”tanong niya na magtatangka pa ulit akong hawakan ngunit agad ko siyang tinahulan dahil dito. Inangilan ko pa siya lalo.

Don’t smile at me like that, nagmumukha kang plastik. Bakit nga ba siya nagmumukhang plastik, Celes, kung totoo lang naman ang mga ngiti nito? Totoo nga ba talaga. She was smiling but she looked hurt.

Hindi ko siya gusto kay Lyle dahil masiyado siyang mabait. She’s too good to be true, baka ginagamit niya lang si Lyle para yumaman. Baka kaya rin siya mabait sa akin dahil gusto niyang akitin si Lyle.

O baka naman gumagawa ka lang ng dahilan, Celes, para ayawan siya. Kilala mo rin si Zen, hindi siya gagawa ng kung ano pero hindi mo rin siya lumubusang kilala. Ang hirap hirap makipagtalo sa aking sarili.

Gumagawa ng paraan dahil ayaw mong mapunta sa kahit na sino si Lyle. How funny.

“Hmm, kuhanan na lang kita ng pagkain, okay?”nakangiti niyang tanong kahit na masama ang trato ko sa kanya. Nakakairita siya, kaya tuloy inaabuso siya ng marami e. Nakakainis.

Nang makaalis na siya ay tumayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang paligid mula sa labas.

“Do you want to hear some story?”natatawang tanong ni Harver sa akin kaya napasulyap ako sa kanya. Prenteng prente lang itong nakatayo sa tabi ko, akala mo’y modelo pa sa paraan ng pagtayo.

“Once upon a time, there was a prince who love his princess so much, he was supposed to marry that princess and make her his queen, but sadly, the princess died..”pagkukwento nito. Napatitig ako sa kanya dahil dito. Bakit pakiramdam ko alam ko kung sino ang prinsepe na tinutukoy nito at ang prinsensa na sinasabi.

“Syempre, nalungkot ang prinsepe dahil dito, nalulong sa sariling lungkot. Naging lason ang alak.. he was living but it seems like he doesn’t have any other reason to live.”pagpapatuloy niya ng kwento. Hindi ko maiwasang matulala habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba ako ng iniisip pero bakit pakiramdam ko ay si Lyle ang tinutukoy nito.

“Maraming kaibigan ang prinsepe ngunit ni isa sa kanila wala siyang pinagsabihan. He likes to hide his pain to himself kaya mas lalo pang nalason ito. Hindi ordinaryong lason, mas nakakatakot malason ng kalungkutan para bang wala ng gamot para dito.”sabi niya na tila naalala si Lyle.

“Mahal na mahal ng prinsepe ang prinsesa kaya hindi niya magawang pakawalan. As if he was also waiting for his time to die, para bang handang handa na itong sumunod but then another princess came…”patuloy ang pagkukwento nito kaya hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

“Magkaibang magkaiba ang dalawang prinsesa but the thing is the other princess can also make the prince happy. He started laughing again. Not so same like he used to be but atleast he started to open up with another person again.”sabi pa ni Harver. Hindi ko maiwasang matulala lang sa isang tabi, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman.

“Years later, the prince started to live again because of the princess and because of his pet whose named Heaven.”sabi niya at napangiti habang nakatingin sa akin.

“The princess was always there for the prince, they started to have feelings for each other.”sabi nito kaya natigilan ako ngunit nagoatuloy ulit si Harver sa pagkukwento.

“But they decided to end their love story when they didn’t even start it. The one isn’t ready yet while the other one isn’t sure what he really feels...”agad akong napatingin sa kanya dahil dito.

“End.”natatawa niya pang saad at napatingin na lang sa kawalan. Parehas naman kaming natahimik. Hindi pa rin dumadating si Zen. Nakatingin lang kami sa kawalan ni Harver.

“Are you mad at Zen?”tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya.

“Akala ko ba gusto mo siya?”natatawa pa nitong tanong.

“Huwag ka ng magalit kay Zen, inaalagaan no’n ng sobra ang amo mo.”natatawa niyang saad sa akin.

“She was the other princess that I was talking about. She used to take care of your guardian.”natatawa niyang saad.

“Years ago, Presley’s girlfriend died, nalulong sa alak si Lyle kung hindi naman sa alak buong magdamag nagtatrabaho.”na hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin.

“Nagtataka pa ako no’n kung bakit fresh na fresh pa rin ang amo mo kapag nasa trabaho kahit mukhang puyat at medyo amoy alak.”natatawa niyang kwento.

“’Yon naman pala, dinadalhan ng damit ni Zen tuwing umaga at siya pa mismo ang magluluto ng breakfast nito. Sana ol may sekretaryang kasing kabait niya no?”natatawang saad nito. Baka naman umpisa pa lang ay pinagsasamantalahan niya na ang kahinaan nito. Baka naman kasi naghahanap ka nanaman ng butas para hindi mapunta sa kanya si Lyle, Celes?

“Siya ‘tong nag-aalaga kay Lyle sa ilang taong makalipas. Palihim pa nga niya ‘yon ginagawa. Maski siya ay puyat din kaaalaga sa amo mo kaya maging mabait ka sa kanya, okay?”sabi pa ni Harver. Hindi ko naman alam kung ano nga ba ang dapat na maging reaksiyon ko dahil dito.

Kahit ayaw ko, hindi ko mapigilang kwestiyunin ang kabutihang pinakikita ni Zen kay Lyle. Bakit niya naman ‘yon gagawin? Bakit niya naman ito aalagaan gayong hindi naman sila magkadugo o ano pwere na lang kung noon pa man ay gusto niya na ito at abangers lang talaga.

“She’s one of the reason why he survive so be good to her, okay?”tanong niya pa sa akin ngunit mukhang hindi ko ata magagawang maging mabait sa kanya gayong hindi ko sigurado kung bakit niya ginawa ang lahat ng ‘yon.

Ganyan ka na ba kadesperada, Celes? Gumawa na nga ng kabutihan ‘yong tao pero ito ka naghahanap ng butas sa kabaitan nito. I hate those kind of people pero ganoon din pala ako. Well, I hate myself too. Hindi ko magawang matuwa sa lahat ng ginagawa ko.

Para bang hindi na tama, ni wala ngang ginagawang masama ‘yon tao. Ganoon din naman si Lyle, tatlong taon na ang nakalipas at dapat lang na kalimutan niya na ako. Ang unfair ko. Alam kong kapag ako ang nasa sitwasiyon ni Lyle paniguradong palalayain ako nito at hahayaan na lang na maging masaya sa iba but looked at me locking him down.

He deserved to be happy, Celes. Let him go...

Naglalaban ang opinyon ng dalawang parte sa aking utak. The other one don’t want him to be happy unless it’s me.

Pero wala na ako, paano ko pa nga ba siya pasasayahin kung hindi na ako si Celes. Ni hindi mo nga siya magawang alagaan. But the other part of me doesn’t want to be forgotten, I wanted to remain there... in his heart. Gusto kong tuparin niya ang pangako niya sa akin na ako lang kahit hindi na siya.