Chapter 47

Celeste’s POV

“Nakakapagod pala ang jogging niyo ni Heaven, Boss.”natatawang saad ni Zen habang nagjojogging kami.

Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanilang dalawa. Kahit naman siguro sino, mapapansin sa kanilang mga mata ang saya.

Susubukan pa sana akong hawakan ni Zen ngunit kusa na akong napaalis doon. Well, hindi ko gusto na ganito na sila kaclose ni Lyle na tipong may usapan pang magjogging sa umaga.

Agad kong inangilan si Zen nang magtangka siyang hahawakan ulit ako. She’s smiling pero agad na dumapo ang iritasiyon sa akin dahil dito. Natigilan naman siya sa akin dahil dito. Tinignan niya ako nang nagtataka.

“Wala pa nga tayo sa kalahati, pagod ka na agad.”natatawang saad ni Lyle sa kanya at inabutan na lang ito ng maiinom.

“Thanks, Boss.”sabi ni Zen sa kanya at uminom dito. Napatingin pa siya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanila. Nginitian niya naman ako dahil dito ngunit agad akong nag-iwas ng tingin at nagsimula ulit na tumakbo, agad ko namang nahila si Lyle dahil dito.

Sinusubukan kong iwanan si Zen katulad ng ginawa kay Pia ngunit mukhang mas sanay itong magjogging at mukhang exercise na rin tuwing umaga. Nakakasabay siya sa amin ni Lyle.

“Wow, wala ka bang kapaguran, Heaven?”natatawa niyang tanong habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at mas binilisan pa ang pagtakbo. Napatawa na lang siya sa akin at humabol lang din.

Maya-maya ay parehas na talaga silang pagod at hindi ko pa rin naiiwan si Zen, hinayaan ko na lang, binagalan na ang takbo.

“Boss...”tawag ni Zen at iniabot niya ang towel kay Lyle.

“Thanks.”sabi nito at nagpunas na rin ng pawis.

“I know some food stall here, baka gusto niyong subukan, Boss. Masarap doon!”nakangiting suhestiyon ni Zen kay Lyle. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil dito o ano ngunit mas lalo lang akong naiirita kay Zen kahit hindi naman dapat.

“Sure. Let’s go.”sabi nito at tinignan ako. Nginitian pa niya ako bago kami sumunod kay Zen.

“Manang!”nakangiting bati ni Zen habang nakatingin sa isang tindera ng lomi.

“Zen, hija, mabuti’t nandito ka, kasama mo ba ang Mama mo?”tanong nito at napalingon pa sa likod ni Zen. Agad naman siyang napangisi nang makitang may gwapong lalaking nandito ngayon.

“Good morning, Pogi, anong order mo?!”nakangiting saad ng tindera na pinagmamasdan si Lyle mula ulo hanggang paa.

“I’ll take what she take.”sabi ni Lyle at sinenyas si Zen.

“Ayy, englisher pala, Zen.”natatawang saad nito at iginiya na lang kami sa mga lamesa.

“Hey, you don’t want to eat?”tanong ni Lyle sa akin. I’m not going to eat here no matter what they do.

“Come on, let’s eat.”sabi niya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang pumasok dito dahil naamoy na rin ang mabangong halimuyak ng lomi.

Maya-maya ay mas marami pa ata ang nakain ko kaysa kina Lyle. Nakangiti lang naman nila akong pinapanood.

Nang matapos naman na kami sa pagkain ay umalis na rin kami doon. Hinatid lang din ni Lyle si Zen na hindi ko naman gustong ginagawa nito.

“Zen, anak? Kasama mo ba si Presley? Ibigay mo ito sa kanya.”sabi ng Mama ni Zen at nag-abot ng puto na mukha kagagawa lang.

“Oh.. nandiyan ka pala, Presley. Ito oh, kainin niyo ng aso mo. Nasisigurado ko nanaman kasi na hindi mo ako pauunlakan na papasukin ka sa bahay.”nakangiti nitong saad.

“Thank you po..”sabi ni Lyle at ngumiti dito. Hindi ko nanaman makontrol ang selos na nararamdaman ko kaya agad kong hinila ang laylayan ng damit ni Lyle.

“Walang anuman! Siya sige na’t kainin mo ‘yan, ha?”sabi pa nito na pumasok na rin sa loob.

“Saka dalaw ka dito minsan, iwan mo muna si Heaven.”natatawa nitong saad. Napatahol naman ako dahil dito.

Pagkarating namin sa penthouse ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Lyle mula sa kanyang mga labi. Hindi ko naman maiwasang mairita dahil dito. Umaatake nanaman ang inggit sa akin.

Pinasok niya muna ‘yon sa kanyang ref at nagshower lang sandali bago nahiga sa sofa at tinabihan na ako.

“Let’s stay here and watch some movies.”pakanta niyang saad at nagbukas na ng panonoorin. Parehas lang kaming nakatulog ulit dahil maaga kaming lumabas kanina.

Nagising naman ako nang makitang wala na sa tabi ko si Lyle. Napatayo naman ako sa pagkakahiga at sinubukan siyang hanapin. Nakita ko naman siyang nakaupo sa kanyang kama. Lalapitan ko na sana kaya lang ay natigilan ako nang makita kung ano ang hawak niya.

He was holding the scarf that was knitted by Zen. So para sa kanya pala ito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang tinitignan ko siyang nakatitig lang dito. Hindi ko mabasa ang iniisip nito.

Kahit na anong pilit kong alisin ang selos, hindi ko na talaga maalis ito sa aking sistema, kusa ko na lang talaga ‘tong nararamdaman. Hindi ko siya kayang makitang masaya sa feeling ng iba at unti-unti na akong kalimutan. ‘Yong unti-unti hanggang sa tuluyan na akong mawawala sa kanyang memorya at hindi ko gustong mangyari iyon.

Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi ko hahayaang makita siyang masaya kasama ang iba. Hindi ko na siya tuluyan pang nilapitan, imbis na puntahan siya, umalis na lang ako sa tapat niya.

Sinubukan kong akyatin ang kwarto ko ngunit hindi na ako kasiya ngayon. Kung matatandaan ko, nandoon ang diary na siyang puno ng mga memorya ko kasama siya. Kung hindi man niya ako maalala, ako mismo ang magpapaalala sa kanya.

Hindi ko mabuksan ang pintuan, sinubukan ko pang maghanap ng susi. Bago ko pa mabuksan ay nakita na ako ni Lyle.

“What are you doing, Heaven?”tanong niya sa akin at napanguso. Napatingin pa siya sa kwartong sinusubukan kong buksan.

“You curious little dog.”napailing na lang siya sa akin at binuhat ako. Lalabas na sana kami nang may makita akong nakaipit sa pinakasuksukan ng sofa. Agad akong tumalon para kunin ‘yon. Agad akong napangisi sa aking isipan nang makuha ko ang clip na siyang akin talaga.

Ito ‘yong clip na nakuha ko sa kwarto ko noong huli kong subok na punta doon. Ni hindi ko ito naisuot dahil nga nag-away kami.

Habang kagat kagat iyon, sinubukan kong ibigay kay Lyle. Naglahad naman siya ng kamay at umupo pa para matapatan ako.

“What’s that?”nakangiti niyang tanong, ibinaba ko naman ‘yon sa kanyang kamay. Nawala ang ngiti niya at natigilan siya sa pagkakaupo. Napatingin lang siya sa clip ng matagal na tila ba mayroong kakaiba dito.

“It’s Celes’s clip? Where did you find it?”mahina na tanong niya. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya dito.

Umalis siya sa harapan ko at nagtungo sa kanyang kwarto. Sinusundan ko lang siya ng tingin, papasok pa sana ako kaya lang ay napagpasiyahan kong huwag na lang.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa atmosperang bumabalot sa loob ng kwarto niya. I don’t know if I should be happy about that or what.

Well, gagawin ko ang lahat para hindi niya ako makalimutan, hindi pa sapat ang clip na ‘yon kaya sinubukan ko pa ulit na buksan ang kwarto ko para lang mahanap ang diary na siyang laman ng lahat.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang mabuksan ko na ito ng tuluyan. Agad ko naman hinanap at kinalikot ang kwarto ko. Katulad noong huling pasok ko dito. Kumpletong kumpleto pa rin ang gamit kaya pinagmasdan ko muna ang mga ‘yon sandali bago ko tuluyang hanapin ang mga bagay na hinahanap ko.

Agad akong nagtungo sa walk in closet kung saan hindi nakakapasok si Lyle at sigurado rin akong hindi niya ‘yon mahahanap. Agad kong nakita ang diary ko. Napangiti naman ako sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ‘yon.

Nagbasa pa ako ng isang linya mula sa diary ko mula sa dulong pahina.

“Kapag dumating ‘yong araw na hindi na siya masaya sa piling ko, I’ll let him go.. makita ko lang siyang masaya.. kahit hindi na ako.”bullshit, Celes. Why? Are you happy right now? Fucking no, right?

Agad kong pinunit ang huling pahina na ‘yon at tinapon sa gilid. Like I would let him read that. Kung hindi siya magiging masaya sa akin, edi mabuting huwag na lang. May katuloy pa ‘yon mgunit hindi ako natuwa sa sariling sinulat kaya agad kong tinapon.

Nalibang naman ako sa pagbabasa sa diary ko na halos makalimutan ko na ang oras. Napangiti na lang ako habang binabasa pa ang isang linya.

“Lyle proposed to me!! Can’t you believe it? Crush ko lang ‘yon noon, pakakasalanan ko na ngayon. Well, kapag hindi ako ang pinakasalan nito, sisiguraduhin kong sa kauna-unahanag pagkakataon, maninira ako ng kasal. Joke.”hindi ko alam kung matatawa ba ako dito dahil sa isang parte may pagkatotoo rin naman talaga ‘yon.

Pinapangarap ko lang siyang pakasalan noon at hanggang ngayon but it will never happenned. Napangiti na lang ako ng mapait sa sarili.

Kung hindi ako ang pakakasalan niya, edi mabuting hindi na lang. Agad ko nang kinagat ang diary at lumabas ng walk in closet. Pinindot ko pa ang pinto saka ko dahan dahang hinila ‘yon. Natagalan din pala ako sa kwarto na hindi ko na namamalayan ang oras.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni Lyle ngunit kahit day off niya na ay nagbabad pa rin ito sa trabaho na hindi na niya nanamalayan ang pagpasok ko. Maski ata ang pagkawala ko kanina pa ay hindi niya napapansin. Mukhang hindi pa rin ito lumalabas dahil nakababad lang ang tingin sa kanyang ginagawa.

Tinahulan ko naman siya dahil dito. Tipid niya naman akong nginitian.

“Are you hungry? What do you want to eat?”tanong niya sa akin.

“I ordered some fast food. Parating na rin siguro ‘yon.”sabi niya na hindi na sa akin nakatingin. Tumahol pa ulit ako dahil hindi niya ata napansin ang diary na nasa paanan ko.

Kinagat ko naman ‘yon nang tumingin siya sa akin. Mas lalo pa siyang nagtaka nang makita ang hawak ko.

“What’s that?”hindi niya maiwasang itanong saka niya sinubukang kunin sa bibig ko.

“Don’t eat this, if you’re hungry padating na ang pagkain natin.”sabi niya pa na binaba ang diary sa tabi ng kanya. Mukhang hindi nakuha ang gusto kong iparating kaya mas lalo pa akong tumahol at sinusubukang kunin ulit ang diary na nasa tabi niya.

Pakiramdam ko naman ay may hinuha na siya ngunit ayaw niya lang ipaalam.

“What? ‘Yon na ang pagkain natin. Let’s go.”sabi niya na nginitian pa ako nang may nagdodoorbell na mula sa labas. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang dito dahil nagugutom na rin naman ako.

I want him to read my diary in front of me. I want to see his reaction ngunit tila ba wala siyang balak basahin ‘yon.

Dumating na nga ang fastfood na binili namin kaya kumain na lang kami ng kumain. Maya-maya nang matapos ay agad akong nagtungo ulit sa kwarto niya para kunin ‘yon. Kagat kagat ko naman nang dala ang diary patungo sa kanya. Wala nang pakialam kahit panay laway na ‘yon basta ang gusto ko lang ay mabasa niya ‘to.

“Where do you find it?”tanong niya at napatingin pa sa pintuan ko ngunit nakalock na ‘yon.

Napatikhim naman siya habang nakatingin sa diary ko. Kinuha niya ‘yon at sinubukang buklatin ang isang pahina. Mukhang alam niya naman na agad na hand written ko ‘yon. Nasa isang linya pa lang ata siya ngunit agad niya na ‘yong sinarado.

“I have something to do in the office. Doon ka muna kina Doc Michael.”sabi niya na binaba na ang diary sa lamesa at napatingin sa cellphone bago ako binuhat. Napatahol naman na ako dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa diary ko na tuluyan ng naiwan doon. Busy ba siya na kahit day off ay tutungo nanaman sa kanyang office?

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya na seryosong seryoso lang ang mukha habang nagmamaneho samantalang ako ay tahol lang ng tahol dahil hindi matanggap na hindi niya man lang tinapos ang pagbabasa ng diary ko.

Nang makarating kami sa bahay nina Michael ay tuluyan na niya akong iniwan. If I know wala naman talagang gagawin sa office tutungo lang siya kina Zen.